Chapter 4. Hello Instructor

104 5 2
                                    

"O sige Claire. Sa pasukan ko nalang ikwekwento lahat. Babye na.", paalam ko saka ko ibinaba ang telepono.

Wala ng pasok. Sa wakas at nakatapos din kami ng isang taon.

Heto yung pinakahihintay ko noon dahil madami na kaming plinano ni Mama para sa bakasyon. Kaso ngayon, alam kong hindi na matutuloy ang mga iyon.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit wala akong nasasambit na Papa. Wala na kasi sya. Bata pa lang ako nang mawala sya.

"Kia! Kain na!", sigaw ni Tita Millet.

"O sige po. Susunod na 'ko.", sagot ko saka inayos ang kama.

Pababa na sana ako ng hagdan para kumain. Kaso, nang makita ko si Xander, mas gugustuhin ko nang wag mag-almusal.

Paakyat na sana ulit ako. Kaso, nakita ako ni Tita kaya wala na akong magawa kundi bumaba. Nakakahiya namang tumanggi.

"Kia. Alam mo naman ang kakainin mo diba?", tanong nya.

Tumango nalang ako saka umupo.

Kinuha ko yung isang plato. Naglagay ng fried rice. Kumuha ako ng hotdog, itlog, at bacon bilang ulam. Inabot ko din ang isang basong juice.

Susubo na sana ako. Kaso, bigla na naman akong tinawag ni Tita Millet.

"Po?", tanong ko.

Nginuso nguso nya yung plato ko. Saka kinuha sakin.

"Tita! Teka teka! San mo dadalhin yan?!", tanong ko.

Nilapag nya yung plato ko kung saan malayo sakin.

"Ano ka bang bata ka? Diba sabi ko magdietdiet ka na?", sabi nya.

Dahil tatlo lang kami dito, napansin ko ang pagtawa ni Xander kahit mahina lang.

Hindi ko sya pinansin. Wala naman akong pakialam sa kanya eh.

"Wag nyong sabihin na--"

Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, nakita kong palabas ang isang maid mula sa kusina saka inilapag sa harap ko ang isang tray.

"Gatas at sandwich na naman?", reklamo ko.

"Iha. Yan ang almusal mo hanggang dumating ang fiancè mo.", paliwanag nya.

Nagpaalam muna si Tita dahil may kukunin daw sya sa kusina. Naiwan kaming dalawa.

Bigla namang tumunog ang kutsara't tinidor ng katabi ko saka nagsalita,

"Ahh. Kaya pala nung dumating ako dito. Pinagkamalan mo kong fiancè mo. Sakin mo ba navisualize ang mukha ng soon-to-be-husband mo? Haha!", pang-aasar nya.

Oo. Napagkamalan ko sya. Pero hindi ko rin naman kasi namukhaan ang gusgusing Xander noon sa kanya.

"Hindi! Akala ko nga magnanakaw ka kaya kita sinugod.", sagot ko.

"Ang gwapo ko namang magnanakaw.", sambit nya.

Bigla akong napatingin sa kanya saka sinabing,

"Siguro yung fiancè ko, mas gwapo at di hamak na mas mabait kaysa sayo.", sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain.

Umiling-iling nalang sya.

Mayamaya, dumating na si Tita. May dala dala syang basket.

"Ta, saan ka pupunta?", tanong ko.

Mukha kasi syang aalis dahil may dala din syang isang basket.

"Office. Para 'to sa mga empleyado ko. Sige mauna na ako. Magsabi kayo sa katulong kung may kailangan kayo.", pagkasabi nya nun, tumalikod na sya at umalis.

Tahimik lang ang paligid. Ayokong kausapin si Xander baka uminit lang ang dugo ko.

"Abutin mo nga yung bacon.", utos nya.

Hindi ko sya pinansin lalo na't utos pa yun.

"Hoy bingi ka? Abutin mo sabi.", inulit pa nya.

Hindi ko sya pinapansin. Iinom na sana ako ng gatas nang,

"Ay!", sigaw ko nang matapon ang isang basong gatas sa pajama ko.

"Xander!", sigaw ko sa kanya. Tinabig nya ako para makuha ang bacon.

Di nya ako pinansin.

"Hoy! Bingi ka?!", sigaw ko sa kanya.

Mukhang wala syang balak na pansinin ako.

Kinuha ko yung isang baso ng juice. Sinadya kong itapon sa kanya.

"Ay! Ano bang problema mo?!", sigaw nya sakin.

"Ikaw natural! Magagalit ka dahil tinapunan kita? Eh ikaw nga!", bigla kong kinuha yung plato nya saka ibinuhos din sa kanya.

Nagulat sya sa ginawa ko, kaya kinuha nya din yung platito na may sandwich na di ko pa nababawasan.

"Ano? Ibubuhos mo? Hahaha! Sandwich?", pang-aasar ko.

Pero hindi nya binuhos sakin. Kinain nya.

Lumaki ang mata ko dahil di ko pa iyon nakakagatan.

"Hoy ba't mo kinain?!", sigaw ko.

Walang syang pakialam hanggang maubos na nya lahat.

Nagugutom na ko kaya kinuha ko yung tinidor. Tutusukin ko na sana yung isang hotdog nang hawakan nya ang kamay ko.

"Hoy bawal sayo yan.", saway nya.

Hindi ako nagpatalo. Pinilit kong matusok yung hotdog. Dalawang kamay na ang gamit ko kaso malakas sya.

"Akin na yan! Wala pa akong nakakain!", sigaw ko.

Pinilit ko pang tusukin yung hotdog hanggang mapatayo na ko sa upuan ko.

Kaso nadulas ako sa itlog na nakakalat at natumba papunta sa kanya.

Nahulog kaming dalawa sa sahig. Ako ang nasa ibabaw. Samantalang ang mga pagkain ay natapon sa amin.

Naglabasan ang mga katulong at iba pa.

"Anong nagyayari?!"

Napatingin kaming dalawa sa nagsalita.

Halata kong nagulat si Xander. Agad syang tumayo kaya nahulog na akong tuluyan sa sahig.

"Jordan? Anong ginagawa mo dito?!", tanong nya.

Bigla namang humarap sakin ang lalaki sabay sabing,

"Para maging fit sya."

Bigla namang pumasok si Tita Millet.

"Anong nangyari dito?!", tanong nya.

Magpapaliwanag muna sana kami nang,

"Maria, linisin mo nga dito nakakahiya sa bisita.", sambit nya.

Agad namang dumating si Maria saka nilinis ang kalat.

"Kia. Umuwi ako dahil ngayon pala ang dating nya. Meet Jordan, your Gym Instructor."

Napanganga ako sa sinabi nya.

Gym Instructor?

Anong pauso na naman 'to tita?

"Hahahaha!", narinig kong tawa ni Xander.

"Ang taba mo kasi! Magpapayat ka daw! Hahaha!", dagdag pa nya.

Magbabawas na ako ng timbang, di pa nga ako nakakakain?

Hustisya please>_<

Lesson Learned:

Kumain ka na hangga't kaya mo pa, baka mamaya lang, may gym instructor ka na.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon