Chapter 19. Who Run The World, Girls

83 6 2
                                    

This is the day. Magaling na si Matilde.

Isang mabilisang palabas lang ang gagawin namin. Yung tipong bahala na sya marealize kung ano yung gagawin namin. Hindi ko din kasi alam kung bakit yun yung napag-usapan namin. Kaloka.

"Handa na ba kayo?", tanong ko.

Kinakabahan ako sa totoo lang. Patay ka Bebe Sister kapag pumalpak 'to.

Nagsimula na akong maglakad. Saka sila sumunod. Kaso...

"Aray!", sigaw ko.

Ang sakit. Natapilok ako. Bakit ba kasi pumayag ako na magsuot nito? Costume daw para effective.

"Bebe Sister! Kahit matumba ka, chin up! Hindi tayo pwedeng pumalpak. Sayang effort remember?", sabi ni Bebe Sister.

Oo nga. Kapag tayo pumalpak patay ka sa kin. Ang hirap ng prinaktis natin.

Nagsimula na ulit kami. Tama. Nandito nga sya. Sabi kasi samin ni Tita, nagpaalam daw si Xander na pupunta sa gym na 'to.

Ako ang nagbukas ng pintuan.

AWKWARD.

Nagsitinginan ang mga kalalakihan sa loob ng gym. Bakit nga ba hindi ko naisip na pwedeng may ibang tao dito?!

Naririnig ko ang bulungan nila. Nasa harap pa man din ako. Nakakahiya.

"Oy live show?", tanong nung iba.

Sasabat na sana ako nang,

"Bebe Sister. Wag mong pansinin. Masisira ang effort. Sige ka.", bulong ni Jordan.

Sige. Magtitimpi ako. Magtitimpi ako sa kalokohang ito.

Inilapag na ni Jordan ang portable speaker saka isinaksak ang usb.

Nagsimula na ang tugtog...

~Who run the world, gurls

Who run the world, gurls

Who run this motha, ah

Who run this motha, ah~

Ok na sana kung pinatugtog kaso kinakanta pa ni Jordan.

Bwisit! Di ko na kaya ang kahihiyang 'to.

Alam kong pinaghirapan namin ang pagpraktis ng steps and formations. Pero, di ko man lang naisip na OA.

Patuloy pa rin ang pagsasayaw namin. Natatawa ako sa mga kasama ko, bigay na bigay.

Bigla namang lumabas si Xander sa madla. Uminit ang ulo ko nang makita ko syang humahalakhak. Pwes. Huli na yan!

Di nagtagal, nahihiya na ako.

Tumigil ako, wala akong pakialam kina Jordan.

"Oh tumigil ka?! Hahaha!, pang-aasar nya.

Hinihingal ako kaya hindi ko muna sya pinansin. Bahala sya.

"Di ka magsasalita?", tanong nya.

Bigla namang tumigil ang mga kasama ko. Tapos na pala ang tugtog.

"Di ka na sumabay sa huli. Trying hard?!", pang-aasar nya.

Buti nalang at naipon ko na ang lakas ko. Humarap ako sa kanya.

"Patay kang Xander ka. Ha-ha. Nakikita mo sila? Patay ka ngayon. Hep! Tita's permission? Meron!", sabi ko habang tinuturo turo sya.

"Huhuhu. Takot ako!", pagkukunyari nya.

Bigla namang humakbang si Bebe Sister.

"Hoy!", sigaw nya. Magsasalita pa sana sya nang,

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon