Kia's PoV
"Tita Millet sobra naman yata tong perang binigay mo," sabi ko habang pilit na binabalik sa kanya. Para kasing napakarami eh damit nga lang ang balak kong bilhin.
"Nako Kia, tanggapin mo. George ikaw na bahala dito ah. Wag kayong uuwi kung hindi pa nakakabili. Ha?", bilin nya kay George kaya naman ako, heto walang choice.
Paalis na sana kami kaso bigla kong naalala si Xander. Ay oo nga pala, hindi pala ngayon bibili yun. Kasi naman eh. Baka nasa kwarto nya lang yun, tulog pa.
Sa mall...
"George heto maganda!!--"
"Wag yan gurl! Ano ba yang taste mo?!"
"Ahh heto! Ankyuttt!!!"
"Kiaaaaa, sa dami nyan, yan talaga???"
"Eto nalang oh! Simple! White!"
"Black yung theme ng debut nung friend mo oyy!"
Kanina pa kami nagkakagulo rito. Pinipigilan kasi ako sa kung anong gusto ko!
"George! Di na tayo matatapos dito, ano ba dapat?", sabi ko. Nakakahingal din palang papasok pasok sa kung anuanong store.
"Heto Kia, bagay sayo. New look!", sigaw nya habang hawak ang little black dress ng isang brand. Oo type ko kaso parang daring?
"Hindi ba parang showy ko masyado dyan?"
"Respetado kang tingnan kaya hindi yan," sagot nya saka agad hinanap yung saleslady. At nagtanong kung may Small size kasi yun yung kasya sa akin.
"Sir este Ma'am ay sir ay Ma'am.. Ano, wala na pong stock nito," sabi samin nung babae.
"Ok nang mabago bago yung tawag mo sa akin pero kung stock ang pag-uusapan, eh pinaskil nyo pang kaylaki laki kung wala naman!", sagot ni George. Inawat ko nga highblood eh.
"Miss sorry ah. Highblood sya, hehehe"
"Miss wala po talaga kasing stock na. Naubos po agad yan eh."
"Ok lang," sagot ko saka hinila si George palabas.
Napag-isipan nalang namin na bumili sa ibang botique kaso wala na naman kaming mapili.
Magpupunta na sana kami sa isa pang botique pero nagring yung cellphone nya. May tumawag kaya natigil yung paghahanap namin ng susuotin kong big deal na big deal sa kanya.
Xander's PoV
"Heto yung bayad miss. Thank you!", sabi ko saka lumabas ng botique nang nakangisi! Hahahaha!
Kababayad ko lang nung little black dress kuno nung dalawang yun. Pero syempre di ito para kay Kia, ang daring kasi. Di bagay sa kanya. Palibhasa kasi tong si George eh.
Pero mas lalong di akin! Wala talagang may-ari kasi nako basta! Ganito kasi..
Flashback
"Miss, kahit anong bilin nung dalawa pakisabi out of stock ah, pero don't worry, yung dapat na bibilhin nila ako bibili. Kapag binalak lang nila. Wag kang mag-iisip na ano ako ah! Emergency lang eh, salamat! By the way, ang cute ng smile mo," yan yung lagi kong sambit sa bawat papasukan nilang store. Syempre pinangungunahan ko na. Akala ni George maiisahan nya ako ah.
End of flashback
Kaya alam nyo na kung bakit ngising ngisi ako ngayon. Hahahahaha!
Nakakahiya naman bitbitin yung paperbag nila, pambabae talaga pero kunwari sa girlfriend ko nalang hayyy. Wala nga pala.
Didiretso na sana ako sa mga hindi ko pa nakakausap pero napatigil ako ng biglang..
"Sinong kausap ni George sa cellphone?", tanong ko sa sarili ko bigla. Pagtingin ko kay Kia, malungkot yung mukha nya. Eh?
Bigla silang bumababa ng escalator. Teka wala pa silang nabibili ah.
Sinundan ko sila. Heto na yata yung kutob ko. Anong ginawa mo kay Kia, George!!! At anong balak mo?
Pagbaba ko, nawala sila agad. Parang ambilis yata. Bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Para akong yaya na nawala yung binabantayan kong bata.
Kinuha ko agad yung cellphone ko. Unattended. Asan na yun? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Pero si George rin parang malungkot na ewan eh. Teka, nakidnap na--? Wag naman sana! Pero baka bagong modus ito?
Lesson learned:
Wag ngingisi ngisi, mamaya maya magsisisi.

BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander