Chapter 16 | Umiwas
Naging tahimik ang buhay ko these past few days. Papasok ako. Kakain tapos uuwi after the last class. Wala akong ibang ginawa kungdi ganujn.
Kinukulit ako ni Janella nung umpisa pero sa huli sumuko din siya. Napagod siguro kakasalita.
Hindi kami gaano nag kikita ni Jeremy dahil balik siya sa pag shooting. Silang dalawa ni Ligaya. Si Gino naman ay may gig. Mahirap talaga pag balansehin ang pag aaral at pag tatrabaho. Parang ako, ganun. Madalas evening shift ako. Simula 8pm-11:30pm. Minsan pag break time may afternoon shift. Sa isang coffee shop ako nag tatrabaho. Part time lang. Magulang kasi ng isa kong kaklaseng mabait ang may-ari nun.
Ironic isn't? Im lactose intolerant but I work in a coffee shop.
Hindi ganun kadami ang mga estudyante dahil uwian na din. Nasa harapan ako at naka assign sa bayad at orders.
"Hello Chichay !!" napatalon ako sa bumati. Naka yuko kasi ako dahil may sukli na iaabot dun sa babae. Pagka bigay ko ay tsaka ako ngumiti kay Gino.
"Nakakagulat ka naman." sabi ko sa kaniya. "Anu order mo?" tanung ko. Nakatingin sa kaniya ang mga nandun na estudyante.
"Dalawang large mocha frappe tsaka dalawang mango cheesecake." sabi niya sabay tingin sa labas. "Oh, make that three."
Tumango naman ako. "Dine in or take out?"
"Uhh, take out na lang. May shooting pa kami kasi." paliwanag niya at nag abot ng bayad.
Sinuklian ko siya. "Talaga? Gabi na ah."
"Oo nga eh. Pero ganito talaga." tumawa siya. "Sanay na naman kami."
"Sino mga kasama mo?" tanung ko at sakto biglang labas sa van si Ligaya at Jeremy.
May pumulupot na sakit sa loob ng tyan ko. Iniabot ko kay Gino ang order niya pero dun ako nakatingin sa dalawa na para bang sobrang saya nila. Para akong nasusuka.
"Chichay?" napapikit ako ng dalawang beses bago tumingin kay Gino. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Tumingin siya sa akin tapos bumalik kila Jeremy.
"Ingat kayo." ang huling sinabi ko sa kaniya bago pumunta sa likod. Buti na lang at saktong tapos na shift ko.
Lumabas ako sa likod para hindi na nila ako makita. Para hindi na niya ako makita. Pero mali ako. Mahirap talaga mag akala na ang isang bagay ay hindi mangyayari dahil pagka labas ko, nakita ko sa gilid si Jeremy na naka sandal sa pader at naka halukipkip.
Oh I missed him. I miss his face. His perfect smile. His angelic voice. Everything about him, I miss.
"B-bakit ka nandito?" tanung ko. Tumayo siya at nag lakad patungo sa akin.
"Nag cr sa loob si Ligaya." malamig ang boses niya. Kanina lang nakikipag tawanan siya dun tapos ngayon para siyang walang pakialam. Iba talaga pag artista. Pero damn, I still like him.
"Bakit ka dito nag iintay?" nag umpisa na akong mag lakad pauwi.
"Kasi alam kong dito ka lalabas." hinarangan niya ako. "Umiiwas ka ba?"
Gusto ko sabihing, Oo. Gusto ko sabihing kailangan. Hangga't maaga, kailangan kong lumayo. Hindi kami pwede.
"H-hindi ah." i lied. Yun naman ang dapat. "Sadyang busy lang."
Totoo yung huling part. Busy siya. Busy ako.
Binuka niya ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas. Ngumiti ako ng maliit.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...