Xander's POV
"Ano 'tong mga 'to?!", sigaw ni Kia sa akin. Napalakas ang sigaw nya. Ang sakit tuloy sa tainga.
"Anong problema? Ikaw, hindi pa tapos ang issue sa hotdog ah!", sagot ko. Tumingin sya sa akin ng masama.
"Bakit ba?! Tumaba ba ako nang kinain ko yung mga yun?!", sigaw nya ulit. Hindi naman talaga sya tataba ng ganun ganun lang. Saka bumibilis na siguro ang metabolism nya kaya ganun.
"Hindi, pero ako magkakaulcer!", sagot ko. Pero mukhang hindi nya ako pinansin. Itinaas nya ang hawak hawak nyang mga papel.
"Huwag mong ibahin ang usapan! Ano nga 'to?!", tanong na naman nya.
"Research yan.", sagot ko. Tumaas ang isang kilay nya. Alam kong tinatanong nya kung ano.
"Research kung paano magsorry.", dagdag ko. Napasabunot sya sa buhok nya. Bakit? May mali ba sa ginawa ko? As a reference lang naman ang mga yun. In case lang.
Kaso..
"Kia!", sigaw ko habang pinulot ang mga punit punit na papel. Oo. Pinunit nya ang mga papel na prinint ko. Sayang sa bond paper! Sayang sa puno!
"Tumino ka nga Xander! Umayos ka nga!", sigaw nya. Parang banas na banas na sya. Teka, may nagawa ba akong kasalanan sa kanya ngayon?
"Anong pagtino ba? Eh wala naman akong ginagawa sa'yo.", sabi ko. Napasabunot na lang sya sa buhok nya. Samantalang ako, pinipilit na ayusin ang mga prinint ko.
Maiipon ko na sana ang lahat ng piraso kaso sinipa nya. "Kia naman!", sigaw ko.
Magsasalita pa sana ako kaso hinila nya ako papunta sa dining area. Nagulat ako nang makita ang isang platong hotdog sa lamesa.
"Ayan na Kia yung pinapaluto mo ah. Wag kang kakain ng madami.", sabi ni Manang saka bumalik ng kusina. Tumingin ako kay Kia. Nakatingin pala sya sa akin.
"Ano?!", sigaw ko. Binitiwan na nya ako. Naging seryoso ang mukha nya.
"Sorry.", sambit nya. "Pero hindi ko naman sinasadya na maubos yung kanina eh. pwede mo nang kainin yung hindi mo nakain nung almusal.", dagdag nya pa. Kita mo 'to, nagsosorry pero may kasunod agad na pero.
"Pero ka nang pero. Wala na. Nalipasan na ako kanina.", saad ko. Akala ko, magsosorry pa sya. Pero tumingin sya sakin ng seryoso.
"Bakit ikaw? Di mo magawang magsorry.", tanong nya. Napaisip ako sa tanong na iyon.
"Magsosorry ako pero syempre iba 'tong sitwasyon mo.", sabi ko.
"Anong kinaiba? Lahat ng kasalanan, kasalanan. Sa tao lang nagkakaiba yan Xander.", sabi nya din.
"Pero iba nga yung akin. Pero..", sagot ko.
Tiningnan ko siya. Hindi na ako nagsalita pero nagsalita pa sya. "Yan ang mali Xander."
"Laging kasunod ng 'I'm sorry' yung 'pero'.", sabi nya. Kasunod? Eh ganun naman talaga eh. Hindi ba?
"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko.
"Nagpepero ka dahil gusto mong maging tama pa din. Xander. Kung magsosorry ka. Say sorry because you're sorry. Not because you want them to say sorry too.", sagot nya.
"Akala ko ba tutulungan mo kong magsorry? Ano pa 'tong pinag-uusapan natin?", tanong ko. Lumapit sya sa akin.
"Matuto kang turuan ang sarili mo. Heto lang ang tulong ko. Matutulog na ako.. Aalis ulit ako bukas.", paalam nya. Lumakad na sya. Pipigilan ko pa sana sya kaso napansin kong inaantok na nga sya. Napagod ata sya sa pag-eenroll.
Ano bang ibig sabihin nya? Bahala na. Basta bukas magsosorry ako. Mananalangin nalang akong sana, walang sumaksak sa akin habang nasa daan ako. Hayy.
Lesson Learned:
Be sorry because you're sorry, not because you want them to be sorry too.
BINABASA MO ANG
Househate
Mizah"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander