Humanda ka Xander.
Kasama ko si Bebe Sister ngayon. Pupunta kami ng ospital. Hindi lang pala kami. Ang buong kababaihan.
Ang galing kasi ni Matilde. Biruin mo, alam nya kung saan makikita ang mga babae ni Xander. Kaya eto, kagagaling lang namin sa kung saan saan para hanapin ang mga 'to.
"Asan ba kasi niratay yang si Matilde?!", sigaw ni Aria. Sya yung babae sa studio ni Jordan. Brineak up sya ni Xander then naging sila ulit remember? And then break up ulit nang ipapakilala na sana ni Aria si Xander sa pamilya nya.
"Gusto mo ikaw iratay ko?!", sigaw naman ni Jessa. Ang boyish pero naloko ni Xander. Ay este, boyish noon, naging girly, naging boyish ulit. Lumala pa.
"Ang ingay mo!", dagdag pa nya.
"Wag na kayong magsigawan. Nakakahiya sa daan.", sambit naman ni Paoline. Napakainosente nyang tingnan kaya ayokong maniwala na pumatol sya sa lalaking yun.
"Saan ba kasi yung ospital na yun?", tanong ni Hena. Sya ang pinakabata. Nabigyan lang ata 'to ng candy eh pumayag na.
"Malapit na, alam ko yung lugar na yun.", si Erich. Bakasyonista lang sya sa Pilipinas kaso napatagal ang pagbabakasyon nya dahil kay Xander kaya aasikasuhin pa nya ang mga papeles nya.
"I know that too.", sambit naman ni Juvy. Isang foreigner. Nakakaintindi ng tagalog pero hindi marunong. Sabi nya, naloko sya ni Xander gamit ang malalalim at mabulaklak na mga salitang tagalog.
"Ayan na.", sabay na sabi ni Emily at Bridgette. Sabay silang ipinanganak at sabay ding nagpaloko este naloko ni Xander.
Marami pa sana. Kaso yung iba, natatakot, naduduwag. Yung iba naman di na namin inaya dahil baka sa sobrang laki ng galit ay makapatay pa kami. Yung iba naman, ayun, di mahanap kung saang lupalop naroroon.
"Ma. Para po!", sigaw naming lahat. Nagulat ata si Manong Driver dahil biglaan ang pagpreno nya.
Yung ibang pasahero, nainis at nagbulungan.
Pababa na sana kami ng jeep nang magsalita si Manong.
"Nakong mga bata kayo, may gegerahin ba kayo? Baka mamaya madamay ang Jeep ko ah!", sabi nya.
Bigla namang nagtaray si Aria.
"Excuse us po. Pero hindi kami mukhang kriminal, baka kayo pa ang pagbintangan na kinidnap kami.", sambit nya. Bigla syang hinila ni Jessa.
Kami na ni Bebe Sister ang humingi ng tawad sa driver. Buti at naintindihan nya.
Pumasok na kami ng ospital.
...
"Nandito na pala kayo.", bati ni Matilde.
"Fake.", bulong ni Aria.
Agad naman syang tiningnan ni Bebe Sister. At piningot.
"Hey. Don't touch me!", sigaw nya hanggang matanggal ang kamay ni Jordan.
"Ang gulo mo kasi. We're one today!", paliwanag ni Jordan kaso di pa natinag si Aria.
"Sabi, Girls' Revenge. Ano ka?", pangloloko ni Aria.
"I. Am. Included.", sagot ni Jordan.
Magsisigawan pa sana. Inawat ko na sila. Wala kaming maplaplano dahil sa ginagawa nila eh.
"Pwede ba, tumigil na kayo. Magsimula na tayo.", sabi ko.
"Ano bang pwede?", tanong ni Matilde.
Nag-isip kaming lahat saka nagsalita isa-isa.
"Ipabugbog sa tropa ko.", sabi ni Jessa. Di kaya masyadong brutal yun? Nung tinanong ko kasi kung sino yung mga tropa nya, mga gangster. Baka mamaya, lumaki pa ang gulo.
"Wag nalang kaya. Nakakaawa.", sabi ni Paoline. Tumingin kami lahat sa kanya. Ano? Aatras nalang? Ang hina talaga ng loob nya.
"Diabetes. Pakainin ng mararaming matatamis.", sabi ni Hena. Ang gastos nun ah. Atsaka matagal ang epekto. Paano kung maagapan nya?
"Isabit sa Eiffel Tower!", sabi ni Erich. Palibhasa traveller. Atsaka napakaimposible ng suggestion nya ah. Magastos ang byahe.
"The research shows that the feasibility--", pinigil naming magsalita si Juvy. Baka manosebleed kami. Simula pa lang nang sinabi nya nganga na ako eh.
"Ano ba?", sabay na tanong ng kambal. Wala silang maisip parehas. Kambal nga.
"Eh kung patayin ko sa pagmamahal!", sigaw ni Aria. Bigla naman syang binatukan ni Jordan.
"Gusto mo ikaw patayin ko?!", sigaw ni Bebe Sister. Inawat ko na naman sila.
"Seryoso na kasi.", sabi ni Matilde. Tumingin sa kanya si Aria saka nagsabing,
"Mamatay ka, tapos multuhin mo.", sambit nya.
Aakmang susugurin sana ni Matilde si Aria kaso nasa higaan sya at napigil ko.
Inawat naman ng iba si Aria. Bakit kasi naisip ko pang isama 'to eh.
Kahit ano naman okey lang. Basta sabi ni Tita Millet, kapag di nadala si Xander sa plano namin. Sya na ang bahala. O diba? May back-up kami.
"Okay Bebe Sister. Start na ulit. Wala akong maisip din hehe.", sabi ni Jordan. Nag 'tsk' naman si Aria pero di na namin sya pinansin.
Magsasalita na sana ako kaso,
Kumuha ako ng papel at lapis. Sabi ko sa inyo, lagi kong nakakalimutan ang mga iniisip ko. Kaya mabuting ready ako.
"Okay let's start..."
Nagsilapitan na sila. Sa wakas, nakipagcooperate din.
"Let's start...
...the OPLAN XANDER."
Lesson Learned:
Sa dami ng sinabi nyo, sa huli lang talaga magseseryoso. Hayy. Effort.
...........................................................
A/N:
Anong gusto nyong gawin kay Xander? Tulungan nyo ngang mag-isip ang mga 'to.
BINABASA MO ANG
Househate
Humor"Kung hindi lang dahil sa fiancè ko! Di ako magtitiis dito!" - Kia "Edi papuntahin mo na yang fiancè mo! Nang lumayas ka na dito!" - Xander