Ms. Victoria's PoV
Nakakatawa ang mga estudyante. Pilit nilang tinatawagan ang mga magulang nila ang hindi nila alam matapos namin pwersahin na papurmahin ang mga guardian nila ay pinatay na namin sila! Ang akala yata ng mga batang 'to eh makakausap pa nila ang mga magulang nila. Mga hunghang!
Kitang-kita ko sa monitor lahat ng mga batang tumatawag sa telepono ng mga magulang nila na wala naman sumasagot. Nagpakabit kasi kami ng CCTV Camera sa bawat sulok ng paaralan at mga dormitories. Kaawa-awa talaga! Nagsisimula na, nauulit na ang nangyari 75 years ago! Nagsisimula na! Ang kailangan na lang namin gawin ay ang maiwasan na makaalis ang mga estudyante. Nakakaawa naman talaga sila, hindi nila alam na any moment may mamamatay sa kanila!
"Enjoy?"
Tanong nya sa akin habang papalapit. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya sa office ko. Masyado kasi akong nalibang sa panonood dito sa monitor.
"Yeah. Ang akala siguro nila may mga uuwian pa sila. Ang akala siguro nila may mga magulang pa silang babalikan, trap na rin sila kaya wala na talaga silang kawala."
Sagot ko naman sa kanya habang natatawa. I really enjoy this!
"Mas matutuwa ka pa sa ipapagawa ko sayo. Sigurado ako na masisiyahan ka ng sobra rito."
Sagot niya sa akin habang naka ngisi. Mukhang interesado talaga ang ipapagawa nya sa akin.
"Ano 'yon? Kailangan masaya ha? Ayoko ng makakadisappoint sa akin. Ngayon palang sobrang nasisiyahan na ako, ayokong maudlot ang lahat."
Hindi na ako makapag hintay! Nakakatuwa! Ano kaya ang mga susunod na mangyayari? Sino-sino kaya ang matitira? Sino kaya ang papatay ng kaibigan? Nakakatawa talaga sila.
Muli kong tinignan ang mga monitor. Nakakatawa, marami na ang umiiyak sa kanila. Nakakaawa kayo. Napangisi na lang ako dahil sa sobrang pagkagalak sa mga nangyayari.
Humanda kayo, malapit na ang pagwawakas, malapit na ang kamatayan.
Manipulator's PoV
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...