Chapter 8. Bebe Sister

85 4 1
                                    

"Bebe Sister, re-remember I'll always be, be here fo-for you no matter what."

"Jordan. Wa-wag mo ka-kaming iiwan. Bebe, Bebe Sister ki-kita diba?"

"Tinawag mo-mo kong Bebe Sister? Pe-pero kailangan ko ko nang mag-pahi-hinga."

"Hindi Bebe Sister. Di mo ka-kami iiwan diba? diba?"

Tapos na ang kontrata ni Jordan kay Tita Millet. Hindi na sya ang magiging instructor ko.

Umiiyak kaming dalawa ngayon. Lalabas na kasi sya ng pinto.

Ayoko syang paalisin. Kapag wala si Tita, sya ang kakampi ko.

"O Jordan. Eto na yung pera. Ang laki ng naitulong mo kay Kia. Ang bilis ng pagbabago ng katawan nya.", sambit ni Tita Millet saka ibinigay ang isang sobre na naglalaman ng buong sweldo ni Jordan.

Naiiyak ako. Parang sa ilang linggo lang, naging close na kami nito. Di ko sya makakalimutan.

"Salamat Madir Dear. Seksi talaga yang si Kia. Confidence lang.", sagot nya.

Sa totoo lang, di nagbibiro si Tita. Ang laki ng binaba ng timbang dahil sa dance workout ni Jordan.

Tumingin na sa akin si Jordan. Parang ayaw nya pa kong tingnan pero sa huli, humarap pa din sya sakin.

"Pano bebe sister, ituloy mo din ang mga tinuro ko sayo ah. Tadyang to the left. Balakang to the right.", sabi nya habang naluluha.

Pinunasan ko naman ang luha nya.

"Hwag kang umiyak. Papangit ka.", sabi ko.

Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Ikaw din. Sige ka, matatalbugan kita.", sambit nya.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Tinitingnan ko sya palabas ng gate. Naluluha ako hangga't nakikita ko syang umaalis.

"Babye bebe sister."

"Babye bebe sister."

"Babye bebe sister."

Paulit ulit nyang sinasabi hanggang makalabas na sya ng gate at makaalis.

Niyakap ako ni Tita. Kaya naiyak na ako ng sobra.

Pumunta muna ako sa kwarto. Nagmukmok ako. Wala na si Jordan. Nabawasan na ako ng kakampi.

"Ano? Wala na?", napatingin ako sa nagsalita. Si Xander.

Agad akong napaupo sa kama.

"Anong ginagawa mo dito?!", sigaw ko.

Bigla naman syang umupo sa paahan ng kama.

"Oy oy! Ang kapal mo! Lumayas ka dito!", sigaw ko.

Hindi sya nakikinig. Bigla na lang nyang hinawakan ang paa ko kaya nagulat ako.

Sinugod ko sya gamit ang walis tambo. Alam kong magtataka kayo kung saan ko nakuha ang walis tambo. Meron na ako nito sa may kama ko.

"Ba't may tambo dyan?!", tanong nya. Habang nakasalag ang kamay, nya pinipilit nyang kunin ang tambo.

"Proteksyon sayo!", pagkasabi ko nun, bigla ko nang hinataw ang hawak ko.

"Bwisit ka, hindi pa ako nakakaganti sayo!", sigaw nya habang pilit na kinukuha ang tambo.

Tuloy lang ang paghampas ko. Hindi ako pwedeng bumagal.

"Di mo magagawa yan!!!!!", sigaw ko saka iniready ang isang malakas na hampas.

Hindi sya tinamaan. Pero nahagip nya ito kaya tumalsik.

"Hala!", napasigaw ako.

Napatingin kaming dalawa sa nabasag. Yung figurine na eiffel tower sa may ibabaw ng dresser ko.

Bigla syang tumakbo para tingnan iyon.

"Kia!!!!!", napasigaw sya sa galit.

"Bakit nandito 'to?! Binili ko pa 'to sa Paris! Ang mahal nito!", sigaw nya at aakmang susugod sa'kin.

"Bakit?! Ako ba ang nag-ayos ng kwarto ko?! Ako na ang maglilinis ng kalat!", sigaw ko din sa kanya.

May nakuha syang necktie mula sa dresser ko. Ginawa nya itong tali at parang isasakal sakin.

"Bwisit kang babae ka!", sigaw nya.

"Ahhhhh!!!!!", napasigaw ako at aakmang tatakbo sana. Kaso, nahawakan nya yung laylayan ng damit ko. Napunitan ito.

"Sori na Xander! Huhu. Xander!", panay ang tili ko sa loob ng kwarto. Anytime. Alam kong may papasok dito. Sana may makarinig na samin.

"Wala akong pake! Pag nahablot kita, patay ka sakin!", sigaw nya.

Napatigil kaming sandali dahil sa tunog ng doorknob. Salamat may dumating rin.

"Kia? Ba't nakalock?!", sigaw ni Jordan.

Narinig ko din si Tita Millet na nag-utos na kunin ang susi ng kwartong ito.

Tatakbo sana ako sa may pinto para buksan iyon kaso,

"Huli ka!"

Huli na. Nahablot ako ni Xander hanggang mapahiga ako sa kama. Binatak batak nya yung necktie. Patay.

"Ano?!", sigaw nya.

Wala akong maisagot. Nakita ko na nakaapak sya sa kumot. Nakaisip ako ng ideya.

Hinila ko yung dulo ng kumot. Natumba nga sya pero nahila na nya ako patayo bago ko magawa yun. Kaya parehas kaming nadulas sa sahig.

"Aray!", sigaw naming dalawa.

"Xander? Kia?", sabay na sabay na sabi nila Tita pagkabukas ng pintuan.

"Bebe Sister? Magkakaroon na ba ako ng Bebe Pamangkin?", tanong ni Jordan nagulat ako.

Maski si Xander, nagulat kaya nakalimutan naming tumayo.

Nang mabalik ako sa ulirat. Tumayo agad ako. Tumingin sa kanila. Saka tumingin kay Xander.

Tumingin ulit ako sa kanila sabay sabing,

"Hindi bebe sister, meron tayong beberulin."

Walang natawa sa sinabi ko. Di ata nagets ng iba.

"Hahahaha!"

Narinig kong tawa ni Xander habang nakahiga.

"Corny mo."

Pagkasabi nya nun, kinuha ko yung necktie na hawak nya saka sya sinakal.

Inawat nalang ako nina Jordan. Kaya nakatayo ang loko.

Narinig ko naman ang yapak ni Tita Millet at nagsalita sya.

"Xander, Kia, mag-usap tayo.", sabi nya saka umalis ng kwarto.

Patay. Di ko na ata makikita ang fiancè ko.

Lesson Learned:

Wag magjoke, Corny.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon