Coral's PoV
Hindi ko alam kung ano ang napag usapan nilang dalawa noong isang araw ng lalaki na nagpakilala bilang Cyan. Hindi ko rin maunawaan kung bakit pagkabalik pa lang ni Lynn ay wala na siya sa sarili, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya kahapon. Sobrang nag-aalala na ako para sa kanya, hindi na nga rin natuloy ang date namin kahapon dahil doon eh.
*Flashback*
"Pasensya na pero kailangan ko kayong istorbohin" sabi ng isang lalaki sa amin ni Lynn ng maghiwalay kami sa pagkakayakap. Sino naman ba 'tong lalaking to? At ano ang pakay niya?
"Hayaan nyo muna akong magpakilala, ako si Cyan at nandito ako para kausapin si Lynn, walang ibang kasama." Napalingon naman ako kay Lynn na bakas din sa pagkagulat sa mukha. Hindi ako makakapayag sa gustong mangyari ng Cyan na yan! Papaano kung balak niya lang palang saktan ang babaeng mahal ko?! Agad kong kinuha ang kamay ni Lynn bago sumagot kay Cyan.
"Hindi ako makakapayag, hindi ka namin kilala, at kahit pa kilala ka namin ay wala kaming balak na magtiwala sa'yo!"
Nakita ko naman na kumurba sa kanyang labi ang isang kakaibang ngisi at nag squint ang kanyang mga mata bago mag salita. Para bang tinatantiya niya ako.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na para 'to sa ikabubuti niya? Ikabubuti ninyo?"
Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Lynn at ikinagulat ko naman ang sagot niya.
"Sige, sasama ako." Matipid na pag sagot niya na tinutulan ko naman, hindi ko gusto ang desisyon niya dahil baka mapahamak lang siya.
"Pero Lynn! Paano kung mapahamak ka! Hindi ko 'yon hahayaan!" Tugon ko lang sa kanya na bakas ng pag-aalala ang mukha dahil sa naging desisyon niya. Nakita ko naman ang pagkurba ng isang ngiti na nakapagpagaan ng loob ko mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...