Masayang masaya pa ako ngayon. Kahit pala di ako ang gumawa, makakaganti ako. Grabe, pati pala sarili nya, gusto syang paghigantihan. Hirap na hirap na siguro.
"Laaa~ Laaa~ Laaa~ Laa--"
Naputol ang pagkanta ko nang maramdaman ko si Xander na dumaan sa likod ko.
Napatingin ako sa kanya. Mali, sa dala dala nya pala. Saan nya dadalhin yun?
"Oy oy. Saan mo dadalhin ang mga siling labuyo na yan?!", saway ko.
Bitbit nya kasi ang isang basket nito.
"Itatapon ko bakit?! Nang wala ng siling labuyong namamahay dito.", sagot nya.
Nagulat ako sa sinabi nya. Agad kong inagaw ang basket pero hindi nya bininitawan.
"Papagalitan ka ni Tita!", sigaw ko.
Sigurado naman kasi. Ang dami nang sasayangin nya.
"Hindi nya malalaman!!!", sigaw nya.
Imposibleng hindi malaman ni Tita ang pagkawala ng mga yun. Mamaya, bicol express ang ulam namin. Lalagyan yun ng mga siling labuyo. Paborito din kasi ni Tita ang maanghang.
"Akin lang ang mga siling labuyo!", pagkasigaw ko agad na nabitawan nya ang basket kaya nagtasikan ang mga laman nito.
Napatawa ako. Ngayon, pulutin mo ang mga kinalat mo.
"Pulutin mo yan! Patay ka!", pang-aasar ko.
"Talagang pupulutin ko 'to saka itatapon.", sagot nya saka nagsimula nang magpulot.
Umalis na ako ng kusina. Kumakanta lang naman ako dun.
Nakita ko si Manang kasama si Maria.
"Manang saan punta nyo po?", tanong ko.
"Ah, mamamalengke kami. Magbibicol express tayo ngayon.", sagot nya.
"Ah ganun po ba. Sige, ingat po.", paalam ko.
Nagpaalam na din sila ni Maria at umalis.
Peanut butter. Gusto ko kumain ng tinapay na may palaman na peanut butter.
"Asan nga ba yun?", tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang bote ng palaman.
Napansin ako ni Xander na kasalukuyang nagpupulot pa din.
"Hoy anong hinahanap mo?!", sita nya.
Di ko sya pinansin. Magpulot nalang sya ng mga sili at gagamitin pa namin mamaya yan.
"Hoy!", sigaw nya sakin.
"Alam mo, magpulot ka nalang dyan. Gagamitin pa namin yan mamaya.", sagot ko.
Tumayo na ako saka pumunta sa dining area. Dito ako nagpalaman saka kumain.
Sa kalagitnaan ng pagkain, nakaisip ako ng ideya.
Agad akong tumakbo papunta sa may pintuan. Trinace ko ang kung ano mang madadaanan nya palabas.
Kumuha ko ng chalk at ginuhitan ko mula sa loob ng bahay ang posibleng aapakan nya.
Umabot ito sa may gate papuntang basurahan. Siguradong dito ang daan nya.
Binuhos ko ang peanut butter atsaka kinalat na parang naapakan.
Napansin ko ang anino ni Xander. Palabas na sya. Nagtago na ako sa may gilid sa labas ng gate.
Nagsimula na syang maglakad. Naramdaman ko nalang ang paglabas nya.
Ba't ang tagal?!
Hindi ko na kaya. Ang bagal nya. Tumayo ako para asarin sya.
"Eto pa may sili oh!", sabay kaway.
Desperado na ata syang mawala ang mga siling labuyo.
Tumakbo sya papunta sakin.
"Akin na yan!", sigaw nya.
Ayan na 1...2... and---
"Hahahahah! Humanda ka!", sigaw nya. Nakatalon lang sya sa ginawa ko.
"Bakit mo nalaman?!", taka ko.
"Naman! Ang bobo mo! May patrace trace ka pang nalalaman. Saka yung peanut butter, halata hahaaha!", sigaw nya habang hinahabol ako.
Napatakbo na din ako. Naghahabulan na kami sa labas.
"Bwisit ka!!!!", sigaw ko.
"Akala mo mauutakan mo--", napatigil kaming dalawa dahil sa pagtigil nya.
"Kia? Peanut butter pa din ba 'to?", tanong nya.
Napatingin ako. Hindi.
Kadiri.
"Ano 'to?", tanong nya.
Umiling ako. Hindi ko alam. Hindi ko sure.
"Amuyin. Mo.", sabi ko.
Agad nyang itinaas ang paa nya.
Sabay sabing,
"Kia!!!!!!"
"Hindi ko kasalanan yan! Ikaw ang may gawa nyan haahhahaha!", sigaw ko saka tumakbo paloob ng bahay.
Kadiri ka talaga Xander.
Inside and Out! Ha-ha-ha!
Tumakbo na ako paloob, siguradong di agad sya makakapasok. Mahiya sya sa magandang bahay.
Teka. Take note. Di ulit ako ang may kasalanan.
Sya ang gumaganti sa sarili nya.
Tsk. Tsk. Kawawang Xander.
Pati sarili nya, galit sa kanya.
Lesson Learned:
Mabaho makatapak kaya please, ingat ingat.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander