Kia's PoV
"Xander!! Ano ba talagang pinapabili ni tita?! Kanina pa tayo naglilibot dito eh!"
"Wag ka ngang magulo dyan. Hindi kasi ako gaano nagpupunta dito kaya di ko alam kung nasaan lahat ng 'to!"
Hindi na matapos tapos ang bangayan naming dalawa. Nako! Ambagal nya kasi eh.
"Ano? Kulang pa?!", pag-angal ko na naman. Mukhang seryoso na sya dahil tumango na lang sya. Dahil wala ng thrill, naisipan kong maglibot libot na muna sa may free taste.
"Try this ma'am!", sabi ng babaeng nakasuot ng asul na cap at apron. Ano ba 'to? Ah, gatas. Masarap ah.
Teka, ba't parang chocolate? Gatas na choco? O choco na gatas?
"Here ma'am." sabi naman ng lalaking nakasuot ng puting poloshirt.
#DOTD? Haha.
Bakit puro drinks naman ata? Lumingon lingon ako sa paligid. Naghanap pa ako ng iba?
Ayun! May libreng ano ba yun? Hotdog? Ay pwede na yun. Atlis di na drinks.
Xander's POV
Napakarami ko nang sinasabi dito pero wala namang sinasagot tong babae na 'to. Teka, ba't nga ba ang tahimik nito. Galit ba to?
"Kia," sabi ko sabay lingon.
O.o? Asan sya?!
"Kia! Di ako nakikipagbiruan ah!"
Nako naman, di sumasagot si Kia. Hayaan na nga lang. Magkikita din kami kung yun ang sabi ng tadhanaXD
Kia's POV
"Tingnan mo oh. Hindi na nahiya. Inubos na lahat ng free taste," rinig kong bulong ng sinuman.
Tiningnan ko sila. Oo, dalawa sila. Nako naman, mas maganda pala ako. Wag ko na lang pansinin.
"Akala mo maganda," bulong pa nung isa. Ayan di ko na palalagpasin! Kasasabi ko palang na mas maganda ako eh!
"Excuse me?" Sambit ko. Syempre ang look dapat matapang, este tapang tapangan. Tinaas ko ang isang kilay ko. Nagcrossed-arms ako saka sya tinitigan.
"Bakit masama tingin mo?"
"Ang sama kasi ng mukha mo," biglaan kong sagot. Halata ko namang nagulat sila.
"Miss, tumatalas yata ang dila mo," sabi nung isa. Syempre, di ako nagpatalo. Matalas pala ah.
"Sana nga matalas eh nang masaksak kita," sabi ko saka tumalikod kaso!
"Araaayyyyyyyy!!!!!!", sigaw ko na nakatawag pansin ng mga taong nandirito.
Isa sa ayaw ko ay, hilain ang buhok ko! FYI! Hindi rebonded yan! Maganda talaga yan since tumubo yan sa ulo ko kaya walang! Sinuman! Ang! Maaaring! Manabunot! Dyan!
"Humanda ka!", sigaw ko saka umikot bigla. Akala nya hindi ako marunong magmartial arts!
"Ano!!! Ha?! Lalaban ka?!", sigaw ko habang hawak na ang buhok nya. Kaso, naalala ko yung isa, susugurin na sana ako nang..
"Yah!!!!!!!!"
May bakla? Another Jordan?
Sya ang tumapos este, nagpokus dun sa babaeng masama ang mukha. Syempre dahil advantage yun, yamado na ako sa laban.
"Pfffttttt. ." Pito? Guard?! Nabitawan ko agad yung babae tapos si Another Jordan, ganun din. Napataas kami ng kamay.
"Sinong nagsimula ng gulo?!", sigaw ng guard. Kumpulan na ang mga tao kaya hindi na ako dapat mahamak! Tinuro ko ang dalawang babae. Tinulungan silang makatayo nung ibang guard.
"Eh ikaw?"
"Nako manong guard, kapederasyon yan! Wag nyo syang hulihin. Tinulungan nya ako," awat ko nang biglang hawakan si Another Jordan sa dalawang braso.
"O sige pero pareho kayong sumama. Magpaliwanag kayo," sabi nya.
Sumama nga kami ni Another Jordan. Nang.. "manong, may kasama pa pala ako. Lalaki, nakasuot ng white shirt at black pants, matangkad, maputi, matangos ilong, gwapo, pakihanap po please," pagmamakaawa ko sa kausap ko.
Patay. Siguradong patay ako kay Xander at Tita nito.
Lesson learned:
Kung mang-aaway ka, siguraduhin mong wala kang kasamang hahanapin pagkatapos. Hassle eh.

BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander