Kung nakita nyo lang ang mukha ni Xander. Akala mo, tinapon sa imburnal. Nako, pasalamat sya at mabait si Tita. Si Tita pa ang naglinis ng paa nya. Mama's boy talaga.
"Kia. Halika na. Baka gabihin tayo.", tawag ni Tita Millet.
Pupunta kami kay Matilde ngayon. Bati na pala sila ni Tita. Nagkapaliwanagan na. At alam na din ni Tita ang ginagawa ni Xander. Kami na daw bahala.
"Saan kayo pupunta?", tanong ng loko.
Humarap naman si Tita sa kanya.
"Kay Matilde.", simpleng sagot ni Tita saka naglakad palabas ng bahay.
Nakita ko na napapansin ni Xander na galit sa kanya ang Mama nya. Patay kang bata ka.
"Kasama ka?!", tanong nya sa'kin.
Ginaya ko ang pose ni tita kanina pati na rin ang boses saka nagsalita,
"Kay Matilde.", sambit ko.
Natawa nalang ako saka sumunod sa labas.
Sabi ko sayo Xander. Mauubos din ang maliligayang araw mo eh.
...
Binuksan na ni Tita ang pinto ng kwarto ni Matilde. Pumasok na kami.
"Matilde. Dumating na ba Mama mo?", tanong ni Tita kay Matilde.
Tumango naman sya atsaka napatingin sakin. Lumihis din bigla ang tingin nya.
"Sorry."
Lumapit ako sa pagbanggit nya ng katagang iyon.
"Bakit?", simple kong tanong.
Tumingin sya sakin. Nagulat ako sa nakita ko.
Andami nyang sugat. Mukhang napasobra ata ang nagawa ni Tita.
"Plastik ba?", tanong nya nang mapansin nyang nakatitig ako sa mukha nya.
"Teka. Lalabas lang ako, bibili muna ako ng makakain. Mag-usap na muna kayo.", paalam ni tita Millet.
Tumango kaming dalawa ni Matilde.
"Bakit mo ba pinaretoke ang sarili mo?", tanong ko bigla.
Teka mali ata ang tanong ko. Nagulat sya pero ngumiti.
"I-- I mean, ba't--?", ano nga bang tamang tanong?
"Okey lang. Ginusto ko naman 'to eh.", sagot nya.
Ginusto? Bakit?
"Kasi matagal ko nang kilala si Xander. Hindi nya ako pinansin dahil wala talagang kapansin pansin sakin noon.", kwento nya.
Kumuha ako ng upuan. Mukhang mahaba haba pa ang usapan namin.
"So meaning...", sagot ko.
Tumango naman sya at nagsalita,
"Sya ang dahilan...", sambit nya.
...pero ganun pala sya.", dagdag nya pa.
"Ang tanga tanga mo eh!", nagulat sya sa sinabi ko.
"Ay sorry hindi ganun. Ano--", nabigla na naman ako.
"Okay lang. Totoo naman. Ikaw wag ka sanang matulad sakin.", sambit nya.
Natawa naman ako sa kanya. Umayos ako ng upo.
"Alam mo, kahit kasama ko yun sa bahay araw-araw. Wala akong pakialam sa kanya.", sambit ko habang tumatawa.
"May fiancè ka eh. Pero sana wag nga. Ayokong matulad ka sakin.", sabi nya.
Naman. Hindi ako matutulad sa iyo. Napaganda ko ang katawan ko gamit ang dance studio. Ay ang bad ko.
"Hahahaha! Nako, gumaganti na ako dun. Haahah!", sabi ko sabay tawa.
Kwinento ko sa kanya ang mga nangyari. Natawa rin sya. Pambata daw kasi.
"Kung pwede lang patayin si Xander eh. Kaso kawawa naman si Tita haha!", sabi ko.
"Oo nga naman. Haha!", nagpatuloy na din ang usapan naming dalawa.
Mayamaya, dumating si Jordan. May dalang bulaklak.
"Jordan?", tawag ni Matilde.
Tumingin naman ang bebe sister ko. Maluha luha pa.
"Ang sakit ng sabunot mo teh. Pero kung gaganti kayo. Join ako. Hmp.", sambit nya saka tumalikod. Lalabas na ata.
Kaso, humarap ulit sya.
"Narinig mo ang pinag-usapan namin?", tanong ko kay Jordan.
"Oo nga. Nako. May tuturuan pa ko.", sambit nya. Saka naglakad na paalis.
Akala ko aalis na sya. Kaso, nagsalita pa sya.
"Matilde. I'm sorry. Hmp!", saka biglang alis.
Natawa kami ni Matilde. Ganun talaga si Jordan. Mahiyain kapag nag-sosorry.
"Iha. Uuwi na tayo.", narinig kong sabi ni Tita Millet.
Nagpaalam na ako kay Matilde. Babalik ako este kaming mga babae at isang bakla bukas. Mag-aaklas na kami!
"O pano, ba yan? Pano ko malalaman ang kalagayan mo?", tanong ko.
"May instagram ka?", tanong nya.
Tumango naman ako.
"Follow mo ko MatildeMatinde.", sagot nya.
"Nice name. Eh paano ako?"
"I'll follow back.", sagot nya. Saka na ako tumalikod at umalis.
Bukas, gaganapin na ang OPLAN XANDER.
Basta ifofollow ko muna si Matilde.
Sayang ang follow back eeh^_^
Lesson Learned:
Pag finollow ka, follow back 'teh. Kung ayaw mo, thank you naman 'teh.
Just kidding^_^
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander
