"For keeps"
Lynn's PoV
Hindi ako makapaniwala sa mga bagay na nakikita ko. Ipinikit ko ng ilang ulit ang mga mata ko dahil sa pagbabakasakali na ilusyon lang ang lahat ng nakikita ko pero ilang beses ko na ipinikit ang mga mata ko at ilang beses ko na rin sinampal at kinurot ang sarili ko upang magising sa panaginip na ito pero walang nangyari. Totoo ang lahat ng nakikita ko at hindi isang ilusyon o panaginip man. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng ganitong klaseng lugar dito.
"Kumusta? Ayos ba?"
Nakangiting tanong sa akin ni Coral. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya dahil sa sobrang pagkamangha. Hindi ko akalain na ang mala impyernong lugar na ito ay magkakaroon pala ng ganitong kagandang lugar.
"Papaano nagkaroon ng ganitong lugar dito? Diba wala naman 'to noon dito lalo pa at noong foundation week ay nilibot natin ang buong school?"
Totoo, wala pa ang lugar na ito noon at hindi ko alam kung papaano nila ito nagawa ng hindi namin namamalayan. Napaka galing, sobrang ganda.
"Actually hindi ko rin alam. Pero ang mahalaga, magagawa natin ang mag relax ngayon dito."
Matapos niyang sabihin sa akin ang mga katagang 'yon ay hinawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kamay naming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam na ganito, pakiramdam ko ay ligtas ako kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko handa niya akong protektahan sa anu mang panganib na darating sa amin.
Muli akong napatingin sa paligid habang masayang nagkukwentuhan at namamasyal ang iba pang mga estudyante na nandito. Ang buong akala ko ay nagtatago lang sila sa loob ng silid nila kapag walang klase upang makaiwas sa mga killers pero mali pala ako.
Karamihan pala sa mga estudyante ay nandito sa lugar na ito upang maglibang. Aminado ako, napupuno ako ng saya ngayon dahil sa mga nakikita ko. Pakiramdam ko malaya na ulit ako. Pakiramdam ko hindi ako nakakulong sa impyernobg kinalalagyan namin ngayon.
Naramdaman ko ang pag yakap sa akin ng malamig na hangin dahilan upang maramdaman ko sa kailaliman ng aking puso ang labis na pagka saya. Kakaibang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. Napaka sarap sa pakiramdam.
"So... Lets go?"
Tanong sa akin ni Coral habang suot suot ang matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi at hawak ang kamay ko.
Salamat Coral, salamat sa lahat ng ginagawa mo upang sumaya ako. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya bago tumango at sumagot.
"Umm... Tara"
Coral's PoV
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...