Nagising ako. Wala na sya.
Ay oo nga pala. Mas maaga syang nagigising sa'kin.
Tumayo ako atsaka inayos ang kama. Una kong pinuntahan ang pinto. Baka sakaling binuksan na iyon ni Tita Millet.
Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng kumalabog sa may CR. Baka si Xander lang kaya dumiretso na ako sa pinto.
"Hanggang ngayon?", tanong ko.
Nakalock pa din ang pinto. Wag mong sabihin na dalawang araw kami ni Xander dito.
Bumalik na ako sa kama. Mas gugustuhin ko nalang matulog.
"Argh!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang pagsigaw ni Xander.
Galing sa CR ang boses nya. Agad akong tumayo para puntahan sya. Kaso nakalock ang pinto.
"Xander! Buksan mo 'to!", sigaw ko habang tinutulak ang pintuan.
Hindi sya sumasagot. Patuloy lang din sya sa pagsigaw.
"Kia?"
Narinig kong tinawag nya ang pangalan ko. Ano bang nangyayari sa loob.
Tinulak tulak ko yung pinto pero ayaw pa rin bumukas.
"Abutin mo yung lock hoy!", sigaw ko sa kanya.
Nag-aalala ako dahil baka pag may nangyari sa kanya, mas lalong sumama ang loob ni Tita sakin.
"Buksan mo!"
Pagkasigaw ko nun, nabuksan na ang pinto. Nakita ko syang nasa sahig at dumudugo ang bandang ulunan nya.
"Napano ka?!", tanong ko.
Agad ko syang itinayo. Mabuti nalang at nakabihis sya dahil baka ilong ko ang dumugo.
Hindi sya sumasagot. Mainit sya at mukhang hilo.
"Nilalagnat ka ba?!", tanong ko.
Itinaas nya ang mukha nya para makita ako atsaka sinabing,
"Ano sa tingin mo?!", sigaw nya.
Nagbalik na sya. Nagbalik na ang Xander na walang ginawa kundi awayin ako.
Pero hindi ito ang tamang oras para awayin sya.
"Dumudugo yung ulo mo. Nauntog ka ba?!", tanong ko ulit.
Tumingin na naman sya sakin at
"Ano ba sa tingin mo?! Lumabas na tayo!", sigaw nya.
Kung hindi lang ganito ang kalagayan nya, baka inumpog ko na sya sa lababo eh.
Lumabas na kami ng CR. Iniupo ko sya sa kama. Pumunta ako sa pinto para buksan ito. Kaso, naalala kong di pa rin pala bukas yun.
"Ah, Xander. Nakalock pa din pala.", sambit ko.
Lalo syang napaaray sa sakit ng ulo nya. Hawak hawak nya ito gamit ang kumot. Puro dugo na tuloy ang kama.
Nagpanic ako lalo. Wala akong alam sa mga ganito. Hindi ko alam kung anong gagawin at uunahin ko.
"Tita!", sigaw ko habang kinakalampag ang pinto.
Walang sumasagot.
"Jordan? Manang? Maria?", lahat na ng tao dun ay tinawag ko pero walang sumasagot.
"Aray!", napatingin naman ako kay Xander dahil sa pagsigaw nya.
Nilapitan ko sya para tingnan ang sugat. Kawawa naman sya. May sugat na sa ulo, nilalagnat pa.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander