Xander's POV
"Inhale. Exhale.", sambit ni Jordan. Putek! Kanina pa kami dito sa labas ng bahay ni Aria. Tuwing may lalabas, nag-aala halaman nalang kami. Si Jordan yung lupa. Joke!
"Ano na? Xander, ilang oras na tayo dito eh. Ang init init kaya!", reklamo nya. Teka, sino bang maysabing mag longsleeve sya na makapal habang ang araw ay tirik na tirik.
Napakapit kami ulit sa may isang halaman nang makita namin kung sinong papalabas. Si Aria.
"Xander. It's your time to shine.", bulong nya. Anong pagshine ang sinasabi nya? Baka mamaya maliha nga ako dito eh!
Hindi ako natinag. Nakakapit lang ako sa halaman. Kaso, mayamaya, napapansin kong itinutulak nya ako.
"Hoy, wag ka ngang magulo.", saway ko. Ayaw nya magtigil. Tulak lang siya ng tulak. Baka mamaya, maitulak na nya ako palabas sa pinagtataguan namin.
"Ayan na sya kasi. Sayang ang oras.", sagot nya.
"Ikaw ba magsosorry? Maghintay ka nga.", sagot ko din.
"Xander?", napalingon ako nang tawagin ako ng pamilyar na boses. Si Aria.
"A-ano--"
"Anong ginagawa mo dito? Buhay ka pa pala?", walang gana nyang sagot. Tatalikod na sana siya kaso sumigaw ako. "Teka Aria!"
"Anong kailangan mo sa anak ko?!" Nagulat ako nang makita ang isang matandang lalaki sa harap ko. Lumabas din mula sa pintuan ang isang babaeng may katandaan na din.
"Pa, bakit maaga kayong umuwi?", tanong ni Aria.
"Masama ba? Diba ito yung!" Napapikit ako nang itaas ng lalaki ang kamay nya. Namuo ang kamao nya. Patay.
"Pa. Hwag!", sigaw ni Aria. Imbis na masuntok ay hinatak ako ng lalaking yun papasok sa bahay nila. Naiwan si Jordan sa labas. Hindi nya ako nasundan, este, di nya ko sinundan.
...
"Alam mong nag-iisang anak namin si Aria diba?!", sigaw ni Mr. Rianco, yung papa ni Aria. Kanina nya pa ako pinapagalitan.
"Alam ko po yun at yung tungkol sa nagawa ko po noon--"
"Hiwalayan mo siya,"
"PO?!", sigaw ko bigla. Anong hiwalayan? Eh matagal ko na ngang hiniwalayan si Aria. Di nga ata naging kami.. hehe.
"Teka, matagal na--"
"Pa, nasabi ko na sa kanya," sabat ni Aria. Napatingin ako sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya. Teka, naguguluhan na ako ah.
Pero magaling akong magbasa ng mata kaya tingin ko ang sabi nya, 'sumakay ka na lang' saan?
"Good. May fiancè na si Aria. Mas makakabuti kung hihiwalayan mo na siya," sabi ni Mr. Rianco. Whatt?
Tinignan ko ulit si Aria. Nanlalaki na talaga ang mga mata niya. Baka isipin nun, slow ako. Gets ko na.
"Masakit pero kung yun ang gusto niyo at gusto ni Aria... sige. Tatapusin na namin ang kung anong meron kami," sabi ko. Masusuka na ko dito! Ang hirap pala umakting.
"Tanggalin mo na yang pagmamahal na yan. Sige makakaalis ka na," sabi niya. Tumango ako at naglakad palabas, inihatid ako ni Aria sa labas. Pinigilan pa nga siya, pero sabi namin. FAREWELL talk. May ganun ba?
...
"Aria, anong sinasabi ng papa mo?"
"Pasalamat ka, maganda ang kwento ko tungkol sa'yo."
"Ah?"
Kanina pa kami nagpapaliwanagan dito sa labas tungkol sa kung anumang nangyayari kanina. Wala na rin kasi si Jordan. Iniwan ako, ata.
"So, talagang noon pa lang may fiancè ka na?", tanong ko.
"Yup!"
"Edi, anong trip mo sa akin?"
"Hey Xander! Minahal talaga kita ah. Kahit na,oo nagamit kita kasi baka sakaling itigil ang engagement ko sa iba, pero tunay ang feelings ko. Ikaw lang naman peke eh."
"Ano?", tanong ko.
"Hoy. Akala mo nakalimutan ko na ang atraso mo sa kababaihan? Pwes hindi. Teka, anong ginagawa mo dito?", taka niya.
"Mag--"
"Ano?"
"S--"
"Ano? Hindi mo masabi? Alam ko na yun. Sorry. Sana nagsisi ka eh noh?", tinapik nya lang ako sa balikat. Teka, parang hindi naman si Aria yung kausap ko? Eh, masyadong kalmado to eh.
"Alam mo Xander. Ok na ako. Sana, ok ka na din. Salamat talaga kay Kia, may pinarealize siya sa amin," paliwanag nya.
"Anong sinabi nya?", tanong ko.
"Amin amin na yun. Osya, bye na. Baka si papa, mahuli tayo. Madagdagan na naman ang problema mo. Haha!"
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Napaisip tuloy ako habang naglalakad. Anong sinabi na naman ni Kia sa mga yun?
"Xander! Iniwan mo ako!"
"Jordan?! Akala ko umuwi ka na?!"
"Kumain lang ako ng fishball sa may kanto. Okay na?"
"Yes," sagot ko. Pumalakpak siya sa tuwa. At kumapit sa braso ko.
"Hoy bitawan mo nga ako!"
"Hindi! Mag-dadate tayo! Sabi ni Kia, pag naging succesful ang paghingi mo ng tawad kay Aria, date kita ngayon! Wahahaha!"
"ASA!", sigaw ko.
Pumiglas ako at tumakbo, adik yung babaeng yun. Kaya pala, pinasama si Jordan dahil sa deal na binigay nya. Humanda ka sakin pag-uwi ko! Ikaw ang i-de-date ko!
Lesson Learned:
Ingat ka. Baka ang kasama mo, ka-date mo na.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander
