Diana's PoV
Hindi ko akalain na ganoon lang kadali ipagkakatiwala ni Victoria ang tiwala niya sa tatlong mokong na 'yon! Ano bang sumagi sa isipan niya at ginagawa niya yon?! Sige nga! Sabihin niya kung anong plano niya! Nakakainis lang! Gusto pa niya na magkakasama kami doon sa plano niya! Nakaka inis! Nakaka buwisit!
"Kahit na panggigilan mo pa yang pagkain mo ay wala ka na magagawa. Nagdesisyon na ang matandang 'yon kaya naman tanggapin na lang natin kahit na napipilitan lang tayo"
Gigil na gigil na sabi ni Xyla sa akin. Nasa school cafeteria kasi kami ngayon at kumakain. Pinanggigigilan ko kasi habang hinihiwa ng knife ang steak na kinakain ko kaya sinita niya ako. Pero siya naman habang naninita ay kitang kita ko na pinanggigigilan niya rin ang pagkain niya.
"Bakit kaya hindi na lang tayo umalis dito? Tayo ni Dylan?" Suhestiyon ko sa kanya, nagsasawa na rin naman na kasi ako sa ginagawa namin dito eh, hindi na kasing saya noong umpisa. Wala nang thrill dahil paunti na ng paunti ang mga estudyante. Nakita ko naman ang pagkagulat sa itsura ni Xyla, anong problema niya? Bakit ganito ang naging reaksyon niya?
"Isa pa, bakit nga ba nag titiis tayo rito eh may mga susi naman tayo diba? Kung tutuusin ay kayang-kaya natin na umalis dito at 'wag na magpakita" dagdag ko pa sa sinabi sa kanya. Hindi nagbago ang reaksyon niya nang dagdagan ko ang sinabi ko, napakunot na lang ako ng noo dahil hindi ko alam kung naunawaan niya ba ang sinabi ko. I snapped my finger in her face to brought her back in reality.
"Huh? Ha?" taning tugon niya lang sa akin matapos kong sabihin sa kanya ang mga bagay na 'yon. "Hey? What was the problem? Are you listening?" I asked while my arms crossed. Mukha naman kasing hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ko sa kanya. Ano ba talagang problema niya?
"Ah? Ano nga ulit 'yon?" Tanong niya sa akin na para bang wala akong sinabi sa kanya kanina. Seriously? Nang-iinis ba siya? Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...