Lynn's PoV
Rest in Peace Alicia.
Hindi ko sila maintindihan, alam kong kasama nila si Alicia pero bakit nila nagawang patayin ang kasama nila? Sobra-sobra na ang ginagawa nila. Bakit? Anong dahilan? Gulat na gulat ang lahat ng estudyante na pinatay si Alicia. Actually kami man ni Coral ay nagulat din lalo pa at hindi namin innasahan na si Alicia pala ang babae na nakita namin kagabi.
Kakakuha lang ng bangkay ni Alicia kanina matapos pagkaguluhan ng mga estudyante. Ano ba ang binabalak nila? Kitang-kita ng mga mata namin ni Coral ang ginawang pag paslang sa kanya kagabi, pero bakit hinayaan lang nila na nakatiwangwang doon ang bangkay nya? Puno ng taga, nababalutan ng dugo ang katawan, halos matanggal na rin ang braso at leeg ni Alicia dahil sa pagkaka taga sa kanya.
Pangalawang araw na namin ngayon dito without our family. Kitang kita ko sa mga mata ng bawat estudyante ang lungkot. Namimiss ko na si Mama. Kitang-kita ko rin sa kanila ang takot na nararamdaman nila.
"Good morning!"
Our head mistress greeted us in a very energetic tone. As if maeenergize kami lalo pa at wala ang mga pamilya namin dito at may namatay. Hayss..
Ipinatawag nanaman kami ng magaling naming head mistress para sa isang announcement. Actually alam na namin na hindi nanaman maganda ang sasabihin nya. Nagsisimula na akong mainis sa mga nangyayari dito. Puro panggagago lang naman yata ang gagawin dito eh.
"Siguro naman ay aware kayo sa pagkamatay ng dalawa nating estudyante kahapon ng tanghali at kagabi. Sina Danilo at Alicia."
Nanatili lang na tahimik ang crowd dahil wala naman kasi talagang dapat ikatuwa. Dapat lang talaga kaming mabahala dahil kahapon dalawa na kaagad ang namatay. Hindi namin alam baka any moment mamatay na rin kami sa loob ng impyernong 'to.
"Bakit nga ba sila namatay? Simple lang, una si Danilo, tinangka nya tumakas kaya namatay sya. Lahat ng mga magtatangkang tumakas ay mamamatay. Pangalawa, si Alicia. Inabutan sya ng curfew, actually hindi lang sya, may dalawa pa at nasaksihan nila ang lahat ng pagpatat kay Alicia."
Nagsimula na ang bulung-bulungan ng lahat. Pag takas? Bakit? Mga preso ba kami rito? Hindi naman yata tama lahat ng mga ginagawa nila sa amin! Wala manlang bang gagawing aksyon ang awtoridad para rito?!
Isa pa! Anong curfew? Wala naman silang sinabi na may curfew ah? Anong klaseng paaralan ba to?! Paaralan pa ba to matuturing?!
"Pag tungtong ng 7pm. Magsisimula na sila mag patrol. Hindi nyo sila kilala, pero kilala nila kayo. Lahat ng nasa labas pa ng dorm sa oras ng gabi ay papatayin nila."
Papatayin?! Anong klase yan?! Ano bang nasa isip nila?! Bakit kailangan nila pumatay?!
"Self-sustained ang school natin, walang kinalaman ang gobyerno rito, actually they signed a agreement paper stated that, whatever rules we want to implement inside the institution, weather it is harmful or not, they have nothing to do with it. In short, wala kayong maaasahan sa gobyerno natin."
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...