Chapter 7. Kowyogwapew

91 4 2
                                    

"Nakakatanggap na 'ko ng death threats mula dun sa Aria na yon!", sigaw ko kay Xander habang nandito sa kwarto nya.

Iniwan na naman kasi ni Xander si Aria. Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi nya sa katangahan nya.

Hindi ko din lalo maisip kung paano nya nakuha ang number ko. May pagkaspy din ata ang babaeng yun.

Hindi nya ako pinapansin. Nakadapa lang sa kama at naglalaro sa tablet nya.

"Ikaw may kasalanan! Ano? Kapal mo talagang loko ka!", sigaw ko.

"Xander!!!!", sigaw ko pa.

Hindi nya ako pinansin. Buti nakakita ako ng walis tambo sa malapit sa pinto. Pumunta ako para kunin yun.

Hawak ko na ang tambo. Handa ko nang gamitin ito para sa kanya. Lumingon na ko kaso,

"Ba't nakatayo ka na?!", gulat ko.

Pagkalingon ko, nasa may harapan ko na sya. Ni hindi ko nga naramdaman ang yapak nya.

"Oy ba't sabi nandito ka?!", tanong ko.

Ramdam ko ang paglapit nya. Kaya napapaatras din ako.

"Diba tawag mo ko?", sambit nya.

Iba ang boses nya. Hindi pasigaw at parang bumubulong lang.

Kakaatras ko, nadikit na ako sa pader. Tatakbo na sana ako nang maharang ng dalawa nyang kamay ang gilid ko. Corner na nya ako.

"Hindi hin-di  kita ta-tawag! Lumayo ka!", sigaw ko.

Pinipilit ko syang itulak pero hindi ko kaya. Unti-unti syang lumalapit.

Napapikit nalang ako hanggang naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa akin.

...

"Haaaaaa!!!!!!!"

Nagising ako mula sa nakakadiring panaginip. Nakapikit pa din ako.

Hanggang sa panaginip ba naman, ganun ang binibigay nyang kabwisitan?

Siguro bang tapos na ang panaginip? Upang masigurado, idinilat ko na ang mga mata ko nang,

"Bangungot!!!!!!!", sigaw ko.

Agad naman akong sinabunutan ni Jordan.

"Bebe Sister! Kaloka ka! Anong sinasabi mo ha?!", tanong nya.

Grabe. Nagulat ako.

"Ah wala.", sabi ko sa kanya. Tumayo na ako sa kama. Tumingin ako sa kanya at napaisip.

"Ba't andito ka? Walang klase ngayon! Day off ko eh!", sigaw ko.

Hindi nya ako sinagot. Basta nalang nya ako hinila palabas ng kwarto.

Bumaba na kami ng hagdan. Nakita ko naman si Xander. Naalala ko yung panaginip ko.

Hindi ko alam kung bakit pero tumakbo ako papunta sa kanya.

"Yaaaa!!!!", sigaw ko saka sya flinying kick. Hindi nya yun inasahan kaya tinamaan sya at natumba.

"Sir!", sigaw ng mga maid.

"Oh my Bebe Sister! Bakit mo ginawa yun?!", rinig kong tanong ni Jordan.

"Anak?! Kia?!", napatingin ako bigla kay Tita Millet. Patay.

Lumapit sya samin. Anong sasabihin ko? Nakita nya ang ginawa ko. Siguradong papaalisin na nya ako.

"Ano na namang ginawa mo Xander?!", sigaw nya kay Xander.

"Anong ako?! Ma! Nakita mo ang ginawa ni Kia!...

Aray!", paliwanag nya pero binatukan sya ni Tita.

Humarap sa amin si Tita Millet.

Kinakabahan ako. Lumapit sya sakin. Nakita kong itinaas nya ang kamay nya kaya napapikit ako.

"Okay ka lang Kia?!", tanong nya saka ako chineck.

Napadilat ako sa narinig ko.

"Po?", taka ko.

"Ma!", angal ni Xander.

"Manahimik ka Xander!", sigaw ni Tita.

Humarap ulit sya sakin saka humarap kay Jordan.

"Jords, dalhin mo na si Kia sa living room. Gawin nyo na yung gagawin nyo today.", utos nya kay Jords.

Agad naman akong hinawakan ni Jordan at hinila paalis dun.

"Yes Madir Dear!" sagot ni Jordan sabay saludo.

Bago ako makaalis, nakita ko ang mga mata ni Xander. Nagagalit sya. Medyo naguiguilty ako pero may kasalanan din naman sya diba?

Nakaalis na kami doon. Bago kami makalayo, narinig ko ang walang katapusang sermon ni Tita Millet kay Xander. Ayan, naguilty na talaga ako.

...

"Ano nga ulit yung trabaho mo? Yung isa?", tanong ko kay Jordan habang sumasayaw sya.

"Choreographer.", sagot nya.

Kahangahanga talaga si Jordan. Lalaki pa din sya pero ang lambot ng katawan nya.

"Ah Kowgraper. Ay este, koryogwaper, ay ano ba yan! Koryograpew! Lulululu. Nabubulul aku."

Napatawa naman sya. Mali nga alam ko eh.

"Say it. Kor-Yo-Gra-Per."

Inulit ko naman ang sinabi nya.

"Kor-Yo-Gra-Per.", sagot ko.

Pinalakpakan nya ako.

"O sige. Bilisan mo naman. Choreographer.", utos nya.

Inulit ko muna yung kanina.

"Kor-Yo-Gra-Per...

...Kowyogwapew!", sigaw ko.

Napahalakhak naman si Jordan. Nahiya tuloy ako.

Napatigil lang ang tawanan namin nang dumaan si Xander. Nakita ko yung pasa nya sa mukha. Mula yun sa sipa ko.

Akala ko, tahimik lang sya dadaan.

"Bulol.", narinig kong bulong nya.

"Kor-Yo-Gra-Per.", sabi ko sa kawalan.

Napahinto naman sya saka napatingin sakin.

"Kowyogwapew!", sigaw ko.

Saka na naman napuno ng tawanan ang paligid.

Pati sya nakitawa. Pero may pagkasarkastiko.

"Humanda ka sakin.", sambit nya saka na umalis. Iniwan akong kinakabahan.

Teka. Hindi dapat ako kabahan. Marami akong kakampi.

Andyan si Tita. Andyan si Jordan.

"Patay ka bebe sister. Andaming back-up nyan. Magshampoo ka na ng pampatibay ng buhok.", sambit ni Jordan.

Nagpaalam muna sya para kumuha ng Juice.

Ako. Parang ayokong maiwan dito. Ano bang shampoo pampatibay ng buhok?

Lesson Learned:

Magshampoo ka.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon