Coral's PoV
Lynn and I are now officially in a romantic relationship.
Mga katagang sinabi ko sa sarili ko na lalong nagpalakas ng tuwang nararamdaman ko. Sobrang saya ko talaga mula noong araw na sinagot niya ako!
Hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na nakuha ko na ang matamis na 'oo' na matagal ko na inaasam na makamit mula kay Lynn...
Sobrang dami na ng mga nangyari sa amin dito sa loob ng University, marami na rin ang namatay pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na dito sa loob ng impyernong lugar na 'to niya ako sasagutin.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bugbugin ang unan sa loob ng kwarto ko dahil sa nag-uumapaw na saya at kilig na kumakawala sa loob ko.
Sobrang saya ko lang talaga at hindi ko mapigilang ilabas ang sayang nararamdaman ko mula ng araw na iyon.
"Gusto ko na siyang makita"
Sabi ko lang sa sarili ko habang nakahiga sa kama ko matapos bumuntong hininga. Alam ko namam na hindi na ako pwedeng lumabas dahil gabing gabi na rin.
Gustuhin ko man na makita siya kahit na maghapon naman kaming nagkasama ngayong ay hindi ko magawa dahil baka kapag lumabas ako ay hindi ko na rin siya masilayan kinabukasan, marahil ay mamatay din ako kagaya ng iba.
Napabuntong hininga muli ako dahil sa labis na pagkadismayang nararamdaman ko dahil hindi ko magawang lumabas at puntahan siya ngayon sa dorm niya.
Bigla naman akong napatingin sa wall clock na naka sabit sa kisame ng kwarto ko. It's already 9:50 in the evening pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Miss na miss ko na rin kasi siya.
"Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Gising pa kaya siya?"
Gustong-gusto ko na talagang lumabas pero napipigilan ko ang sarili ko dahil alam ko na nagkalat na silang lahat sa labas ng dormitories.
Hindi ko alam pero kumakawala sa loob ko ang labis na kagustuhan na lumabas sa dormitory namin at pumunta sa ladies dormitory.
Ginulo ko naman ang buhok ko dahil sa labis na pagka inis sa sarili ko at nagsisisigaw sa loob ng kwarto ko.
"Aaaahhhhh! Gusto ko talagang lumabas!"
Matapos kong sumigaw ay bigla akong bumangon at naupo na lang sa kama. Hindi ako mapakali dahil gustong gusto ko na talagang lumabas ngayon.
Dali dali akong tumayo at nag suot ng itim na jacket bago tuluyang lumabas.
"Bahala na"
Lynn's PoV
Tahimik lang akong nakatanaw sa labas habang pinapanuod ang mga nagkalat na killers sa labas. Wala silang ibang ginagawa kundi ang mag tawanan lang.
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...