Chapter 25. Sorry Equals Date

71 3 0
                                    

Xander's PoV

One week after...

"Congrats, anak."

"Ma naman. Di naman ako nanalo sa lotto para dyan sa sinabi mo. Nag-sorry lang ako."

Kanina pa kami magkausap ni mama habang nagtatanghalian. Binalita ko kasi ang pinaggagawa ko at natuwa naman siya.

"Asan nga pala si Kia?", tanong ko bigla. Hindi na naman kasi namin siya kasabay kumain ng tanghalian. Tapos nung pag-uwi ko mula sa paghabol ni Jordan sa akin, wala din siya sa bahay. Gabi na ata umuwi.

"Nasa school nya. Napakarami kasing proseso ng enrollment dun."

"Ahh," pagkatapos kumain. Aalis na sana ako nang makaisip ng isang magandang gawain. hehe.

"Ma, wala ka bang balak iutos sa grocery?"

"Himala. Anak, may problema ba?", pagtataka ni mama. Ngumiti lang ako saka sinabing,

"May bibilhin ako mamaya. Baka may papasabay ka. Para di na rin umalis si Manang bukas."

"Sinong kasama mo? Eh marami ang pagbili ko kung sa grocery mamimili. Kahit magkotse ka, kapag namimili ka, sinong kasa--"

"Si Kia na lang. Sunduin ko mamaya. Tetext ko," sabi ko.

"Nak, okey ka lang talaga ah? Paano mo itetext eh wala kang number nun, binibigay ko sa'yo noon, ayaw mo naman," paliwanag nya. Ganun ba talaga kabiglabigla ang desisyon ko ngayon. Well, panindigan nalang.

"Wala ka naman gagawing kalokohan diba?", tanong ni mama.

"Ma, good boy na ako. Haha!"

Sa wakas binigay din ni mama ang number ni Kia. Wahaha!

..

"Hello?"

[Hello? Sino 'to?]

"Wait for me. 6:00pm Sa tapat ng school mo, susunduin kita."

[Ha? Bakit?]

"Basta. Bye."

Labis ang tawa ko pagbaba ng telepono. Malalim pa ang boses ang ginamit ko, yung seductive. Nako, kinikilig na 'yon! Mag-aassume na naman ahahahah!

Kia's PoV

[Basta. Bye.]

*toot. Toot.* ay binabaan ako?! Bastos talaga yung lalaking yun! Akala nya siguro, porket nilaliman ko ang boses nya eh di ko na siya makikilala. Sa tagal na naming nagsisigawan, kahit anong tono pa ang gamitin nya, alam kong siya si Xander! Sure akong, nag-aasume na yun na kinilig ako! Hahahaaha!

"Uuwi na kami. Sure kang di ka pa uuwi? Umuwi na sila Hena. Ikaw na lang sa block natin ang nandito," sabi ni Claire.

"May sundo ako. Mauna ka na."

"Sows! Nandito na ang fiancè mo?!", excited nyang tanong. Umiling-iling naman ako bigla at sinabing si Xander ang magsusundo sa akin.

"Ahh, ok. Sige mauuna na ako," nagpaalam na siya. Pero bago makalayo, "Kia. Baka makalimutan mong may fiancè ka. Hahaha!"

Tinawanan niya ako bago umalis. Adik din to eh! Kaso lumingon na naman siya ulit at seryoso na.

"Ingat ka rin pala sa mga nantritrip ngayon dito," paalala nya.

Naghintay na lang ako doon sa may bench. 5:50 na. Wala pa din bakas. Sabi niya 6:00. Teka, baka trip na naman nya 'to?! Oo nga!

Mayamaya, tinignan ko yung relo ko ulit. 5:58. Aalis na nga ako. Baka niloloko lang ako ng kumag na yun.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon