"Five! Six! Five, Six, Seven, Eight!"
Isang linggo na nang magsimula akong sumama sa sinasabing dance workout ni Jordan.
Ang galing nya grabe. Meron talaga syang private class for this.
Buti nga pumayag si Tita Millet na sumama ako dito. Ang gusto nya kasi, sa bahay lang. Sabi ko boring.
"Hi Kia!", bati sakin ni Aria.
Isa sya sa mga nagte-take ng dance work-out.
"Oh hello. Bakit?", tanong ko.
Ngumiti sya sakin atsaka nagtanong.
Sa totoo lang, hindi kami bati nito. Mayroon kasi syang attitude na ayaw ko. Pero di rin naman ako galit sa kanya.
"Kilala mo si Xander? Xander Ynarez?"
Nagulat ako sa pagtatanong nya. Bakit ako ang tinanong nya?
Napatingin ako kay Jordan at nakita kong tumingin din sya. Hindi ko alam kung bakit. Pero sumenyas si Jordan na wag ko daw hindi.
"Ah hindi eh. Bakit mo natanong sakin?", sagot ko.
Inirapan nya pa ko matapos kong sumagot. Di na din nya sinabi kung bakit nya ako tinanong. Tumalikod na lang sya saka lumayo sa akin.
Nag-CR ako. Nagulat ako dahil paglabas ko, nakita ko si Jordan. Tinawag nya ako.
"Bakit?", tanong ko.
"Wag kang lalapit kay Aria. Ayoko nga tanggapin yan kaso mahal ang bayad sakin. Pinagtyatyagaan ko kahit ang hirap turuan.", sagot nya.
Hindi ko sya maintindihan. At isa pa, bakit tinanong nya kung kilala ko si Xander?
"Eh bakit nya ako tinanong? Alam ba nya na dun ako nakatira kina Xander?", tanong ko ulit.
Hindi sya agad sumagot dahil may dumaan na estudyante nya. Hinila nya ako sa may isang sulok saka nagkwento.
"Lahat ng bago dito, tinatanong nya. Desperada kasi. Babae lang ni Xander yan kaya hindi sya importante.", paliwanag nya.
Nako. Baka mamaya malaman nya na dun ako nakatira. Baka hamunin nya ako ng gera.
Bumalik na kami sa studio. Tapos na ang break time. Magsisimula na ulit ang work-out.
Pansin ko ang titig ni Aria sakin. Nakikita ko din na hindi sya nakakasabay dahil sakin lang sya nakatingin.
Buong sayaw, pinagmamasdan nya ako kaya hindi din ako makaconcentrate.
"Kia, Aria. Ano? Ayusin nyo. Sige, kayo lang dalawa muna.", sambit ni Jordan.
Ano bang gusto nyang mangyari? Hindi. Baka hindi lang din ako nakasabay. Instructor pa din sya at estudyante nya ako.
Nagsimula na ang tugtog. Ayokong mapahiya. Nagsimula nang kumilos ang katawan ko.
"Aria! Wag kang mangopya!", sigaw ni Jordan.
Napansin ko ang pag-irap nya.
"O ikaw Kia! Nawawala ka na sa beat!", sigaw naman nya sa akin.
Napansin ko na ngumisi si Aria.
"O ayan na, climax! Five! Six! Five, six, seven, eight!"
Mas bumilis ang indak. Mas magalaw ang steps ngayon. Mas komplikado. Pero parang ayokong magkamali dahil sa kasabay ko.
"Aray!"
Napatigil ako nang sumigaw si Aria. Samantala, pinatay ni Jordan ang tugtog.
"Anong nangyari?", tanong ni Jordan.
Lumapit sya kay Aria para tingnan ang paa nito pero sinipa nya lang si Jordan.
"Sumusobra ka na ah!", sigaw ni Jordan.
Akmang sasabunutan sana ni Jordan si Aria. Buti at napigil sya ng iba naming kasama.
"Napakacheap ng studio mo! Last day ko na 'to!", sigaw nya.
Magsasalita sana si Jordan kaso nagsalita pa sya.
"Ikaw! Kilala mo ba si Xander? Narinig ko kayo kanina nitong baklang 'to!"
Natakot ako sa kanya. Napaatras ako habang sya, pinipilit tumayo. Wala ding nag-abalang tulungan sya, dahil natatakot din sila.
"Ano?!", sigaw nya.
Wala na ding sinesenyas si Jordan kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ano?!", sigaw nya pa.
Nakatayo na sya ngayon. Alam kong anytime, tatakbo sya para sugurin ako.
"Hindi! Hindi!", pagtanggi ko.
*Dingdong!
Natahimik ang lahat sa nagdoorbell.
Bubuksan na sana ni Jordan ang pinto nang bumukas ito. Mabuti at hindi sya tinamaan.
"Hoy Kia! Pinadala ni Mama! Nilagyan ko na din ng lason bahala ka kung kakainin mo.", sambit nya sabay bato sakin ng plastik.
Buti at nasalo ko.
"Hati kayo ni Jordan para sabay kayong malaso--"
"Der?"
Napatigil si Xander nang magsalita si Aria.
Patay. Alam na nyang kilala ko si Xander.
"Oh! Aika?", tanong nya. Sinong Aika? Eh si Aria ang kausap nya.
"Si Aria ako remember? Sino si Aika?", pagtataka nya. Halata na may luhang namumuo sa mata nya.
Humarap naman sa kanya si Xander.
"I don't remember you. Well, I'm currently dating Aika.", sagot nya.
Tumulo na ang luha ni Aria. Gusto ko syang damayan pero sa ginawa nya, nagdadalawang isip tuloy ako.
"If I dated you once. Once is enough. Oh I forgot. I have a new one.", pagkasabi nya nun. Tumingin sya sakin.
Nasa may tabi nya lang ako. Lalayo na sana ako kaso...
"Guess who...
...Meet Kia."
Papalag pa sana ako. Kaso inilapit nya ang mukha ko sa kanya. Kinuha nya yung plastik saka itinakip sa may mukha namin.
Mukha nya akong hinalikan.
"Ano? Kilig ka naman?", sambit nya.
Hindi ako makapagsalita. Nagulat ako. Bwisit ka, patay ka sakin mamaya.
"Once is enough, Twice is merrier.", sambit nya habang inihiwalay ako sa kanya.
Bigla nya akong itinulak kaya natumba ako.
Nakita kong lumapit si Aria sa kanya at hinalikan sya.
Tumalikod na sila samin saka umalis. Bago pa makalabas si Aria, nakita kong inirapan nya ako.
Edi sa kanya na si Xander! Akin ba yan?!
May fiancè ako! Di tulad nya, malandi!
Idinamay pa ko sa kalandian nila.
Isaksak mo sa ribs mo si Xander! Nang di na makauwi! Magpapasalamat pa ko sayo!
Lesson Learned:
Wag lalapit. Baka magamit. Bow.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander