Dylan's PoV
Nag-jogging lang ako kahit na kalagitnaan na ng hating gabi. Alam ko naman na hindi delikado para sa akin ang lumabas kung hating gabi lalo pa at kilala ako bilang SSC President ngunit minabuti ko pa rin ang pagdala ng patalim.
"Aahhh! Tulong!"Hindi ko binibigyan ng atensyon ang sigaw na naririnig ko. Sa halip ay patuloy lang ako sa pag jogging.
Simple lang naman eh, if you can't survive in the darkest hour of this world. Never go outside your room when it's already dark.
Nang makakita ako ng isang bench ay agad akong pumunta rito at umupo. Agad ko rin pinunasan ang pawis ko gamit ang bimpo na nakapatong sa batok ko.
Natigilan ako ng bigla ko nanaman naalala ang sinabi ni Cody kanina.
"Anong hindi?! Bakit ako maniniwala sa'yo?! Eh diba nga ikaw ang nag utos sa akin na paslangin si Alex?!"
Oo ako nga ang nagpapatay kay Alex. Pero iyon ay upang maprotektahan ko ang lihim ko. Ayokong madamay ang taong pinoprotektahan ko nang dahil lang sa isa naming kasama.
Nakita ko naman mula sa di kalayuan ang isang babae na tumatakbo habang hinahabol ng mga killers.
Napangisi na lang ako dahil hindi na sila natuto. Kahit na ano naman ang gawin nila ay hindi na sila makaka alis dito.
"Anong hindi?! Bakit ako maniniwala sa'yo?! Eh diba nga ikaw ang nag utos sa akin na paslangin si
Alex?!Biglang nawala sa mga labi ko ang ngisi na nakaporma rito. Hindi ko talaga magawang ialis sa isipan ko ang sinabi niya kanina.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang may biglang sumagi sa isipan ko. Papaano kung may ibang tao na nakakarinig sa amin noon at nalaman na ako ang nagpapatay kay Alex?!
Nakahinga rin ako ng maluwag nang biglang may sumagi sa isipan ko at muli ay pumorma mula sa mga labi ko ang isang ngisi na kanina ay nawala.
Ano nga ba naman ang magagawa nila? Sa mundong binuo namin. Kami ang batas at wala silang magagawa para rito kundi ang sumunod. Ano naman kung may makaalam? Saan ba pinaslang si Alex? Dito diba? Ibig sabihin batas pa rin namin ang susundin.
Kung hindi lang sana siya namakialam. Edi sana buhay pa siya ngayon.
*Flashback*
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Misteri / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...