Kabanata 1

1.1K 20 0
                                    

Chapter 1 | Ikaw kasi

"Thank you every one !! See you again next time."

Naghihiyawan ang mga tao. May mga dalang banner at balloons. Libre ang meet & greet kaya madami ang pumunta. Hindi ako maka singit sa harapan. May nakatapak pa sa bago kong converse na pink. Nainggit siguro yun kaya tumapak.

Tapos na ang show. Hindi ko man lang siya nakita. Kahit hibla ng buhok o anino niya ay hindi ko nasilayan. Sigurado akong kalahati ng mga tao dito ay hindi naman fan o kaya hindi siya kilala. Nakikisali lang sila. Mga feeler. Dahil sa kanila hindi ko siya nakita. Palibhasa gwapo kaya mga nakikisawsaw.

"Chichay tara na !!" hila sa akin ng mabagal kong kaibigan. Hindi kami ganoon kadaling nakalabas dahil sa dami ng mga tao. Halong amoy sapatos at cheese ang umaalingasaw sa kanila. Kawawa naman siya kung na amoy niya yun.

Pagkalabas namin ay agad kaming natungo sa restroom. Mag aayos kasi siya ng itsura at ako naman ay na jijinggle.

"OMG !!! Ang gwapo niya talaga !!"

"Oo nga eh. Napaka bait pa. Sweet pa !"

"Nakita mo ba yung babaeng pina akyat niya sa stage? Yung sinayawan niya at hinalikan niya?!"

"Oh my gee !! Ofcourse. I envy her !"

Hindi ako makapag concentrate sa loob ng cubicle dahil sa mga narinig ko. Pinigilan ko talaga ang pag-ihi para marinig sila. Nang nanahimik na, tsaka ako lumabas. Inayos ko ang uniform ko. Nakita ko ang kaibigan kong naka halukipkip at naka sandal sa lababo.

"Akala ko na flush ka na." pabiro niyang tawa sa akin. Inirapan ko lang siya at nag hugas ng kamay. "Narinig mo ba sila Chichay?"

"Anu ba tingin mo sa akin, Janella? Bingi?"

Si Janella ang one and only true friend ko. Pareho kaming kumukuha ng kursong Biology sa Brighton Academy. Mayaman ang eskwelahan na iyon. May sarili silang arena. Scholar ako doon. Si Janella naman ay may kayang mag bayad ng tuition. At mabait siya hindi tulad nung iba doon na masyadong feeling prinsesa. Pero maarte nga lang to, pero mabait. Pareho kaming sophomore at isang minor subject lang kami nagkahiwalay. Nag away na kami pero wala pang limang minuto ay bati na kami ka agad. Siya lang ang nakaka intindi nang pagka baliw ko.

"Edi nag haharumentado ka na naman dun sa cubicle?" tanung niya habang nag lalagay ng lipgloss. Makikipag kita siguro siya sa boyfriend niya.

Inikot ko na lang ang mga mata ko at lumabas na kami. Bumalik kami sa gitna ng mall at tiningnan ang lugar kung saan ginanap ang m&g. Nandun pa ang stage at umakyat ako. Nag selfie ako dun at sinave sa camera kahit panget ang kuha. Nag lakad ako paikot sa stage at nakita ang isang singsing. Pinulot ko ito.

Plain at simple ito. Kulay silver at walang naka engrave sa loob. Pag porma lang siguro. Mukha naman siya mumurahin dahil manipis.

"Chichay tara na !! I'm hungry na." sigaw ni Janella sa akin. Kokontra sana ako pero nag salita na rin ang aking tiyan. Bumaba ako sa stage at inilagay sa bag ang singsing.

"Sa Mcdo na lang tayo. 50php na lang pera ko." sabi ko sakaniya habang tinitingnan ang wallet. Wala na akong magulang dahil namatay sila noong highschool ako dahil sa plane crash. Nag i-stay ako sa isang pinsan ko at nung tumungtong ako ng kolehiyo, ako na mismo ang humiwalay. Nag tatrabaho ako sa isang restaurant. Part time job lang.

Pumasok kami sa isang restaurant at nanlaki ang mga mata ko dahil hindi kami sa mcdo pumasok.

"Table for three." sabi ni Janella sa waiter. Tumango ang waiter pero pinigilan ko si Janella. "Sabi ko sa'yo sa mcdo na lang. Bukas pa sweldo ko."

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon