Chapter 12. Babaeng F-A-K-E

102 5 1
                                    

"Sabi ko sayo, kapag kakain, di dapat dumidikit ang braso sa lamesa!"

Ilang araw na syang ganyan sa akin. Sigaw nang sigaw.

Matatanggap ko pa sana kung sa trabaho nya sya nakafocus. Pero hindi, kasama din namin si Xander.

Nakaupo kami sa upuan sa hapag ngayon. Ay mali pala, kami lang ang nakaupo. Kay Xander kasi nakaupo ang Matildeng yun.

Gusto ko sya isumbong kay Tita. Pero pinalagpas ko sya ng ilang beses. Pero ngayon? Tapos na ang maliligayang araw nya.

Dapat kanina pa, kaso umalis si Tita. Pakasaya na muna sya sa pag-upo nya kay Xander. Baka kasi paupuin sya ni Tita sa thumbtacks pag nalaman ito.

"Ano? Tatanga ka lang dyan? Magsanay ka!", sigaw nya sabay halik kay Xander.

Aba, mukhang walang palagan si Xander at tuwang tuwa pa.

"Ano? Pinapagalitan ka na. Tatanga pa?", sabat ni Xander.

Padabog akong tumayo sa upuan at tinutok ang tinidor sa kanya.

"Kadiri kasi kayo! Ang lalandi nyo!", sigaw ko.

Lumaki ang mata ni Matilde sa sinabi ko. May lakas pa pala syang magulat.

"Aba. Ang talas ng dila mo babae. Sinong maland--

Aray!", sigaw nya.

"Sorry Babe."

Bigla kasing tumayo si Xander. Dahil nakaupo nga si Matilde sa kanya. Buti nga.

"Hoy Kia. Wag mong pagsasabihan si Matilde ng ganyan.", sambit nya.

Aba. Pinagtulungan pa nila ako. Palibhasa, parehas sila.

"Totoo naman ah! Saka parehas kayong malandi!", sigaw ko pa.

Bumilog naman ang kamao nya.

"Ano? Di mo tinatanggap? Hirap sayo, gawa mo, tanggi mo. Nag-aahasan lang kayong dalawa."

"Hoy babae! Sumosobra ata ang bibig mo. Kaya ka pala pinapaturuan. Wala kang manners!", sabat ni Matilde.

"Wow! Nagsalita ang may manners. Sige, magkampi kayo. Palibhasa, parehong malandi. Parehong--"

Napatigil ako. Sinampal ako. Sinampal ako ni Malande ay este ni Matilde.

"Ang kapal mong sampalin ako.", seryoso kong sabi.

Tinaasan nya pa ako ng kilay. Mukhang walang balak si Xander na awatin kami. Tuwang tuwa pa.

Grabe, hindi ba alam ni Matilde na isa lang sya sa mga babae ni Xander?

"Aray!"

Sinampal ko rin sya. Kahit magsampalan kami dito. Lamang ako, pasensya pero kapansinpansin ang pekeng ilong, pekeng cheekbone, pekeng dibdib, pekeng balakang, pekeng Matilde!

"Aray! Ang mahal ng ilong ko!", sigaw nya.

Inamin din nya. Plastik ang buong pagkatao nya. Teka, sobra ata ako.

"Tama na yan!", sigaw ni Xander.

Lumapit sya sakin. Umaatras ako. Pero bago sya tuluyang makalapit sa akin, tumingin sya kay Matilde.

"Pwede?", tanong nya. Tumango naman si Matilde.

Humarap na sya sa akin. Tumingin tingin ako sa paligid. Nagbabakasakaling may walis tambo.

"Ang kapal ng mukha mo, hanggang Linggo pa ang babaeng yan, sinira mo na?", bulong nya.

Sabi ko nga, isa lang si Matilde sa mga babae ni Xander.

"Ah? Ganun ba? Pasensya. Namili ka kasi, yung peke pa. Haha.", sagot ko.

Mahina kong sabi. Patuloy sya sa paglapit. Patay. Dingding na.

Tumingin tingin ako sa gilid ko. Bakit walang tambo.

Lumalapit na sya nang,

"Bebe Sister!"

Napalingon kaming lahat sa sumigaw. Si Jordan pala. Bigla nyang binato ang isang walis tambo.

Ang bobo ko. Hindi ko nasalo.

Pero ang talino ni Bebe sister. Tinamaan nya si Xander.

"Aray!", sigaw nya.

Agad syang napaatras kaya nakatakas ako. Kinuha ko agad ang tambo saka sya hinambalos.

"Hoy babae! Tumigil ka!", sigaw ni Matilde at akmang lalapit samin kaso,

"Hoy babaeng F-A-K-E! Tayo ang magtuos!", sigaw ni Bebe Sister ko.

Bigla syang tumakbo kay Matilde. Ngayon One on One na kami.

"Tumigil ka na!", sigaw sakin ni Xander saka nahawakan ang tambo.

Pero inaagaw ko pa din sa kanya.

"Akin lang ang tambo ko!", sigaw ko.

"Aray!!!!", napatingin kaming dalawa sa sumigaw.

Dumudugo. Yung ilong ni Matilde.

"Bruha ka! Anong ginawa mo?!", sigaw nito kay Jordan.

"Sinira ang ilong mo. Di ba obvious. Peke kasi. Buti ako, kahit bakla, totoo ang beauty ko!", sigaw ni Jordan.

Tatakbo na sana si Xander para sugurin si Jordan nang,

"Hoy!", nahablot ko sya.

"Bitawan mo nga ako!", sagot nya.

Humarap naman ako kay Matilde.

"Babaeng Malande! Kilala mo ba kung sino 'to?!", tanong ko sabay turo kay Xander.

Tumango naman sya kahit duguan ang ilong nya.

"Si Xander Ynarez. Malande.", sagot ko.

Tumingin naman sakin si Xander at nag-'tsk'.

"Kilala mo ba kung sino sino na ang naging Babe nito?!"

Dapat nang malaman ni Matilde ang baho nito. O kung tanggap man nya, dapat malaman nya kung sino. Ni wala ata tong alam.

Tumingin sya sakin saka ngumisi.

"Oo naman. Si Jessa? Paoline? Hena? Erich? Juvy? Emily? Bridgette? Aria? Etc.", sambit nya.

Kilala naman pala nya eh. Ba't pumapatol sya.

"Ikaw?", huli nyang sambit. Ha? Hindi ako kasama!

Susugod na sana ako kaso napigilan ako ni Xander.

"Eh ako kilala mo?", tanong nya habang tumatayo.

Nagulat ako dahil lumapit sya kay Xander at natumba.

"Ako."

"Ang Fiancè ni Xander.", sambit nya saka pinakita ang singsing sa daliri nya.

Nagulat ako. Napaatras ako sa kanila.

Si Xander? May fiancè din? Ako lang meron diba?

At si Matilde, ang malanding babae pa pala.

"Patay ka girl.", sambit ni Jordan. Saka ako hinila.

Pero di ako nakagalaw sa pwesto ko.

Totoo? Fiancè?

Hala. Sorry po. Tao lang. Di malandi.

Lesson Learned:

Ihampas ang tambo saka tumakbo. Baka ang announcement, kagulat-gulat sayo.

HousehateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon