Chapter 9. Grounded Pork

86 4 2
                                    

"Ano?!", sigaw ni Tita Millet. Parehas nya kaming pinagalitan ngayon. Mukhang naubos na ang pasensya nya sa akin.

"Opo.", sabay naming sagot ni Xander.

Ayoko. Ayoko sana. Kaso nakakahiya. Para din 'to sa fiancè ko. Konting tiis na lang.

"Madir Dear. Baka naman pwedeng wag na. Baka magpatayan pa sila sa loob.", sabi ni Jordan.

Oo nga naman. Baka po mas mapalayas ako sa bahay na ito kapag nakulong kaming dalawa ng magkasama.

"Mas maigi yun. Nang makulong sila sa totoong kulungan.", sagot nya.

Aray. Ang sakit naman ng sinabi ni Tita Millet. Nararamdaman kong seryoso sya.

"Ano pang ginagawa nyo?! Alis!", sigaw nya samin.

Wala na kaming nagawa ni Xander.

"Ikaw kasi eh!", sambit ko sa kanya habang naglalakad kami.

Tiningnan naman nya ako saka sinabing,

"Wag mo kong sisihin, kasalanan mo 'to!", sagot nya.

"Aba! Bakit ako?!"

"Bakit?! Di baba ikaw?!"

Nagpatuloy ang sigawan namin nang,

"Hep! Ano ba! Pagbilang ko ng tatlo--"

Di na namin pinatapos si Tita. Kinakabahan na kami sa sasabihin nya.

...

Kanina pa kaming umaga nandito. Nakakabingi na ang katahimikan. Walang nagsasalita. Nang,

"Bakit ba ko nagkukulong, pwede namang tumakas.", sambit nya.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sa pinto.

Hindi ko sya pinansin. Mabuti nga't tumakas sya para naman kahit papaano, makahinga ako.

"Bwiset!"

Napatingin ako sa pagsigaw nya. Sinapak nya yung pader. Nagkabiyak ito.

"Ano ba?! Ba't nila nilock?!", sigaw nya.

Napatayo ako. Tiningnan ko sya. Pinipilit nyang buksan yung pinto. Tumayo ako para malaman kung nakalock nga. Baka mamaya ay niloloko nya lang ako.

"Tumabi ka nga! Ang hina mo! Kalalaking tao. Siguro pag may nanghingi ng tulong, wala kang magagawa haha! Teka tutulungan mo ba? Baka ikaw pa ang dahilan para lumala. Haha! Tsk.", sambit ko saka sya tinulak.

Hindi naman kalakasan ang tulak ko kay napaatras lang sya. Di rin sya nagreklamo.

Kaya ako, sinubukan kong buksan ang pinto.

Ayaw nga. Hindi ko mabuksan.

Sa sobrang asar ko, nagsimula ko nang hilain ang doorknob. Alam kong hindi ito bubukas pero hindi ko din alam na ang ginagawa ko.

Hinila ko nang hinila ang knob.

"Ano? Mukha ka ng timang dyan. Hayaan mo na.", sabi nya.

Hindi ko sya pinansin. Hinila ko pa din nang,

*boogsh

"Aray!", sigaw ko.

May nagbukas ng pinto. Kaya tinamaan ako.

"Xander?! Ano na namang ginagawa mo?!", sigaw ni Tita Millet.

Kumunot naman ang noo si Xander.

"Wala akong kinalaman dyan.", sagot nya saka tumalikod at humiga sa kama.

Parang nagbago ang mood nya bigla. Mukhang bagot na bagot na sya.

Nakita ko na papagalitan sya ni Tita kaya pinigil ko. Ayokong maguilty ngayon.

"Tita. Natamaan lang po ako pagbukas ng pinto. Hindi po nya kasalanan.", paliwanag ko.

Agad naman akong itinayo ni Tita Millet.

"Iha. Sorry. Nako. Ba't ka kasi nakaharang dyan. Dinalhan ko lang kayo ng pagkain oh.", pagkabigay nya nung isang tray, umalis na sya. Pero nilock pa din ang pinto.

Dinala ko yung tray sa may kama. Gigisingin ko sana si Xander. Kaso...

Humihilik na sya. Tulog na sya?

Kumain na ko. Ayokong hintayin pa syang gumising.

"Bahala ka dyan. Kakain na ako."

Kumain na ako. Nakakapanibago, ngayon lang ako nakakain. Hindi ko namamalayan na kaunti nalang ang kinakain ko nitong kamakailan lang.

Maya-maya, narinig kong gumalaw si Xander.

Patay. Nakain ko pati pagkain nya.

Bago sya gumising, may nakita akong note na nasa tray din.

Kia. Tinapay lang sayo saka tubig. Matulog na kayo pagkatapos.

Bigla namang nagising si Xander.

"Ba't kumakain ka?", tanong nya.

Alam kong magagalit sya pag nalaman nyang nakain ko ang pagkain nya.

Slow motion akong nahiga sa sahig. Humilik pa ako para masabing tulog.

"Di ako tanga. Obvious. Tsk!", sambit nya saka natulog ulit.

Tingin ko nakapikit na sya kaya dinilat ko ang isa kong mata.

Dahan dahan kong inayos ang pinagkainan ko.

Bigla syang gumalaw kaya napahiga ulit ako.

"Malamig sa sahig. Humiga ka na dito.", sambit nya sabay tapik sa tabi nya.

Di dapat ako tatayo. Pero nakatulog na sya. Pumunta na ako sa kama. Sa tingin ko naman, wala syang balak na masama.

"Anong problema? Nanahimik ka ah.", sambit ko.

Di naman nya ako naririnig dahil tulog sya.

"Bwisit ka. Akala ko fiancè kita. Grabe, buti hindi."

Sa totoo lang, akala ko talaga fiancè ko sya. Nako, kung nagkataon, araw-araw akong high blood.

"Nakakaasar ka din eh noh? Akala mo kung sino kang gwapo. Nagkaroon pa tuloy ako ng kaaway, si Aria."

Araw-araw, may text message sakin ang babaeng yun. Death threats. Itumba ko sya eh.

"Si Jordan. Kawawa. Kwinento nya yung nangyari. Wala kang awa."

Buti nalang nakilala ko si Jordan. May kakampi ako.

"Sinisigawan mo ko lagi. Ang sakit din sa tainga."

Eto dabest. Maski lalamunan ko ayaw nang sumigaw pero pag sumisigaw ka, syempre ayokong magpatalo kahit ang sakit na. Ang sakit na sa lalamunan.

"Tapos ngayon tahimik ka? Haha. Nakain ko tuloy yung pagkain mo. Belat.", dumila pa ako pagkasabi ko nito.

Bakit kaya sya naging tahimik bigla?

Pinikit ko na lang ang mata ko saka natulog. Baka panaginip lang 'to.

"Ang lakas kasing kumain. Grounded Pork."

Narinig kong sabi nya.

Buti gising pa sya.

Nang marinig nya kung bakit ayaw ko sa kanya.

Lesson Learned:

Wag kakainin ang hindi sayo. Baka kainin ka nya, sige ka.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon