Chapter 27. Walang Iba

71 3 0
                                        

Kia's PoV

"Anong pangalan mo another Jordan?"

"Bakit mo ba ako tinatawag na another Jordan? I'm George."

So George pala ang pangalan nya. Nandito kami sa may ewan ko ba basta may security guard.

"Ooh George pala. Ako si Kia. Thank you ulit sa pagtulong ah.  Baka isipin mong masama akong tao," sabi ko sa kanya habang hinihintay ko yung pinapahanap ko.

"Sister okay lang yun. Ikaw baka isipin mong ako yung masamang tao," sagot nya na seryoso.

"Hi-hindi syempre. Tinulungan mo na nga ako, ako pa choosy."

"Wala bang problema ang gender—".

"That is a description of a boy, sabi nga ng isang celebrity," paliwanag ko. Napakaseryoso nya bigla at patingin tingin sa paligid. Samantalang kanina, ang ingay ingay.

"Kia!!!!!"

Xander? Napakunot ang noo ko sa boses nung sumigaw. Andyan na pala. Ang tagal ah.

"Kia! Napaaway ka daw? Kanino? Dito ba?!", tinuro nya si George saka akmang susugurin. Agad namang napatayo si George sa kinauupuan at tumakbo papunta sa likod ko. Pinipisil nya yung balikat ko. Natakot yata.

"Hoy Xander, tinulungan ako ni George kaya wag kang ano dyan!"

Hindi naman na sumagot si Xander at hinila na lang ako palabas. Sumenyas nalang ako kay George ng 'thank you, text text na lang.'

"Huy lalake! Hindi ka man lang nagthank you kay George!", sigaw ko sa kanya bago sumakay ng kotse. Aba, nakapamili na.

"Sinira nya yung pagsasama natin!"

"Ah?"

"Yung pamimili natin ng inutos ni mama," sagot nya bigla.

Di na ko sumagot. Infairness, masakit ang pagsabunot kanina. Nako.

"Thank you," sambit niya bigla.

"Saan?"

"Sa description mo sa akin nung pinahanap mo ko. Akala mo hindi ko malalaman ah, pi-nage kaya," sabi nya.

Weh? Loko yung manong guard. Ipinagsigawan pa.

"Ano? Di ka makapagsalita?"

"Eh?"

Isip Kia! Yun lang naman talaga yung pumasok sa isip ko kanina kasi nagpapanic ako.

"Kasi ano. Para di ka mahanap. Biruin mo, nahanap ka kahit di ikaw yung nadescribe. Hehehe!", alibi ko.

Kinuha ko nalang yung dolphin na stuffed toy sa likod ng kotse at niyakap. Kunwari inaantok.

"Tsk. Tsk," sambit na lang nya saka binuksan ang radyo.

Tumugtog yung kantang Walang Iba by Ezra Band. Mas lalo akong nagtulugtulugan.

Kinabukasan...

"Wala talaga akong mahanap eh," rinig kong sabi ni tita nang pababa na ako para mag-almusal.

"Kung marunong lang ako tita eh. Kaso hanggang workout outfits lang alam ko hahaha!"

Jordan? Dali dali akong bumaba. Namiss ko na tong baklang to.

"Bebe sister!", sigaw ko. Tumingin naman sya at nanlaki ang mata.

"Bebe sister! I miss you!", sigaw nya saka tumakbo para buhatin ako.

"Aba. Gumagaan na ah!"

"Isang linggo lang di nagkita! Atsaka syempre, magaling ang kowyogwapew!"

At nagtawanan na naman pati si tita.

"Ano pong pinag-uusapan nyo?", tanong ko.

"Iha naghahanap ako para sa magiging guide mo sa pananamit," sagot ni tita.

"Kailangan po ba yun?"

"Yes. Kung marunong lang si Jordan sana sya na lang o kaya si Matilde kaso hindi eh," paliwanag nya.

"Sorry bebe sis," sambit ni Bebe Sister.

Bigla kong naalala yung another jordan, este, si George!

"Tita! May kilala ako!", sabi ko bigla. Napag-usapan namin ni George kahapon na sya yung naghahanap ng mga models for a fashion show. Stylist din sya sabi nya. I know for sure magaling sya.

Agad namang napasino sila.

"Si George,"

"Who's that bebe sister? Boylet?", excited na tanong ni Bebe Sister. Umiling iling ako and nadisappoint sya haha.

"He's like you," sambit ko.

"Oh, you mean 'she' right? Hahaha I get it!"

Kwinento ko na rin sa kanila kung pano ko nakilala si George and nagulat si Tita kasi hindi naman nasumbong ni Xander yun o nakwento man lang.

Nga pala, sinumbong ako nung loko. Buti di nagalit si tita. Dapat daw talaga marunong ang isang babae na ipagtanggol ang sarili nya. Bleh Xander!.

"Tatawagan ko na tita para mamaya mameet nyo na?"

"Sure," sagot nila.

Pumayag naman si George at tuwang tuwa pa. Pagkababa ko ng phone..

"Anong nangyayari?"

Si Xander pala yung nagsalita. Kagigising palang at walang kamalay malay. Pero si Jordan, naglalaway ba naman. Malay ko dito, palaging ganyan. Hot daw.

"Naghahanap kasi kami ng pwedeng magga-guide kay Kia pagdating sa pananamit. Kita mo, parang lalaki pa rin manamit eh," paliwanag ni Tita. Napayuko tuloy ako.

"Sinong kausap mo ang aga aga?", tanong nya.

"Anong pake mo?", pang-aasar ko.

"Nevermind," sagot nya. Badtrip na yata.

"Si George,"

Nang marinig nya yun, bigla syang tumakbo papunta sa akin at kinuha ang cellphone ko.

"Wag mong sabihing..."

"Tama ka Xander! Si George nga!"

"Wag!", sigaw nya. Nagulat naman ako at sinabing, "teka, ano naman sayo?"

"Walang iba?", tanong nya kila tita. Saka humarap sa akin.

Sumagot naman ako, "walang iba. Sya na."

"Icancel mo Kia!", utos nya.

"Bakit ba? Ano naman sayo?"

"Wala akong tiwala sa kanya," sabi nya.

"Wag kang mag-alala! Ako may tiwala sa kanya," sabi ko. Bigla naman nya kinuha yung cellphone ko dahil itetext nya daw si George na cancel na.

Kaya nag-agawan kami.

Ano ba kasing problema nya?

Lesson learned:

Magtiwala nang di na mag-agawan. Baka masira cellphone eh.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon