Simula na ng kalbaryo mo Xander. Matatapos na ang maliligayang araw ng buhay mo. Pakasaya ka na. Baka paggising mo, lahat kami, tinatawanan ka. Ha-ha-ha.
Kasalukuyan akong nagkikiskis ng yelo ngayon. Ang init kasi ng panahon. Kung pwede nga lang na si Xander ang gamitin kong pangkudkod, ginawa ko na.
Nagpaalam ako kay Tita Millet, gagamitin ko muna yung blender nya. Binisita nya kasi si Matilde sa ospital. Mukhang napuruhan. Nagkabati na ata sila ni Tita.
"Magshashake ka?!", tanong ng loko.
"Oo. Magshashake AKO. Ako lang.", sagot ko.
Naglakad na sya paalis. Mabuti naman at di nya ko pinansin. Pero sa tingin ko, ito na ang simula ng paghihiganti ko.
"Ah Xander? Gusto mo?", tanong ko.
Halatang nagulat sya sa alok ko. Ako din naman, nagulat sa naisip ko.
"Kung lalagyan mo ng lason, wag na. Inumin mo na lang nang mawala ka na.", sagot nya.
Uminit ang ulo sa sinabi nya. Sya na nga 'tong inaalok, sya pa mareklamo.
Pero hindi. Kailangan kong magtimpi ngayon. Kailangan kong ipaghiganti si Aria, si Matilde, pati na rin ang mga babaeng binanggit nya. Lalaban ang mga babae!
Teka, paano si Bebe sister ko? Ah sige. Lalaban ang mga babae't isang beki!
"Hindi noh. Mainit talaga ngayon. Pang anti highblood mo din.", sagot ko.
Mukhang nakumbinsi ko sya.
"Sige. Sarapan mo yan kundi ikukudkod kita sa yelong yan.", sambit nya.
"Ikukudkod din kita!", sigaw ko. Nakakainis kasi.
"Ano?!", oo nga pala. Kailangan kong magtimpi.
"Ikukudkod din kita ng yelo kasi konti lang yung nakudkod ko. Hehe.", sabi ko.
Tumalikod na sya. Pinagpatuloy ko na ang pagkudkod.
Grabe ang hirap. Pero kailangan matupad ang plano ko.
Inuna kong gawin yung kanya. Baka kasi magbago ang isip. Mahirap na.
"Asan ba yung...", bulong ko habang hinahanap ang siling labuyo.
Espesyal kasi sya kaya isang siling labuyo shake ang gagawin ko para sa kanya. Matuwa sya sa anghang!
Di ko mahanap ang sili. Teka baka nasa dirty kitchen.
Hinanap ko yung sili. Matagal tagal din akong naghanap kaya sana, di sya nainip.
Sa wakas, nakita ko na rin. Agad akong bumalik sa kusina nang,
"Xander? Anong ginagawa mo dito?!"
Nagulat ako nang makita ko sya na umiinom ng shake.
"Ang tagal mo kasi! Ayan. Nakayod ko na yung isang tipak ng yelo. Ba't kasi hindi durog yung binili mong yelo?", tanong nya.
Agad kong nailagay sa bulsa ko ang sili. Patay. Nabulilyaso ang plano.
Lumapit na ako saka ko nakita ang yelo. Durog na nga. Ang bilis naman nya.
Napansin naman nya akong nakatingin sa yelong kinayod nya.
"Ano? Hanga? Hina mo kasi. O eto, ginawan na kita. Baka mamaya sabihin mo makasarili ako.", alok nya sabay bigay ng isang basong may shake.
Mukhang masarap kaso naisip ko, baka may kalokohan syang ginawa sa shake ko.
"Gagawa nalang ako. Baka may lason yan.", sagot ko.
"Ako pumayag ako kanina pero ngayon, ganyan ka?!", sumbat nya.
Eh hindi naman natuloy yung gagawin ko eh. Pero sa tingin ko, iinumin ko na din. Baka ilang sumbat pa ang magawa nyan sakin.
"Akin na.", sambit ko sabay kuha ng baso.
"Good. Magugustuhan mo yan.", sabi nya.
Ininom ko na yung ginawa nya. Akala ko hindi ko magugustuhan. Pero,
"Ang sarap!", sigaw ko.
Nagulat sya sa sinabi ko. Bakit? Kinakabahan ba sya?
"Sigurado ka?!", tanong nya. Tumango naman ako saka ininom ulit. Kaso hinablot nya sakin yung baso.
"Patikim nga!", sigaw nya sabay kuha ng baso.
Hinintay ko ang reaksyon nya. Mukhang tagumpay ang plano sa sarili nyang kagagawan.
"Anong lasa Mr. Xander?", tanong ko.
"Ang..."
...anghang!!!!!", sigaw nya sabay bukas ng gripo atsaka hinugasan ang dila. Mukha syang aso. Ha-ha-ha!
Ako pa ang hinamon nya ah.
"Bakit hindi ka tinablan ano ka ba?! Para nga sayo to tapos ako ang--
...anghang!!!!!", sigaw nya habang pinagpapatuloy ang paghugas sa dila.
Tumingin ako sa kanya saka nagsalita,
"Kasalanan kong gusto ng dila ko ay maanghang? Favorite ko nga yun eh.", pang-aasar ko.
Lumaki ang mata nya sa sinabi ko.
Akala nya siguro mauutakan nya ako.
Pero hindi eh, kaya ko nga pinili ang siling labuyo para sa plano ko kanina, dahil kung ipapatikim nya sakin, walang talab.
Eh nagbago ang nangyari. At ngayon, wala akong kinalaman sa ginawa nya sa sarili nya. Kawawang Xander.
"Anghang!!!!!!", sigaw nya pa saka itinaas ang dalawang kamay.
Nagulat ako nang bigla itong hinampas ang yelo. Nagkadurogdurog ito.
Aba, kung anghang lang din pala ang sagot, sana kanina ko pa sya pinanguya ng sili para mas napadali ang pagkudkod ko sa yelo diba?
Pero di na importante yun. Ang importante, plan no. 1?
Isang malaking check!
Lesson Learned:
Ilayo sa north pole ang mga kumakain ng sili.

BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander