Xander's POV
Maaga akong gumising para makaalis agad. Mukha kasing matatagalan ako sa gagawin ko.
Pero bago yun, dumiretso muna ako ng kusina para kumain. Mahirap na, baka maubusan na naman ako ng almusal dahil kay Kia.
"Jordan?!" Nagulat ako ng makita si Jordan na nakaupo katabi ni Kia. Kumakain sila.
Napatingin si Kia sa akin. Walang ekspresyon ang mukha nya.
"Kain na. Maubusan ka na naman.", aya nya saka bumalik ng tingin sa pagkain.
Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako kay Jordan na nakatingin din sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito?", tanong ko. Bigla siyang tumayo. Masama ang tingin nya.
"Hoy hoy. Tinatanong kita!", napasigaw ako. Hindi ko sinasadya. baka mamaya, saksakin nya ako ng tinidor na hawak nya.
"Bebe Sister, tama na yan. Ang pangit mo umakting.", sabat ni Kia. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Jordan saka binaling ang tingin kay Kia.
"Ang sama mo naman Bebe sister. Ang tagal kong prinaktis yun.", sabi nya. Naguguluhan ako kaya sinubukan kong magtanong.
"Teka, ano bang nangyayari?" Tumingin silang dalawa sa akin.
"Don't worry Papa Xander. Hindi ako ganun kagalit. Slight lang pero di serious. Swear.", sabi ni Jordan sabay taas ng kanang kamay. Para syang nanunumpa.
Umupo syang muli at ipinagpatuloy ang pagkain. Si Kia naman ang tumingin sa akin.
"Aalis ka ngayon diba? Alam ni Bebe Sister kung saan makikita ang mga hinahanap mo. Tutulungan ka na nga, ayaw pa?", sabi nya. Upang hindi na sila maabala pang humarap harap sa akin, umupo na ako sa isa sa mga upuan at nagsimula ng kumain.
"Kaya ko ang sarili ko--"
"Nako papa Xander, marami kang abangers. Patay ka." Di ko naituloy ang pagsasalita ko sa pagsabat ni Jordan. Kinabahan ako sa sinabi nya. Totoo kaya yun?
"Pumayag ka na oy. Buti nga tutulungan ka eh.", sabi ni Kia. Pumayag? Eh paano kung..
"Ayoko! Paano kung may plano yan? Kung kasabwat sya nung iba?", pag-aalala ko. Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jordan. Para syang nainis. Baka nga totoo ang akala ko.
"Alam mo! Kung ayaw mo ng help ko, okay! Mamatay ka dyan sa daan!", sigaw niya. Buti nalang at naawat sya ni Kia dahil napapansin kong paunti-unti ay dinuduro duro na nya ako ng tinidor.
"Okay Fine! Sorry.", sigaw ko pagkabitaw sa kutsara't tinidor. Napatigil sila sa ginawa ko. Halata din ang pagkagulat nila.
"O-M-Gosh! Xander? Sorry? Ulitin mo nga.", pilit ni Kia. Teka, bakit ko sinabi yun?
"Ayoko.", sagot ko. Hindi sya agad nakasagot dahil tiningnan nya ang cellphone nya. May nagtext ata.
"It's okay. Pero teka, aalis na ako. Baka humaba yung pila, matagalan pa ako.", nagmamadaling sabi ni Kia habang inaayos ang gamit nya.
"Xander. Isama mo na si Bebe Sister ko. Okay na yan. Promise.", sabi nya pa saka tumayo. Nagbeso-beso sila ni Jordan saka na sya naglakad.
"Osya, goodluck.", paalam nya sabay ngiti. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang makaalis sya. Nang biglang...
"Halika na papa Xander. Magdate na tayo!", sabat ni Jordan. Putek! Nandito pa nga pala to.
"Tutulungan mo daw ako, hindi date! Atsaka wag mo nga akong tawaging papa, wala pa akong anak!", pagkasabi ko nun, tumayo na ako. Ganun din sya. Kahit ganito ako sa kanya, naniniwala na akong pinatawad na nya ako. Matagal na.
"Papa, este, Xander! Wait for me!", sigaw nya saka ako sinundan.
..........................................................
Maniwala man kayo o sa hindi, ilang tao na ang napuntahan namin. At mukhang narealize ko na ang sinabi ni Kia sa akin kahapon.
"Wala na 'yon, past is past. Basta ba hindi ka na ganun, okay na. Saka di naman ako nagpadala ng sobra noon.", sabi ni Ayli. Mukha ngang okay na sya.
"Sorry ulit. Alam kong kulang yung sorry ko. Sana kahit ganun, mapatawad mo ko.", sagot ko. Mayamaya, dumating ang isang lalaki. Siguro ito ang bagong boyfriend nya.
"Ah Xander, si Greg, boyfriend ko.", pagpapakilala nya. Nagkamayan kami nung Greg.
"Pre, wag mong sasaktan yan ah. Ikaw ang manghihinayang. Minsan lang ang ganyang babae.", sabi ko. Nagpaalam na ako sa kanila. Si Jordan, nakatitig kay Greg kaya siniko ko. May balak pa atang manggulo ng buhay.
"Xander. Yung iba alam mo na ang gagawin diba?", tanong ni Jordan. Tumango ako. Oo mamaya ako ang bahala dun sa mga mas okay naman.
"Halika na, si Aria naman.", sabi nya. Teka, si Aria? Hindi kaya mapatay ako ng mga magulang nun? Nag-iisang anak sya kaya spoiled yun.
"Pwede bang--"
"Hindi. Hindi pwedeng magpass. Basta sya na ang next, let's go!", sabi ni Jordan sabay hila sa akin palayo.
Mas mabuti pang yung babae ang makausap ko, huwag lang ang magulang nila. Mukhang ito na ang isa sa pinakamahirap gawin, ang humingi ng tawad, sa magulang ng sinaktan mo.
Lesson Learned:
Mas nasasaktan ang magulang sa nangyayari sa anak. Kaya please, love your parents.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander