Coral's PoV
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya sa sinabi niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Ibig ba niyang sabihin ay isa ako sa mga killers? Na pinaghihinalaan niya ako bilang isa sa mga nasa likod ng mga patayan sa loob ng school? Na isa ako sa mga tao na nag plano na makulong kaming lahat dito sa loob ng inpyenong 'to?
Hindi ko magawang makapag salita dahil sa sinabi niya sa akin. Sa totoo lang, nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Nasaktan ako dahil nagawa niya akong pag hinalaan dahil lang sa simpleng kwintas na ito. Ganun ba ako kababa para sa kanya?
"Isa ka ba sa kanila?"
Lalong kumirot ang puso ko dahil sa tinanong niya sa akin. Lalo akong nasaktan at parang dahan-dahang dinudurog ng pinong-pino ang puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit? Bakit kailangan mo akong paghinalaan? Bakit mo naiisip ang mga bagay na 'yan sa akin?
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na mararamdaman ko. Awa sa sarili dahil sa pinaghihinalaan akong killer ni Lynn, Lungkot dahil hindi ko matanggap na nasabi sa akin ni Lynn ang mga bagay na 'yon. O galit? Galit dahil hindi ako pinagkakatiwalaan ni Lynn?
Bigla ko naman nakitang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Lynn. Sobra akong nasasaktan na makita ang babaeng mahal ko na umiiyak.
Nasasaktan siya sa mga nangyayari, at sa palagay kk naguguluhan siya dahil sa sitwasyon namin. Dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isipan niya.
Agad ko naman pinunasan ang mga luha niya bago nakakuha ng lakas ng loob na magsalita. Mahal na mahal kita Lynn, ayoko na masaktan ka dahil sa akin. Mainam na siguro na dumistansya muna ako sa'yo hanggat hindi mo pa napapatunayan ang hinala mo. Hanggat hindi ko pa napapatunayan na hindi ako isa sa kanila.
"Lynn... Mahal na mahal kita, ayokong nakikita kang umiiyak. Lynn, doon sa tanong mo kung isa ba ako sa kanila, kapag ba sinabi kong hindi ay maniniwala ka? Ikaw ang nagpapatakbo ng isip mo Lynn, hindi ang kung ano ang isasagot ko sa tanong mo."
Nagpatuloy lang sa pagtulo ang mga luha ni Lynn. Hindi ito humihinto sa pag agos mula sa mga mata niya kaya lalo akong nasasaktan. Muli kong pinunasan anh mga luha na umaagos mula sa kanyang mga mata.
Napapikit na lang ako dahil hindi ko na kayang makita na umiiyak siya ng dahil sa mga pagdududa niya sa akin. Hindi ko na rin kaya at malapit na lumabas sa aking mga mata ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Misterio / SuspensoAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...