Chapter 21. Paano Nga Ba Magsorry?

81 4 0
                                    

Xander's POV

"I'm sorry. Ay ang korni. Ahh.. Sorry. Parang hindi sincere eh. I am sorry. Ay ang pormal. Sorry babe. Teka, parang mali. Basta!"

Kaaalis ko lang ng ospital nung isang araw. Masakit pa ang sugat sa ulo ko pero kailangan ko nang humingi ng tawad sa kanila.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin ang mga katagang 'I am sorry'. Minsan kasi ang pormal, minsan hindi, kaya parang hindi din sincere.

"Kia.", tawag ko sa kanya nang makita ko sya.

Alam kong pati sa kanya may kasalanan ako. Pero sa tingin ko, sya lang ang makakatulong sakin.

"Oh?", tanong nya.

Pa'no ko nga ba sasabihin? Teka. Magpapatulong lang naman ako eh.

"Pwedeng--", pwedeng alin nga ba?

"Ano? Aalis ako ngayon. Enrollment ko ngayon.", sagot nya.

Mukhang di ko sya pwedeng guluhin ngayon, may lakad sya.

"Wala. Ingat.", sambit ko. Tumingin sya sa akin saka ngumisi. Ano na naman bang nasa isip ng babaeng 'to?

"Himala. Pinag-iingat mo ko. Ikaw ang mag-ingat Xander.", sabi nya.

"Lumayas ka na nga. Kakain nalang ako.", sagot ko. Hindi na nya ako pinansin. Dumiretso na sya sa pinto. At ako pumunta na ng kusina.

Hinahanap ko ang almusal. Lahat ng nakatakip dito, tiningnan ko pero wala akong nakita. Kaya tinanong ko si Manang.

"Manang, wala po bang nilutong pang-almusal?", tanong ko. Napakunot lang ang noo nya.

"Ha? Maraming hotdog diyan ah. Maagang umalis si Mama mo kaya marami akong niluto para may makain sya.", paliwanag nya. Tiningnan ko ulit ang mga nasa lamesa. Wala na talaga. Pero may nakita akong sticky note sa may likod ng panakip.

Xander. Kinain ko muna lahat ah. Nagutom ako eh. Ikaw nalang muna ang magdiet. Hehe. Lovelots, Kia.

Hindi ko alam kung maaasar ako dahil inubos nya o matutuwa, este, matatawa sa lovelots nya. Kinuha ko na lang ang note saka umalis.

"Sige po manang. Okey lang. Hihintayin ko nalang yung tanghalian. Aakyat na ko.", sabi ko sabay alis sa dining area.

"O sige. Tatawagin nalang kita pag luto na yung ulam. Talaga si Kia. Sabi, magdiet.", sagot nya.

Umakyat na ako sa kwarto. Mag-iisip pa pala ako kung paano magsosorry.

...........................................................

google search: how to say sorry

5 Ways To Say I’m Sorry And Show Them That You Mean It

1. Hug. It’s hard to stay mad when you hug someone. Physical touch can bridge the widest of emotional distances.

"Heto maganda. Gusto ko 'to. Ay teka nga. Mali. Hindi pwede.", bulong ko. Baka kasi pag niyakap ko sila, di na ako makaalis dahil nasaksak na ako ng patalim. Mapapatay ako ng di oras.

2. Write or find a poem showing how you feel about the other person outside of this situation. Keep it simple, give the poem to the person you wronged, and say, “I’m sorry. I know that might not be good enough right now and I’ve struggled to find the right words beyond I’m sorry. I found this poem with better words than I could ever write to tell you how important you are to me. Please accept my apology when you feel better.”

"Ang baduy. OA.", bulong ko ulit. Papahirapan ko pang mag-isip yung utak ko. Baka lalong sumakit ang ulo ko sa paggawa o paghanap ng tula na sakto sa sitwasyon.

3. Give the person a list of the top 5 reasons they are important to you. Add a note at the end explaining, “I told myself a long time ago to remember these 5 amazing things that make you special to me. I let you down and I let myself down when I forgot those today. Please forgive me. I can’t imagine missing even one moment because I chose to use the wrong words, did the wrong thing and hurt you.”

"Ay bakit ba kasi wala akong maisip na mga rason. Saka madami sila. Ilang rason pa ang iisipin ko?", reklamo ko. Matatagalan talaga kung iisa-isahin ko pa ang mga rason. Dahil wala talaga akong maisip.

4. Create an online collage of 10 photos of amazing places you’ve been together or fun experiences you’ve shared. Add a message to the gift, such as, “Nothing is more important than the magical moments you’ve given my life. My 8-year old inner child forgot that today and I’m sorry.”

"Hindi ako magaling mag-edit.", sambit ko. Saka madami nga sila. Ano? Lahat ng photos hahagilapin ko pa? Kulang sa oras.

5. Make a donation to the other person’s favorite charity. Get a receipt of the donation, hand it to the other person and apologize by saying, “I’m sorry. I know better than anyone that actions speak louder than words, but that words hurt. I honor you, I value you and I want to better for us. I started today by putting you first and contributing to a cause near and dear to your heart. Because I know who you are, what you stand for and all I want to do is love and support you – I’m sorry I forgot this today. I hope you accept my apology and see this action as my attempt to move us back in the right direction.

"Wala akong pera ngayon!!", sigaw ko. Hindi naman sa nagrereklamo pero wala talaga. Masyado namang magastos ang paraang 'to.

Naghanap pa ako sa google puro systematic. Ganun ba talaga kahirap mag-sorry?

"Ano yan?" Napatingin ako sa nagtanong. Agad kong sinara ang laptop ko.

"Akala ko ba mag-eenroll ka?", tanong ko kay Kia. Bigla bigla nalang kasi nagsasalita.

"Naiwan ko 'to.", sagot nya. Pinakita nya ang ilang papel na nasa envelope. Requirements ata ang mga yun.

"Ba't nasa kwarto ko?", tanong ko.

"Naiwan ko nang kumuha ako ng mga damit mo para dalhin sa ospital. Aalis din dapat kasi ako nun, eh naiwan.", paliwanag nya. Yun pala. Napakamakakalimutin naman nya.

"Ulyanin!", sigaw ko. Lumaki ang mata nya sa sinabi ko.

"Ha?", tanong nya kahit alam kong narinig nya.

"Wala. Bingi.", sabi ko.

Tumalikod na lang sya at hindi ako pinansin. Pero bago sya makalabas, "Kaysa naman sayo, hirap magsorry.", sambit nya.

Nagulat ako sa binanggit nya. Siguro kanina pa sya nandito. At nakita nya ang ginagawa ko.

"Ano?!", tanong ko. Humarap sya sa akin.

"Ang pagsosorry, hindi ginugoogle. Pag-uwi ko mamaya tutulungan kita mag-isip. Kawawa ka kasi.", sagot nya saka umalis na ng kwarto. Pero nakita kong may nahulog mula sa kamay nya. Burara talaga!

Hinabol ko sya para ibigay ang naiwan nya.

"Kia! May naiwan ka pa! Baka mamaya bumalik ka na naman at makita pa ang ginagawa ko!", sigaw ko. Buti naabutan ko sya. Kinuha nya yun saka umalis.

May naalala ako bigla.

"Hoy sinira mo na naman ang diet mo! Inubusan mo pa ko ng ulam!", sigaw ko ulit pero sa pagkakataong ito, di na sya lumingon. Pero narinig ko syanf sumigaw mula sa labas.

"Sorry! Haha!"

Bakit sya nagawa nyang magsorry? Bakit ako hirap na hirap? Sabagay, almusal ko lang ang sinira nya. Ako, mga buhay ang sinira ko.

Bumalik na ako sa kwarto. Makapagsearch na nga lang ulit.

google search: Kia Kaye Esmerald

Lesson Learned:

Hindi lahat sinasagot ng google. Alam mo kung bakit? Simple lang, para magkaroon ng users ang common sense.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon