Christian's PoV
Napatingala ako sa kalangitan ng marinig ko sa itaas ang mga pagsabog na naglikha ng iba't ibang mga kulay. Nagsimula na ang fire works display na kanina pa namin inaabangan, kitang kita ko sa mukha ng mga estudyante ang takot sa kanilang mga mukha. Halata sa bawat kilos nila ang pag-aalala sa maaaring mangyari sa kanila.
"Calling the attention of all the students, get your weapons on your room and get outside after 15 minutes. Your time starts now. Walang gagamit ng kahit na anong baril."
Narinig kong anunsyo ni Victoria mula sa speaker na nagkalat sa buong school. Agad naman na nagsikilos ang mga estudyante na para bang mauubusan sila ng sandata sa oras na hindi sila kaagad malabalik sa mga kwarto nila.
"Nakakarawa silang tignan hindi ba?" Nakangiting sabi sa akin ni Cyan habang tinitignan ang mga estudyante habang nagkukumahog sa pag takbo. Hindi ko alam na nandito pala siya, nakita ko naman na may kasama siyang isang babae na nakapinta rin ang isang ngiti sa labi. Nakita ko na may hawak siyang patalim at mukhang nakahanda na rin siya sa kung ano man ang naghihintay sa kanya.
"Ang akala siguro nila ay makakaligtas sila sa tiyak na kamatayan kung kukuha sila ng patalim. Hindi nila alam na pinaglalaruan lang sila ni Victoria."
Sa di kalayuan ay nakarinig kami ng putok ng mga baril. Sunod-sunod na pag putok ng baril at alam ko na may mga estudyante na kaagad na nagsimula sa pagpaslang sa mga kapwa nila estudyante. Mga masyadong nagpapauto sa nakatataas at masasabi ko na hindi sila marunong sumunod sa simpleng instruction. Mga mahina ang kokote. Mga moron!
"Sisimulan na ba natin ang plano? Christian?" Napalingon naman ako kay Cyan na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin kagaya ng kasama niyang babae na may maamong mukha.
"Oo, simulan niyo na ang napag-usapan. Mukhang kailangan na natin umpisahan ang plano." Tugon ko lang sa tanong ni Cyan. Napakunot naman ako ng noo nang mapansin ko na hindi pa sila kumikilos.
"Anong plano mo? Bakit mo sila gustong tulungan?" Tanong niya lang sa akin habang seryosong nakatingin habang ang babaeng kasama niya ay bakas pa rin ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napangisi lang ako sa tanong na ibinato niya sa akin bago sumagot.
BINABASA MO ANG
Anderson University: Cheat On You
Mystery / ThrillerAnderson University: Cheat On You Gugustuhin mo bang makapasok sa isang paaralan na may mataas na antas ng edukasyon? Isang paaralan na makapagbibigay ng magandang kinabukasn. Ngunit, papaano kung magbago ang lahat? At magsisimula ang lahat sa pagka...