Chapter 3: Threat

2.7K 83 6
                                    

Lynn PoV

Mabilis lang na lumipas ang mga araw pero kahit na isang linggo na ako sa Anderson University ay dalawa pa lang ang nakakausap at nagiging kaibigan ko. Si Alicia at Alex. Hindi pa ako nakikipag usap sa ibang mga classmates namin ni Alicia lalo pa at hindi pa naman ako ganoon ka komportable sa kanila.

Biyernes na ngayon and 4pm na rin. Uwian na namin kaya naman bago kami umuwi ay napagdesisyunan namin nina Alicia at Alex na pumunta muna sa library para gumawa ng assignment namin na Literary Review sa English. Medyo mahirap lalo pa at mataas masyado ang standard ng teacher namin sa English, si Ms. Veronica. Ang gusto niya ay walang mali sa grammar and ang istructions pa nya sa amin ay "as much as possible, use old English and use the rules in subject verb agreement. Don't be too stupid in using idiomatic expressions too!" napakahirap!

"Lynn. Alis muna kami ni Alex, may meeting pala kasi kami ng SG Officers for our event next week. Kaso baka matagalan kami kaya kapag natapos ka na at wala pa rin kami ay mauna ka na huh?" pagpapaalam sa akin ni Alicia.

"Oo nga Lynn, hindi kasi namin sure ang oras kung gaano katagal ang meeting namin, but usually kasi kapag nag mi-meeting kami ay inaabot kami ng halos isang oras bago matapos ang meeting." dagdag pa ni Alex

"Okay lang. I understand. Sige na baka ma late pa kayo" sagot ko sa kanila habang nakangiti. Mas mahalaga naman kasi ang meeting na iyon dahil para sa foundation week namin ang gagawin nila.

"Okay Lynn! Bye! See ya!" pagpapaalam nila sa akin.

Hindi pa sila gaanong nakakalayo ay may narecieve na kaagad akong text message from unregistered contact number. Napakunot ako ng noo sa nabasa kong message mula sa kung sino man ang nag text sa akin.

Text Message from: 0935*******

Mag-iingat ka sa kanila kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Hindi mo sila kilala.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung sino o ano ang kailangan ng taong nag text sa akin nito pero hindi ko na lang pinansin. Alam ko naman na wala lang yan magawa sa buhay niya kaya kung anu-ano ang sinasabi nya sa akin. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko pero nag vibrate nanaman ang cellphone ko at isang mensahe nanaman ang narecieve ko mula sa same contact number.

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon