Chapter 13. Sa Maling Akala

101 5 0
                                    

Huhuhu. Di ako makapagsumbong. Ayokong magsumbong. Sigurado na ang paglayas ko kapag nagsumbong ako.

Bakit kasi si Matilde pa? At bakit kasi pinuruhan ni Bebe Sister yun?

Patay ako.

Linggo na ngayon. Maagang umalis si Tita. Wala na talaga akong pag-asa. Tiis tiis na lang.

Wala din si Jordan. May mga bago syang students na tuturuan. Wala akong kakampi.

"Good morning Kia.", bati ni Matilde. Nang-aasar ang boses nya. Alam nyang wala na akong magagawa.

"Good morning.", sagot ko. Wala akong gana.

Tutal wala naman akong ipaglalaban na. Baka mapalayas pa ako at di ko na makita ang sarili kong fiancè.

"Good morning babe.", narinig kong sambit ni Matilde.

Alam ko kung sinong binati nya. Yung FIANCÈ nya. Bakit kasi ang tagal ng fiancè ko?

Dumiretso na ako sa banyo. Maliligo na ako. Ang aga naman kasi ng pagdating ni Matilde. Tuloy, maaga ang libreng sine tungkol sa dalawang malandi.

Hayy. Siguradong wala na namang magandang mangyayari ngayong araw.

...

"Aray.", sambit ko nang may langgam na kumagat sa may talampakan ko. Katatapos ko lang maligo.

Pagbaba ko ng hagdan, sumalubong na agad sa akin ang landian nila. Di ba sila nahihiya sa may-ari ng bahay. Sabagay, alam naman ni Tita na magfiancè sila.

"Oh. Nandyan ka na pala. Let's start.", sambit nya.

Walang emosyon ang mukha ko. Pero nakikita ko ang nakakalokong mga pagngiti ni Xander. Halatang nang-aasar sya.

"Gagawin ulit natin ang paglakad. Let's start here. And there. And there. Hanggang makabalik dito.", paliwanag ni Matilde.

Sa totoo lang, hindi ko talaga masikmura na sya ang nagtuturo. Ang layo kasi ng lesson sa pagkamalandi nya.

"O sige babe. Mamaya nalang ulit. Ipagpatuloy nyo na muna ang lesson nyo.", paalam ni Xander na may paglalambing.

Bakit ba hindi sila ang kinagat ng langgam? Ay oo. Pati langgam mandidiri sa ugali nila.

Nagsimula na kami. Ang sakit.

Ang sakit ng kagat ng langgam sa talampakan ko. Hindi ako makapagconcentrate.

"Lakad na!", sigaw nya.

Tiningnan ko sya. Pero hindi ko magawa.

Pinipilit kong maglakad. Pero mas nangingibabaw ang kati ng talampakan ko.

"Ano? Tutunganga lang tayo?", sambit pa nya saka lumapit sakin.

Pero hindi na kaya ng paa ko. Ang kati. Ang hirap tiisin.

Bigla kong itinaas ang paa ko. Kaso, madulas ito kaya biglang nahila pataas ang kamay ko at saktong andoon si Matilde.

Sa madaling salita, na-uppercut ko sya.

Sa madaling salita, mamaya na ang huling hapunan ko sa bahay ni Tita Millet.

...

"Kumusta ang pag-aaral nyo iha?", tanong ni Tita kay Matilde.

Hindi ko maiwasang mainis sa Matilde. Kung anong halimaw nya pag wala si Tita, yun namang pagkahinhin nya pag nandito si Tita. Sus. Pakitang tao. Fake talaga.

"Ok naman po. Madali pong matuto si Kia.", sagot nya.

Napatingin ako sa kanya. Ngiting ngiti nyang kinakausap si Tita. Mukhang ganun din si Tita sa kanya.

Mukhang close na talaga sila ng magiging asawa ng anak nya.

"Mabuti naman. Salamat ah. Kia, oo nga pala.", saka biglang tingin sakin ni Tita Millet.

"Ngayon na ang huling pagkikita nyo ni Matilde.", sambit nya.

Ah ganun ba? Mabuti naman po. Ikakasal na pala sila. Wala man lang balita.

Bakit kaya hindi sakin kwinento ni tita? Sabagay, wala din naman akong pakialam.

"Ah ganun po ba. SALAMAT sa kanya. Natuto ako ng GOOD manners. Kasi KAGALANG-GALANG sya eh.", sagot ko.

Alam kong halata nila Tita, Matilde, at Xander na kain lang nang kain. Halata nila ang pagdiin ko sa mga salitang iyon.

"May problema ba iha?", tanong ni Tita.

Marami po matagal na. Una na ngayon sa listahan si Matilde.

"Ahh nga pala ma. Aalis kami bukas. Yung pinaalam ko sayo?", sabat ni Xander. Tumango naman si Tita.

Buti sumabat sya, wala kasi akong maisagot kay Tita.

Aalis sya bukas? Sila? Mukhang tuloy na nga ang kasal nila.

"Tita.", tawag ko sa kanya.

Tumingin naman sya sakin.

Ayokong isipin nya na may pakialam ako. Try ko lang baka sagutin nya ang itatanong ko.

"Kailan po ang kasal nila Matilde't Xander?"

Nabulunan silang lahat. Bakit? Lihim ba talaga yun?

"Anong sinasabi mo?!", sigaw ni Tita.

Ha? Masama bang malaman ko? Hala sikretong malupit ata yun kaya ayaw ipaalam sa iba. Buntis si Matilde?

"Bakit po? Buntis po ba si Matilde?", nabulunan naman si Matilde.

Ano? Di nya ipapaalam sa publiko ang kalandian nya?

"Eh si Xander ay magiging ama na?", tanong ko pa.

Pero hindi lang nabulunan si Xander. Naubo pa sya ng malakas.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Tita Millet.

"Xander? Magpaliwanag ka!", sigaw ni Tita. Galit na galit sya.

Wag mong sabihing, di nya alam?

"Ma! Anong sinasabi ng babaeng yan?!", sigaw ni Xander. Itatanggi nya pa pala.

"Matilde ano to?!", sigaw ni tita. Mainit na ang dugo nya.

"Tita Millet. That's not true. Kasal? I'm not engaged!", sigaw ni Matilde.

"Eh ano yang singsing?", tanong ko.

"Ha! Talagang pumatol ka sa sinabi namin?", tanong ni Xander saka ngumisi.

"Hala hindi ba? Eh kung maghalikan kayo pag praktis ko wagas eh. Diba Matilde? Wag kayong mahiya, sabihin nyo na ang relasyon nyo.", sagot ko. Seryoso.

Nagulat naman si Matilde. Tumingin si Tita sa kanya.

"How dare you Matilde! Is that true?!", tanong ni Tita.

Hindi makasagot si Matilde. Lalong lumaki ang mata nya.

"Ano to?!", sigaw nya saka sinugod si Matilde.

Hindi sya inaawat ni Xander. Hinahayaan nya lang na makalbo ni Tita si Matilde.

"Diba sabi ko hanggang Linggo. Time's up. Awatin mo. Baka maghiwalay hiwalay na ang mga retokadong katawan nyan.", bulong ni Xander saka umalis.

Napatakbo ako kay Tita Millet.

Alam kong malandi si Matilde. Pero dahil yun sa lalaking yun. Kawawa si Matilde. Biktima ni Xander.

"Tita! Tama na po!", sigaw ko habang inaawat sya.

Ang sama ni Xander. Panibagong babae na naman ang sinaktan nya.

Di nya ba alam na sa bawat babaeng sinasaktan nya, dumadami kakampi ko.

Humanda ka.

"Aray!", sigaw ni Matilde.

Saka ko naawat si Tita Millet.

Humanda ka Xander Ynarez.

Lesson Learned:

Ang maling akala, nakakapatay ng kapwa.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon