Xander's POV
"Hahaha! Ako may fiancè. Si Xander, tatandang binata! Hahaha!"
...........................................................
"Ahhhhhh!!!!"
Putek! Ang sakit ng ulo ko. Nagiging accessory ko na ang benda ah.
Tumingin ako sa paligid. Puro puti. Nasa ospital ako.
Grabe ano nga bang nangyari? Wala akong maalala.
Wag mong sabihing, nagkaamnesia ako.
"Tange Xander! Hindi!"
Bigla namang may pumasok sa kwarto kasama ang isang doktor. Pero di sya mukhang doktor eh.
"Ano na po?", tanong ni Mama sa doktor. Nakatitig lang ako sa kanila.
Hindi pa sumasagot ang lalaki. Mayamaya,
"Sabihin nyo na lang po kung kailan nyo kukunin.", sabi nung lalaki.
Anong kukunin?
"Ngayon na po mismo. Naayos ko na ang dapat ayusin."
Lumabas na silang dalawa. Tinatawag ko si Mama pero ayaw nyang lumingon. Galit pa din ba sya sa akin?
Mayamaya, may dalawang lalaki ang nagdala sakin palabas.
Nakita ko si Mamang umiiyak. Samantala, nakita ko ang maraming kababaihan na tuwang-tuwa. Kasama doon si Kia.
Nang makalagpas ako sa pinto, napatingin ako sa taas. Saka ko nakita ang ayaw kong makita.
MORGUE.
...........................................................
"Waahhhhhh!!!!!!!!"
"Xander?! Gising ka na! Teka tatawag ako ng nurse!", si Mama.
Agad kong niyakap ang sarili ko. Buhay ba ako? Putek! Ang sakit nga ng ulo ko.
Lumingon ako sa paligid. Puti. Ospital. Tiningnan ko pa ang paligid. Bakit may anghel na may sungay?!
"Waahhh!!!!", putek! Anong ginagawa nyan dito?!
"Ano? Gulat ka? Buti nagising ka pa.", sambit nya.
Ano nga bang nangyari? Ahh tama!
"Hoy asan yang mga alagad mo?! Papatayin ako!", sigaw ko sa kanya. Mukhang hindi sya nagulat sa tanong ko.
Tumayo sya saka nagsalita,
"Nagreready na sanang maglamay kaso nabuhay ka. Tatawagan ko na muna.", sabi nya sabay kuha ng phone nya.
"Wag!", pinigilan ko sya. Okey. Naalala ko na. Pero kapag nabalitaan nilang buhay ako. Baka sumugod sila dito na may dalang patalim o baril.
Napangisi sya. Saka nya binaba ang cellphone nya.
"Mabuti alam mo ang takot noh? Tsk tsk. Pasalamat ka nabuhay ka. Kawawa si Tita Millet.", sagot nya.
Biglang may pumasok sa kwarto. Doktor at si Mama.
"Okey na sya. Nagcause lang ng bleeding yung paghampas pero maswerte at walang naapektuhan sa ulo nya.", sambit ng doktor. Nakita kong natuwa si Mama. Hindi ako mamamatay, gusto ko pa syang makita na ngumiti ng ganyan.
Nakita ko din na napangiti si Kia nang tumingin din ang doktor sa kanya. Sure akong pakitang tao lang yan.
Nagpatuloy lang ang pag-uusap nila hanggang umalis na ang doktor.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander