Bloody Mask PoV
Shit!
Hindi ko inaasahan ang biglang pag saboy ni Kyla ng lupa sa mukha ko na nakuha niya mula sa vase na malapit sa kanya.
Alam ko na sa sandaling iyon ay malapit niya na akong matalo at mapapaslang niya ako.
Nagulat na lang ako nang nakarinig ako ng isang malakas na pagkakahampas at pag bagsak ng isang tao sa sahig.
Anong nangyayari?!
Hindi ko pa rin maimulat ang mga mata ko dala nang pagkakapuwing sa akin ni Kyla pero kahit papaano ay nakakaaninag pa rin ako.
Nakita ki na may isang lalaki na may hawak na dos por dos at isang babae na nakahandusay sa sahig.
Mukhang kilala ko na kung sino siya. Isang lalaking hindi mo aakalain na makakagawa nang ganito sa isang babae.
Napangisi naman ako dahil sa naisip ko.
"Maswerte ka pa rin. Kung hindi ako dumating kaagad ay baka namatay ka na."
Pagkakasabi niya sa akin. Hindi ko man maimulat ng maayos ang mga mata ko dala nang pagkakapuwing ay alam ko na nakangisi siya ngayon.
"Hindi ko inakala na magagawa mo sa kanya 'yan."
Tinanggal ko na ang maskara ko upang malinis ang mga mata ko kaya naman nakakita na ako ng malinaw.
"Mainam pa na kuhanin na natin siya at dalhin sa isang espesyal na silid nang sa ganoon ay magawa mo na ang gusto mo sa kanya."
Suhestiyon naman niya sa akin. Napangisi naman ako sa kanya kaya naman dinala na namin siya lugar ng kanyang kamatayan.
Kyla's PoV
Ang init.
Bigla na lang ako nagising nang makadama ako nang matinding init.
Minulat ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita kundi ang kadiliman nang paligid.
Damang dama ko ang mga pawis na gumagapang pababa sa pisngi ko na nakakapagbigay nang hindi mapakaling pakiramdam sa akin.
Pupunasan ko sana ang pawis ko ngunit napansin ko na nakagapos ako sa kinauupuan ko.
Anong nangyayari?!
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...