Chapter 18: Damian's Secret

977 18 4
                                    

Dylan's PoV

Nagkakagulo ang lahat ng mga estudyante ngayong umaga dito sa school gym. Nag-iiyakan na ang ilan sa kanila at gusto na makauwi. Pero ano nga ba ang magagawa nila? Nakakulong na silang lahat dito. Wala manlang yatang may balak mangahas para magtanong kung paano sila makakalas sa impyernong lugar na 'to.

Muli ko tinignan ang mga nakasabit na bangkay dito sa stage. Masyado kasi kayong nagmamagaling eh, ang akala nyo siguro maiisahan ninyo kami. Pwes nagkakamali kayo.

Walong bangkay ng mga estudyante ang nakasabit sa stage, apat na babae at apat na lalaki. Bigla naman akong napangisi ng muli kong tignan ang dalawa sa kanila. Hindi ibig sabihin na isinali namin kayo sa grupo ay kasama na talaga namin kayo. Hindi nyo manlang ba napansin na ginagamit lang namin kayo? Nakakatawa kayo.

Jim at Leonalyn. Kung inaakala ninyo na maiisahan ninyo kami, pwes nagkakamali kayo.

*Flashback*

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti sa tuwing nakikita ko ang mga takot sa mga estudyante. Hindi ko mapigilang matuwa sa tuwing sila na mismo ang nagbibigay ng daan sa akin. Mukhang napuno nga yata talaga sila ng takot lalo pa at alam nila ang ginawa namin sa isang klase.

Bigla naman akong napangisi sa sobrang tatanga ng mga estudyante na 'to. Masyadong mga duwag, hindi manlang nila magawang lumaban sa amin. Nakakatawa.

Agad naman ako dumiretcho sa likod ng TLE building dahil may garden doon at masarap magpahinga dahil sobrang sariwa ang hangin.

"Leona tama ba ang naging desisyon natin? Tama ba na sumali tayo sa kanila? Tama ba na tinanggap natin ang paanyaya ni Ms. Kyla?"

Bigla naman ako napahinto sa paglalakad dahil sa narinig ko. Hindi ko ugali na makinig sa usapan ng ibang tao pero hindi ko maiwasan ang pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Jim. Ito lang ang paraan para makalabas tayo rito! Jim ito isipin mo ha, kapag napabilang tayo sa mga nakatataas ay maaari natin malaman ang sikretong daanan palabas o kung paano tayo nakakalabas dito."

Napangisi naman ako sa narinig ko na sinabi nung babae sa kausap niya. Mukhang inaakala nila na maiisan nila kami. Muli ko lang sila pinakinggan sa pinag-uusapan nila dahil interesado pa ako sa mga pag-uusapan nila.

Anderson University: Cheat On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon