Chapter 2. Boom Panes na Food

165 6 9
                                    

Hindi pa din ako makapaniwala na paggising ko may mapapangasawa na ko.

Basta ang alam ko, natulog ako, nanaginip at nagising na sa bagong mundo.

Excited na kong makilala sya. Ano kayang itsura nya?

Grabe. Minsan pala, advantage din ang pagiging tulog mantika.

"Kia! Gising na! Baka nakakalimutan mong estudyante ka pa rin kahit nandito ka na."

Oo nga pala. Nalipat lang naman ako ng tirahan. Isa pa din akong estudyante. Nagkaroon lang ako ng prince charming. Hindi ako naging prinsesa.

Agad akong tumayo sa kama saka nag-unat unat. Baka mamaya masyado akong matuwa sa fairytale na 'to.

"Kia! Ano ba?! Baba na dito!"

Nagmadali na kong bumaba. Nakikitira na nga lang ako, magpapabigat pa 'ko.

"Tita Milts, ano almusal?", tanong ko.

Baka nagtataka kayo kung bakit close kami. Bata pa lang kasi ako nang makilala ko sya. Tumira sya sa amin ng ilang taon habang nasa Canada si Tito Lands at yung mga anak nya.

Umupo na ako sa lamesa. Naalala ko pa noon, sya ang nagluluto ng pagkain ko kapag wala si Mama.

"Tita? What's the food?", tanong ko excited na 'kong kumain.

Kaya hindi ako pumapayat eh, minsan hindi ko makontrol ang mga kinakain ko.

"Here is your breakfast. Namiss mo ba ang luto ko?"

Nakita kong lumabas si Tita kasama ang maids nya. Wow! Andaming pagkain.

Kukunin ko na sana yung isang plato. Kaso...

"Oops Kia. That's not yours. That's ours."

Alam kong mabait si Tita dahil kung anong pagkain nya, pagkain na ng buong naninirahan sa bahay nya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit excluded ako.

Pilit kong inaabot sa kanya yung plato. Gusto ko nun. Hotdog at itlog, na may kasamang fried rice.

"Tita. Akin na po. Malelate ako."

"Edi eto na.", sambit nya saka nilapag ang isang tray sa harap ko.

Gatas at isang piraso ng sandwich na ang palaman ay mayonnaise? Mabubusog ba ako nito?

"Tita? Ano to?", tanong ko.

"Foods. Gatas, Sandwich."

Umupo sya sa harapan ko. Kakain na din sya pero hindi ko mapigilang mainggit.

Kasama ang mga maid, sabay sabay nilang kinakain ang nakakabusog na almusal. Ako, sinusubukan kong titigan muna, baka makadagdag ng busog.

"Di mo ba kakainin? Akin na lang.", tanong nya.

"Ah kakainin po syempre.", sagot ko.

No choice ako. Mas mabuti ng may laman ang tyan ko, kaysa pumasok ako na kumukulo 'to.

"Dapat praktisin mo yan neng. Starting today, you're on a diet. Alam mo ba kung bakit pinapakain ka sa inyo ng marami? Kasi darating ang oras ngayon na kailangan mong kumain ng kaunti.", paliwanag nya.

"Ano pong konek ng speech nyo?", tanong ko.

"Di mo ba gets? For your fiancè yan. Kailangan, gorgeous and sexy ka pag nakita ka nya. Tsaka tingnan mo ang sarili mo.", napatingin naman ako sa sarili ko.

"Tomboy ka ba?"

Nabilaukan ako sa sinabi nya. Nagulat ako sa tingin nya sa'kin.

"Pa'no nyo po nasabi?", tanong ko.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon