Chapter 5. Come On Baby Work It Out

101 6 1
                                    

"One more set. Move!"

Woah! Kanina pa ko nagsimula, 1½ hrs after ko kumain.

Mabuti naniwala sa akin si Tita. Kilalang kilala nya daw kasi si Xander kaya ganun.

"Bumabagal! Faster!", sigaw pa nya.

"Ikaw kaya!", sigaw ko. Pero sumama lang ang tingin nya sakin.

"Ginawa ko na yan, mas madami pa! Go!"

Pinilit ko pa ding bumilis ang pagjujumping jacks ko pero hindi na kinaya ng katawan ko. Natumba ako.

"Aray!", sigaw ko sabay himas sa likod ko.

"Tayo!", sigaw ni Jordan.

Aba. Masakit kaya matumba. Pinipilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya.

"O ano? Hirap ka? Halatang wala kang exercise sa katawan.", sambit ni Jordan.

"Sabing di nga ako sanay!", sagot ko.

Hindi naman sa walang exercise, pwede namang busy lang ako kaya ganun.

Tumayo pa din ako. Nakatayo ako nang hindi man lang nya tinutulungan.

"Thank you ah. Ang laking tulong mo!", sigaw ko pero,

"Game na ulet! 100 more!", sigaw nya.

Seryoso ba sya? Kanina pa ako nagsisit-ups, push-ups, at kung anu-ano pa. Ayoko na!

Hindi ko sya sinunod. Tumalikod ako atsaka lumapit sa pintuan.

Nagdodoble na ang paningin ko. Wala na akong makitang malinaw. Basta, nahawakan ko ang doorknob nang biglang,

*boogsh

...saka nagdilim ang lahat.

...

"Kia?"

Boses yun ni Tita Millet.

"Girl, okay ka lang?"

Kailan pa nagkaroon ng bakla dito?

"Sa katabaan, lampa na. Hahaha!"

Napadilat ako sa huling nagsalita. Sabi ko na nga ba, si Xander.

"Aray. Ang sakit ng katawan ko.", sambit ko saka tumayo.

Tumingin ako sa paligid. Nandito sila lahat. Pero nagulat ako sa nakita ko.

"Beki ka?"

Napatanong ako ng di oras kay Jordan a.k.a. ang gym instructor ko.

"Boom ka jan gurl. Baket? Di mo nasmell earlier?", sagot nya.

Parang kanina lang, nabubugbog nya ako dahil sa mga pinaggagawa namin. Tapos, nahimatay ako, bakla na sya?

"Makaboomboom pow ka sakin kanina, akala ko gagahasain mo ko?! Grabe."

Nagulat naman sya sa sinabi ko. Natawa naman ang iba.

"Bebe Gurl. Shattap! Di tayo talo...

... Don't worry. Same gender tayo. Si Papa Xander ang like ketch!"

Pagkasabi nya nun, agad nyang niyakap si Xander. Halata mong nagulat sya.

Nagpumiglas ito pero hindi sya makawala. Mas malakas pa ang bakla.

"Lumayo ka sakin Jordan! Kaya ako umalis ng gym nyo, dahil sayo!", sigaw nya.

"Akala ko Bro ka! Bro-ha pala! Hahaha!"

Binitawan na ni Jordan si Xander. Naging seryoso ang mukha niya.

"Ayoko na sayo! Pinapaiyak mo ko!", sigaw nya sabay lapit sakin.

"Bakit gusto ba kita?", tanong ni Xander.

"Hindi ba? Kailan pa?", tanong ni Jordan

"Adik ka ba Jordan?", sagot ni Xander.

Di na sya pinansin nito. Mukhang may kakampi akong nakuha ngayon.

Tinawag na ako ni Jordan. Ipagpapatuloy na daw namin ang work out na inihanda nya.

Parang ayoko pa nga magsimula. Wag mong sabihin na gagawin ko ulit ang mga yun.

Bwisit ka Xander. Bakit mo binadtrip 'to?! Nasa akin tuloy ang karma.

...

"Sister. It hurts.", sambit nya.

Akala ko naman magsisimula ulit kami sa umpisa. Hindi pala. Nagsimula kami sa kwento nya.

Kesyo noon daw, naging instructor sya nung lalaking yun.

Then close na daw sila.

Pero akala nya daw, M.U. na sila.

Tapos nung malaman daw na bakla sya, lumayas daw sa gym nila si Xander.

Napagkamalan pa syang gumawa ng masama kaya nafire sya.

Ngayon, isa na syang private gym instructor ko.

"Nako sister. Wag mong isipin yun. He's not worth it. Ganda mo.", sabi ko sa kanya. Tingin ko ay natuwa sya sa sinabi ko.

"Sister nemen eh. Kew den... basta pumayat ka lang."

Pagkasabi nya nun. Hinila nya ako papunta sa may open space.

"Gusto mo bang pumayat?", tanong nya.

Sasagot na sana ako kaso...

"Gusto mo bang sumexy?"

"Gusto mo bang gumanda?"

"Apply na saking dance work out!"

Nakakatuwa sya. Sinabi nya ang mga katagang yan na parang nag-aadvertise lang.

Tumango tango naman ako. Mas gusto kong magwork-out kapag ganito ang kasama ko. Exciting.

"So hindi na tayo mag uups ups katulad kanina?", excited kong tanong.

"Ganun pa din.", seryoso nyang sagot.

Sisimangot na sana ako kaso,

"Pero version 2.0!", sagot nya saka ako hinila hila sa kung saan.

Mukhang mas masaya. Kung ganito din naman palagi. Aba, mas gugustuhin ko ng pumayat!

"Okey bebe sister! Five! Six! Five, six, seven eight!"

Lesson Learned:

Iwasang mahimatay, baka pag nagkaroon ka ng malay, meron palang bumigay. Hayahay.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon