Kia's PoV
"Tita, siya po so George!"
"Ah ikaw ba? Ikaw nang bahala kay Kia sa five hours," sabi ni Tita saka sila nagbatian pa.
Wala si Jordan ngayon kaya hindi ko sya mapapakilala. Busy kasi ngayon yun sa dance class nya. Dumadami ang estudyante nya eh.
Si Xander, tulog pa kaya naman bahala na sya xD
"So Kia, let's start sa hair. Uso ang suklay girl. Kaya magsuklay ka pag may time," sabi nya habang nagte take down notes ako.
"Nasa bahay lang nama--"
"Kahit na, may tao ring nakakakita sayo, anywhere you are, dapat presentable ka lalo na sa pinakamalalapit sa buhay mo."
Napatango na lang ako sa pinagsasabi nya. Ang dami kasing sinasabi eh. Di na ako makapagreply.
"And girl, pag mag-iipit ng simpleng ponytail," sabi nya saka pumwesto sa may likuran ko.
Naramdaman ko young pagdampi ng kamay nya sa may balikat ko. Eh wala naman akong buhok dun.
Xander's PoV
Hindi talaga ako makatulog kagabi grabe. Napuyat tuloy ako. Pagbaba ko sa kusina, nakita ko si Mama naghahanda ng pagkain.
"Para kanino yan Ma?"
"Kay Kia at saka dun kay George ba yun?", sagot nya.
"Ha? Natuloy? E diba tinext ko na kahapon gamit yung cellphone nya na icancel na?"
"Nak, nagtext ulit sya pag-akyat mo. Nagwalk out ka kasi bigla. Bakit ba--"
Di ko na pinatapos si Mama. Ang tigas talaga ng ulo mo Kia!
Pagdating ko sa living room, nakita kong nasa likuran si George at nakahawak sa balikat ni Kia. Kailan pa nasama ang pagpisil pisil sa pagiging stylist? Masahista yata to eh!
"Kia! Among sabi ko kahapon?!", sigaw ko. Agad naman syang napalingon.
"Po? Este, ano na namang problema mo? Lubayan mo nga kami," sagot nya. Lumapit naman ako at tinitigan ng masama si George ba yun?
"Diba tinext na kita na icancel na yung appointment mo dito?", sabi ko kay George.
"Tinext nya ulit ako," sabay turo kay Kia.
Hinila ko naman si Kia mula sa kanya. Nasa likuran kasi sya at parang prinoprotektahan pa nitong babae na to.
"Xander anong nangyayari dito?", tanong ni Mama nang makita nya kami.
"Wala ma. Pinapaalis ko lang--"
"Wag ka ngang ganyan Xander. Kabastusan yan! Respetuhin mo naman yung bisita ko!", sigaw ni Kia.
"Kabastusan ah! Ako pa bastos ngayon? Kia, pag sinabi kong paalisin mo yan, alis!"
"Huwag kang makialam dito! Ano bang problema mo, ang OA mo na!", sigaw niya.
"Basta!"
"Ano nga kasi?!"
"Basta paalis mo na lang sya!"

BINABASA MO ANG
Househate
فكاهة"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander