Chapter 34

770 19 2
                                    

Lynn's PoV

Napakarami mang masasamang bagay ang nangyayari. Parati pa rin may magagandang bagay ang darating.

Hindi pa rin mawala mula sa mga labi ko ang ngiti. Nakadapa lang ako sa kama habang tinitignan sa screen nang laptop ko ang mga larawan namin ni Coral na kinuha kagabi lang.

Sa tabi naman nang laptop ay ang cellphone ko na ang lock screen ay ang larawan ni Coral habang mahimbing na natutulog at ang wall paper ay ang larawan naming dalawa habang nakahalik si Coral sa pisngi ko.

Hindi ko talaga maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kagabi.

Agad naman akong napahiga nang maisip ko ang nangyari kagabi.

Ano kayang gagawin naming dalawa?! Hindi na ako makapag hintay!

*Flashback*

"I love you"

Seryosong seryosong pagkakasabi niya sa akin na dahilan naman upang agad akong mapayuko dahil sa kilig na nararamdaman ko.

Muli akong napatingin sa kanya at ngayon ay nakikita ko na nakangiti rin siya habang derechong nakatingin sa mga mata ko.

"Napaka cute mo talaga pag nag-aalab ang mga pisngi mo."

Agad naman akong na conscious sa sinabi niya kaya napalapit ako sa salamin upang makita ang pisngi ko.

OMG! Oo nga! Nakakahiya!

Napapikit naman ako dahil sa hiya na nararamdaman ko kaya naman kinagat ko na lang anh labi ko.

Masyado ba niyang nahalata na kinikilig ako sa sinabi niya?

Napadilat naman ako nang maramdaman ko na may yumakap nang mahigpit sa akin mula sa likuran.

"Ayos lang 'yan mahal ko. Mahal naman kita kaya ayos lang kahit kiligin ka sa akin araw araw."

Sabi naman niya sa akin nang nakangiti bago kumindat.

Napinta naman sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti na tanging si Coral lamang ang dahilan.

"I love you Lynn. Mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala nang iba. Lynn. Sana hindi mag fade ang nararamdaman mo para sa akin. Sana hindi ka manawa."

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon