Kabanata 42

286 9 0
                                    

Chapter 42 | Commercial

"Chichaaaaaay !!" umalingawngaw sa buong airport ang boses ni Janella.

Gabi pa naman kami dumating. Nahihiya tuloy ako sa mga taong nasa paligid namin. Pinag titinginan kasi kami.

"Oh my gee !! I missed you bestfriend !" niyakap niya ako sabay buhat. "Ang ganda-ganda mo ! Yung buhok mo. Yung balat mo. Grabe ! Iba ata ang hangin dun sa America."

Pina ikot niya pa ako. Inalalayan ako ni Marlo dahil kamuntik na akong tumumba.

"Easy there babe. May jetlag pa ito." sabi ni Marlo sabay yakap sa akin. "Nasaan ang kaibigan kong umabando sa akin?"

Natawa naman ako sa tanung niya.

"Nasa loob pa. Ayaw niyang ipahalata ang pag-uwi namin nang sabay." sagot ko kay Marlo. Umakbay si Janella sa akin.

Lumapit ang mga kaibigan ko sa amin. Kakakuha lang nila ng mga bagahe nila.

"Janella !" tinanggal ko ang pag kaka akbay ko sa kaniya sabay hila sa kaniya. "These are my friends !"

Pinakilala ko sila isa-isa. Nakipag kamay naman sila pati na din kay Marlo. Pag dating kay Brook ay biglang hinila ako ni Janella.

"Is he the one?" bulong niya sa akin.

Kumunot ang noo ni Brook. Tumingin ako kay Janella at nakatitig siya kay Brook. Hindi niya siguro matandaan ang itsura ni Brook nung magka skype kami.

"Yeah. Stop whispering. Its rude..." siniko ko siya. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Brook.

Nginitian ko lang siya. Maya-maya ay nag sigawan ang mga tao. Napalingon kami at nakita ang mga nag takbuhan na tao. Yung iba ay hila-hila pa ang mga bagahe nila.

"Hello?" sinagot ko ang tawag sa cellphone ko.

"Meet me at the parking lot. Dalhin mo na din sila Janella."

Mabilis lang ang pagkakasabi pero alam kong si Jeremy iyon.

"Let's go !" sabi ko kay Janella.

Sa isang tingin ay alam na kaagad ni Janella kung anu ang ibig kong sabihin. Nag paalam ako kila Brook at nag bigay ng cellphone number.

Dumating kami sa parking lot. Wala masyadong sasakyan. Malamig ang simoy ng hangin. Naririnig namin ang pag baba at pag alis ng mga eroplano.

"Nasaan siya?" tanung ni Marlo habang tumitingin sa paligid.

"Baka inatake na ng mga fangirls !" sabi ni Janella.

Tumawa si Marlo sabay akbay sa akin. "Pwede ba yun kung yung number one fan niya ay nandito?"

Nag lakad-lakad pa kami at huminto sa tabi ng isang van.

"Baka iniwan na tayo nun." sabi ni Janella.

"Hindi naman ganun --- mfff"

Nagulat ako sa biglang humila sa akin mula sa likuran. Tinakpan ang bibig ko at hinila ako sa may bewang.

"Hala !" napasigaw si Janella.

Pumiglas ako at kinagat ang kamay nung humila sa akin.

"Aray !!" bumitaw ang may hawak sa akin at mabilis akong umikot.

"Jeremy !!" binuksan ni Janella ang pintuan ng van.

Bumungad sa akin ang naka bonnet kong boyfriend at may suot na salamin. Nag palit na siya nang pang itaas na damit.

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon