Maaga akong umalis ng bahay para makakuha ng classcards. Masyado kasing masipag ang professor namin sa College Algebra kaya maaga daw kaming pumunta.
Pero yung aga na sinabi nya ay samin lang pala. Biruin mo, nandito na kami ng 7:00 pero hanggang ngayon, wala pa din sya.
4:00 na po ng hapon at naghihintay pa din kami. Puro kami hintay ng updates kung darating ba sya.
Siguro naman hindi pa sya darating kaya napagkasunduan namin ni Claire na lumabas muna at bumili ng ice cream.
"Kia. Tingnan mo oh. Ang ganda nung sasakyan.", napatingin naman ako sa sinasabi nya.
Oo nga. Ang ganda. Kung ako magkakasasakyan, parang ganito ang gusto ko. Sayang di namin kasama si Joy para malaman kung anong modelo 'to. Sya kasi ang mahilig sa kotse.
"Gusto mo Claire? Bibili ako.", sambit ko kay Claire. Syempre biro lang yun. Kulang pa nga ang baon ko para sa laruang sasakyan eh, sa tunay pa kaya.
"Adik. Halika na nga, mag-ice cream nalang tayo.", sagot nya saka naglakad na.
Sa totoo lang, ayoko mag-ice cream. Marami na kasing nagsasabi na mataba na ako. Di naman sa conscious pero ako mismo, alam kong nagiging unhealthy ako.
Kaso nga lang, mukhang masisira ang food discipline ko ngayong araw. Kailangan kong damayan si Claire dahil depressed sya ngayon. Sino bang hindi madedepressed pag alam mong ipinagkalulo ka na ng manliligaw mo?
Minsan lang kasi yan magseryoso sa mga nanliligaw sa kanya. Strikto din kasi ako sa kanya bilang bestfriend nya.
"Kia. Nakakaasar talaga eh. Dapat nakinig ako sa'yo.", sambit nya habang nakaupo kami sa sidewalk.
Ganito talaga kami pag may problema. Ice cream lang ang makakagamot.
Pero hindi nakakaalis ng problema. Tingnan mo. Naiiyak na naman sya.
"Hayaan mo na yun. Dun na lang tayo sa crush mo. Di ka crush kaya alam mong di ka mapagkakalulo.", payo ko. Nakita ko na natawa sya. Buti naman.
Meron kasi syang isang crush pero di sya gusto. Kaya lang naman sya nagpapaligaw para mapansin kaso sa huli. Yung manliligaw pa nya ang makakasakit.
"Hahaha. Ewan ko sayo. Sira na diet mo. Halika na nga.", sagot nya.
Napangiti na ako. Alam kong kahit papaano, nakatulong din ang ice cream. Tataba nga lang ako.
Habang naglalakad kami. Biglang nagvibrate yung phone ko. May nagtext ata kaya tiningnan ko muna.
Nakita ko na nakatingin din sya sa phone nya. Tama. Andun na nga si Ma'am Lucia, ang masungit naming prof sa math.
"Hala sorry Kia. Niyaya pa kita. Andun na si Ma'am.", pag-aalala nya.
"Edi tumakbo na tayo. Dali!", pagkasabi ko nito, tinakbo na namin hanggang entrance ng school. Nakakapagod pero kailangan.
"Teka.", napatigil ako.
Papasok na sana kami kaso may nakita akong nakatingin sa'kin mula sa may kotse kanina.
"Bakit? Bilisan na natin.", nabalik ang tingin ko kay Claire nang magsalita sya.
"Hindi. Wala. Parang may nakatingin sa'kin.", sabi ko.
"Mas masama ang tingin ni Ma'am kaya halika na.", pagkasabi nya nun, hinila na nya ko paloob.
Baka nga wala lang yun. Wala din naman akong kakilala na ganun kaganda ang kotse.
...
Pagkabukas namin ng pinto. Nandoon na nga si Ma'am. Napatingin sya samin dahil sa ingay ng pinto.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander