Chapter 3. Sorry, Not Sorry

126 5 3
                                    

"Huhuhu...", patuloy ako sa pag-iyak.

Mula nang pumasok ako kaninang umaga, tumutulo na ang luha ko.

Napagalitan ako ni Tita Millet kahapon dahil muntik na daw mamatay si Xander. Hindi ko naman kasalanan kung maarte ang balat niya eh.

"Tahan na Kia. Oy.", pagpapatahan ni Charm.

Sa lahat talaga ng mga kaibigan ko, sya yung mahilig yumakap sakin kapag umiiyak ako. Minsan nga lang hindi na ako makahinga.

"Pahinging tissue.", hingi ko.

"Kia. Pangalawang box na 'to. Magang maga na yang mata mo.", sambit ni Claire.

Tiningnan ko ang box. Oo nga, pangalawa na 'to pero di pa din natitigil ang luha ko.

"Tama na Kia. Hayaan mo. Magsisimula tayo ng himagsikan laban sa mga mang-aapi. Di tayo magpapagapi."

Natawa naman ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga, hindi nabigo si Charm na patawanin ako.

"Tingnan mo baliw na sya.", sambit ni Hennie.

Alam kong iisipin nila na baliw na ako dahil bigla akong natawa. Hindi ko naman kasalanan na matawa sa sinabi ni Charm.

Umayos na ko ng upo. Baka mas maiyak pa ako sa grade ko sa English. Di ako confident sa subject na yun.

Ilang oras na kaming naghihintay. Wala pa din si Sir Guerrera.

"Teka Kia pwede magtanong?", tanong ni Anna.

Hinarap ko sa kanya ang upuan ko. Tutal wala pa din naman si Sir, ganun din ang ginawa ng iba ko pang kaibigan.

"Ano?", tanong ko.

"Sino nga palang kaaway mo?", tanong nila.

Oo nga pala. Hindi nila alam kung ano ang iniiyakan ko kanina. Hindi rin pala nila alam kung ano nang nangyayari sakin.

Ang sama ko palang kaibigan. Nagpapacomfort ako pero di naman nila alam ang dahilan.

"Xander."

"Sino yun?", tanong nila. Hindi nga pala nila kilala kung sino si Xander.

Bago pa magkaroon ng kung anu-anong haka haka ang mga ito, pinaliwanag ko na sa kanila ang mga nangyari.

"Fiancè?!", nagulat ako nang sumigaw si Jackie.

Agad naman nagsitinginan ang iba ko pang mga kamag-aral. Yung mga tingin nila, may nagtataka, at yung iba, parang nakakuha na naman ng bagong chismis.

"Fiancè who?", tanong ko.

Tumingin ako kay Jackie. Mukhang alam na nya ang ibig kong sabihin.

"Fiancèt Bihon. Fiancèt Canton. Hehe."

Walang natawa. Yung iba, bumalik na sa kanikanilang gawain. Yung iba, wala lang.

Mabuti nalang at walang naghinala. Ayoko din naman na malaman nila.

"Ano na nga?", tanong ulit nila.

Ngayon, pabulong na ang pagtatanong nila sakin.

Pero sabi ko sa kanila, sa labas nalang kami mag-usap. Ayoko din naman na malaman ng iba kaya mas mabuti ng siguradong walang makakarinig.

Kwinento ko sa kanila ang lahat.

Nung una, inakala daw nilang nagbibiro lang ako. Tinanggap ko yun dahil hindi ko rin naman pinaniwalaan agad na nangyayari 'to.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon