Chapter 14. Happy Freedom Minutes

100 6 3
                                        

Hanggang ngayon, nagtatalo pa din ang isip ko at ako kung dapat ba akong maguilty sa ginawa ni Tita.

Delikado pala yung nangyari kay Matilde. Minsan nga iniisip ko, talaga bang dapat syang magkaganon? Sya ba ang may kasalanan? Di ba si Xander?

Buti nalang wala si Xander ngayon. Sa wakas, nagkaroon ako ng isang araw para mag-isip isip.

Kaya sana, hayaan nyo kong matanong ang sarili ko. Bakit ba ako nandito?

Unang una, ano ba talaga ang rason bakit ako nandito?

Ay teka, baka makalimutan ko ang mga tanong ko sa sarili ko. Kukuha lang ako ng papel saka ballpen. Wait lang.

...

Ayan na, simulan na natin.

1. Bakit nga ba ako nandito?

A. Para magbakasyon

B. Para magimprove

C. Para maghintay sa fiancè ko

Uhm...

D. Para mainlove? Ay erase erase. Siguro naman counted na yun sa letter C.

Ayan. May number one na ako. Magaling.

2. Bakit ko kailangang tumira sa bahay ni Tita Millet KUNG SAAN NANINIRAHAN ANG ISA SA MGA DAPAT KAMUHIAN NG MGA KABABAIHAN NA SI XANDER YNAREZ! Ay sori, kalma lang Kia okey?

Ano nga bang magandang choices?

A. Mas kilala ni Tita Millet ang pamilya ni fiancè kaysa kay Mama.

B. Dahil mahirap kami? Ay ang bad naman nito.

C. Para dito magimprove dahil malawak ang bahay nila.Teka, parang sinasabing ang liit ng bahay namin. Bad.

o Letter D. Ano nga ba?

D. Para bwisitin ni Xander. Tama 'to.

Teka kulang pa.

E. Para bwisitin ko si Xander. Yan tamang tama!

Okay number 3 na.

3. Kailan ba talaga darating ang fiancè ko na yun? Ang tagal naman. Di naman sa excited.

Isusulat ko na sana yung mga choices kaso, one year from now pala ang sabi sa akin.

Since March 27 sakin sinabi ni Tita yun. Okay, take down notes. March 27, 2015 darating ang fiancè ko.

Eh ano nalang kaya sa 3?

Ah eto, interesting.

3. Ano kayang itsura ni fiancè? Ayan madaming choices.

A. Mapungay ang mata.

B. Matangos ang ilong.

C. Mahaba ang pilikmata.

D. Pinkish ang labi.

E. Medyo mapanga.

F. Tama lang ang laki ng tainga.

G. Maganda ang body built.

H. Matangkad

I. Mabango.

J. Maputi.

K. Teka, parang andami na. Pwede bang all of the above? sige.

K. ALL OF THE ABOVE. Mala prince charming ang dating sakin nito ah.

Teka nga, andami talaga eh, anu-ano nga ulit?

A. Mapungay ang mata. Gusto ko patayin ako sa tingin hindi patayin sa sakit sa ulo gaya ni Xander.

B. Matangos ang ilong. Sana hindi tulad nung kay Xander. Matangos nga pero nananakot ang dating sakin, para akong sisinghutin.

C. Mahaba ang pilikmata. Yung parang kay Xander, wag yung nakacurler tulad kay Jordan.

D. Pinkish ang labi. Yung natural lips tulad kay Xander, hindi yung parang naglipstick.

E. Medyo mapanga. Wag sobra. Yung tama lang. Imaginin nyo yung kay Xander. Parang ganun nga.

F. Tama lang ang laki ng tainga. Para kapag piningot di lalaki ng sobra. Naalala ko yung piningot si Xander ni Tita, ganun lang.

G. Maganda ang body built. Ayoko nung parang sasali sa palakihan ng katawan. Basta yung parang nakita ko kay Xander nung pinunasan ko sya nung may sakit sya. Ay naaalala ko tuloy. Kadiri.

H. Matangkad. Wag parang kapre. Yung height ni Xander ok na. Mga 6'2, kasi 5'4 ako. Gusto ko hanggang balikat lang ako. Parang kapag katabi ko si Xander.

I. Mabango. Teka, navivisualize ba 'to? Basta malinis tulad ni Xander ok na.

J. Maputi. Yung tamang puti. Di yung parang nilunod sa gluta saka pininturahan ng puti. Yung kulay ni Xander, fair white. May ganun ba? Haha.

K. ALL OF THE ABOVE. Eto ang dabest! Grabe ano kayang itsura ng fiancè ko?

Nakaisip ako ng idea. Kumuha ako ng isang malinis na papel. At lapis.

Pwede kong magamit ang talento ko para malaman ang sagot.

Drinawing ko ang mga naisip kong itsura ng fiancè ko.

Nang matapos ang drawing, ikinagulat ko ang nakita ko saka nilukot.

Ba't kamukha ni Xander?!

Totoo bang navisualize ko sa kanya ang fiancè ko nung una ko syang nakita?

Bwisit ka Xander? Sabi ko araw ng kalayaan ko ngayon? Bakit ikaw pa din ang nakita ko sa drawing ko?!

Kinuha ko ulit ang nalukot na papel. Binuklat ko saka kinuha ang lapis.

Ginuhitan ko ng sungay tapos buntot. Yan kamukhang kamukha na nya. Mukha at ugali. Kuhang kuha na.

Matapos kong gawin ito, kinuha ko ulit ang lapis saka nagsulat sa ilalim ng papel.

Xander Ynarez. Bwisit ka talaga. Humanda ka sakin, marami na akong kakampi. Bwa-ha-ha-ha!

P.S. Kahit araw ng kalayaan ko, pinatos mo!

"Anong ginagawa mo?!"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Xander.

"Bakit andito kana?! Akala ko aalis ka! Layas!", sigaw ko.

Binaba nya ang bag nya sa sofa saka nagsalita,

"Di natuloy. Bakit? Natatakot ka? Hahaha!", binato ko sya ng tambong malapit sa akin sabay sabing,

"Bwiset!"

"Hahaha! Lagi naman eh. Ano ba yang hawak mo? Drawing? Panget! Hahaha!", pang-aasar nya.

Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko saka tumakbo pataas.

Pero napadaan pa nga ako sa kanya at narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

Paakyat na ako ng hagdan. Tumigil ako sandali at humarap sa kanya, sabay sabing,

"Oo. Pangit ang drawing na ito! Super!", sabi ko sabay takbo paakyat.

Akala ko ipagdiriwang ko ang araw ng kalayaan.

Oras ng kalaya--

Pwe! Minuto  ng kalayaan lang pala.

Happy Freedom Minutes!

Lesson Learned:

Kapag drinawing, este nadrawing mo ang kaaway mo, wag lang sungay at buntot ang ilagay mo. Samahan mo ng malaking tinidor para itusok nya sa sarili nya bwiset!

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon