"Straight body! Chest out! Stomach in!"
Pang-ilang beses ko nang ginagawa ang paglalakad ayon sa sinasabi ni Matilde. Puro sya sigaw at dakdak.
Inasahan ko pa na tulad sya ni Jordan. Pero ilang oras na mula nang magsimula kami. Hindi pa rin nagbabago ang ugali nya. Hindi ko tuloy maiwasan na mamiss si Bebe Sister ko.
"Ano ba?! Tumutupi ka ulit.", sabi nya sabay palo ng stick sa likod ko.
Mayroon kasi syang hawak na stick. Yung parang manipis na kawayan. Sa oras na nagkakamali ako, isang hampas ang abot ko.
Minsan nga iniisip ko, kaedad ko ba talaga sya? Masyado kasi syang perfectionist.
"Aray!", sigaw ko dahil sa pagpalo nya.
"Anong aray? Gusto mo libutin natin ang buong bahay ni Tita?", sagot nya.
Dumiretso naman agad yung likod ko. Ayokong umikot ng bahay na may libro sa ulo. Yung paboritong libro ko ang nilagay nya sa ulo ko.
Kapag lumibot kami, maski gilid ng pool, dadaanan namin. Ayoko namang malagay sa kapahamakan ang mga libro ko.
"Very Good! Madali ka naman palang matuto.", sabi nya sabay crossed arms.
"Very good ka dyan.", bulong ko.
Agad naman syang tumayo para lapitan ako.
"Ano yun?!", umiling na lang ako sa sigaw nya.
Pansin ko lang, parang masama ang dugo nya sa akin mula kanina.
Wala man lang kaming napag-uusapan na side story.
"Chin up!", sigaw nya.
Kausapin ko kaya?
"Matilde?", tawag ko.
Humarap sya sa akin saka itinaas ang isang kilay.
"Pwede magtanong?"
"At sino ka para makialam sa buhay ko?", sagot nya.
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Paano naman nya nasabi na ako ay magtatanong tungkol sa buhay nya?
Eh kung ibahin ko ang tanong.
"Kailan pa nasama sa buhay mo yung tanong ko?", bulong ko.
"Ano bang tanong mo?", tanong nya din. Puro nalang tanungan ang nagaganap.
"Gaano kataas ang chin up."
Tumaas na ang dalawa nyang kilay. Umikot sya sa akin habang ako, nakatayo at may libro sa ulo. Kailan pa ako naging prinsesa?
"Trabaho ko ang mga ganyang bagay. Diba?", tumango ako sa tanong nya.
"Ang trabaho ko ang bumubuhay sa akin. Yun lang wala kang nagamit na common sense?", paliwanag nya.
Ibinaba ko naman ang mga libro. Nilapag ko ang mga libro sa upuan saka humarap sa kanya.
"Excuse me? Ako? Walang common sense?", tanong ko.
Bigla naman syang humarap sa'kin.
"I have mine like kanina. Sa kwarto. Kayo.", sagot nya.
Si Xander ba ang tinutukoy nya?
"That thingy? O-M-G. Hindi common sense yun, green mind ata tawag dun.", sagot ko.
Mukhang ngayon ay kinakausap na nya ako. Alam ko na kung sino ang gusto nyang pag-usapan.
Sabi ko na nga ba eh. Ako pa ngayon ang walang common sense?
"Napakatalas ng dila mo. Di mo alam ang nangyari.", sambit nya.
Ngumisi naman ako saka nagsalita.
"No thanks, I don't care.", sagot ko saka tumalikod paalis.
Mauubusan na kasi ako ng english. Ang tagal kong inipon ang mga yun, magagamit ko pa sa walang kwentang usapan.
"Hey. We did it. Not once, not twice, but thrice. And he can't forget it.", sambit nya.
Di na ko tumingin pero nagsalita pa rin.
"Sorry Matilde. I don't have a dirty mind.", sagot ko.
Lalabas na sana ako nang makasalubong ko si Xander. Mukhang okey na sya ulit.
Tiningnan ko kung saan sya pumunta. Kay Matilde.
"Matilde!", tawag nya, akala mo hindi nagkalagnat at muntik mabagok.
"Yes darling? Do you miss me?", sagot naman ni Matinde, este, Matilde.
Kung isumbong ko kaya sya kay Tita. Dinudungisan nya ang bahay.
Lumingon ako sa kanila. Pero sana, di na ko lumingon. Nadungisan ang mata ko.
Aba, naghahabulan na ng hininga.
Pag-umpugin ko sila eh.
Lalo na yung babaeng yun.
Yun ba ang magtuturo sakin ng tamang galaw ng babae? Wag nalang. Mas bet ko pa si Bebe Sister.
Akala mo kagalang-galang.
Aba, Malande. Ay este, matinde.
Aba, Matinde si Matilde.
Lesson Learned:
Wag kang lilingon.

BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander