Chapter 4 | Why her?!
"Chance mo na yun, Chichay !! Bakit hindi mo pa ginarab si Jeremy?"
"Teka nga, di ba dapat yung chance ang igagrab hindi yung tao?"
"Kahit alin dun pwede. At dahil hindi mo ginrab, ayan tuloy, nakawala."
Ang sarap sampalin ng labing limang beses ang babaeng ito. Ayoko na nga isipin yung nangyari ibabalik pa niya. Ugh !!
"Paano kung hindi mo na siya ulit makita?" ayan na naman siya. Pasalamat siya nasa library kami. "Paano kung hindi mo na makuha ulit un jacket mo?"
"Pwede ba Janella, kahit anung gawin natin, wala na talaga yung jacket ko at nakita mo namang naubos na yung mga barya ko dahil dun sa pesteng wishing fountain na yun !"
"Sssssshhhh !!" sita nung librarian sa amin. Nakakahiya. Pinagtinginan kami nung mga estudyante.
"Sino ba naman kasing tanga ang nag sabi sa'yo na mag wish doon?" kumakain siya ng tinapay kahit bawal ang pagkain dito.
"Ikaw !" irap ko sa kaniya. Hindi naman niya yun pinansin at nag patuloy sa pagkain. Hinila ko na siya palabas dahil may nag sumbong sa librarian na kumakain kami doon.
First day of second semestral ngayon. Madaming tao. Madaming freshmen. Madami ring fans pero nasa labas sila ng gate. Kumalat kasi ang tsismis na ngayon daw darating si Gino.
Isang commercial pala ang shinuting nila noon gabing pumunta kami. Hindi siya palabas. Tapos na din ang teleserye ni Jeremy. Ibig sabihin mag-aaral na din siya. Saang school kaya siya? Ang swerte ng mga magiging classmates niya.
"Aray !" sita nung isang babaeng nabunggo ko. Nag fafly away na naman kasi si brain. "Watch where you going you fool."
Umamba si Janella pero pinigilan ko. Napansin ko na naka pink silang tshirts at may nakalagay na 'Welcome Gino Padilla'
Mga feelers. Hindi ko alam kung paano ako nakakatagal dito sa eskwelahan na ito. Hmmm. Dahil na rin siguro kay Janella kaya hanggang ngayon nandito ako. Hindi ko alam kung bakit sila ganito sa akin. Siguro dahil isa lang akong scholar. Samantalang sila, nag babayad dito ng buo.
Para bang nasa loob ka ng isang hardin. Puno ng iba't-ibang madagarbong bulaklak at halaman. Mga magaganda. At nasaan ako dun? Ako yung nasa sulok na naka tayo. Isang ligaw na damo. Ako yung pilit nilang pinapatumba dahil ang tingin nila sa akin ay isang panira. Pero kahit ganun, bumabalik pa rin ako. Habang tumatagal, tumatapang at lumalakas.
"Si Gino ba yun?" kalmadong tanung ni Janella. Dumating na din si Marlo at nahanap ng kamay niya ang baywang ni Janella. Hindi pa inaupload ni Janella ang picture nila ni Gino at ang dahilan niya ay 'masyado akong maganda sa picture namin. Hindi siya mapapansin.'
Lumingon ako at nakita ang isang lalaki na payat. Naka shades siya at may dalawang lalaki na nakasunod sa kaniya. Yan yung dalawang lalaki na nakita ko nung hinabol ako ng aso niya. Sila yung nag sabi sa akin na pipi daw ako. May mga babaeng naka sunod sa kaniya. Pagka daan niya sa tapat namin ay huminto siya ng kaunti.
"Hi Gino !" bati ni Janella. Ngumiti naman si Gino. Tumango siya sa amin at nag patuloy mag lakad. Weird naman nun. "Tara na!" hila ni Janella sa akin.
Hindi na kami nag pakilala sa mga klase. Yung mga baguhan lang. Mga lima siguro sila. Syempre mag kakakilala na kami dito. Second sem na ito. Pero like the usual, para akong baguhan kung tratuhin nila ako. Hindi nila ako kinakausap. Tanging si Janella lang at yung iba pero mga simpleng tanung lang.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...