Chapter 25 | Miaka at Tamahome
Walang awkwardness na nangyari sa amin ni Jeremy. Ganun pa rin siya. Sa dumaan na dalawang linggo. Nag papadala siya ng bulaklak, pagkain o kaya minsan maliliit na teddy bears sa akin. Pero pa secret pa rin. Wala siyang nilalagay na pangalan.
Mas na awkward pa nga ako sa mga kaklase ko dahil pagkatapos ng confrontation na iyon, naging friendly ang mga mokong sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba yun kay Jeremy o dahil naguilty sila sa ginawa nila?
I prefer the answer with the word, 'guilty' at ayokong malaman o marinig na napilitan lang sila. Mas pipiliin ko na lang na maging mag-isa kesa naman sa mga ganyan.
"Ayusin mo naman, Chay." sabi ni Jeremy sa akin. Kanina pa siya na iistress dahil nahihirapan akong maka sabay sa mga steps nyang napaka bilis.
Kumakain ng popcorn sa gilid sila Janella habang naka upo sa gilid at pinapanuod kami. Alam na nila ang lahat, maliban dun sa saglit na halik .
Nasabunutan na nga ako ni Janella dahil ngayon ko lang daw sinabi, what more pag nalaman niyang humalik na sa akin si Jeremy. Baka matanggal pati ang anit ko.
First kiss ko yang si Jeremy, I mean first smack. Yun daw ang tawag dun di ba? Kasi anu... Oo yun na yun. Wag kayo mag kunwarian na hindi niyo alam, I'm sure alam niyo yun.
"Gusto mo ba baguhin?" tanung niya sa akin. Hinihingal na ako. Nahalata niya siguro na talagang nahihirapan ako. I'm athletic pero I'm not a dancer.
"Ikaw. bahala." nag hahabol ako ng hininga.
Umupo muna kami sa bench. Nasa isang covered court kasi kami. Wala namang tao maliban dun sa dalawang bata na nag lalaro ng basketball. Nasa kabilang half sila.
"Bakit hindi na lang kayo mag slow dance?" tanung ni Marlo habang iniabot sa amin ang bote ng tubig.
"Oo nga. Yun na lang para madali." dagdag ni Janella.
Umupo ako sa ibaba niya at sinuklay niya ang buhok ko.
"Eh di ba next week na yung competition?" tanung ko.
"Oo. Pero kayo niyo naman yan. Si Jeremy pa? Eh piece of cake lang yan sa kaniya." tumatawang sinabi ni Marlo.
Nag pupunas ako pawis sa batok at noo. Si Jeremy ay naka tayo sa harapan ko. Para bang pinag aaralan niya ang bawat features ng mukha ko. Hindi tuloy ako makagalaw ng maayos. Nakaka conscious.
"Uhh.. Ikaw na b-bahala." sagot ko sa kaniya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.
"Kung anu gusto mo, yun na lang. Ayokong mahirapan ka. Kung saan ka kumportable dun ako." tumabi sa akin si Jeremy.
Buti na lang at tapos na akong talian ni Janella ng buhok dahil panigurado puro sabunot na naman ang aabutin ko.
"You can do this." may ipinakita si Marlo na slow dance mula sa cellphone niya. "Madali lang ito."
Tiningnan ko si Jeremy. Seryoso ang mukha niya. Naka nguso pa siya, grabe ang cute niya. Na aalala ko yung nangyari sa sasakyan. Kung gaano kalambot ang mga labi niya. Grabe !! Nababaliw ako.
Hindi pa kami sa lagay na ito. What more pag naging kami? Magiging kami kaya? Haaaaaay !! Gusto ko siyang sagutin pero hindi ko alam kung makakayanan ko ang mga ibabato sa akin. Hindi pa nga kami, kung anu-ano na ang nasasabi sa akin.
"Hala !" nagulat ako sa pinapanuod namin. Napa pause sila bigla at tumingin sa akin. Naka taas ang mga kilay nila. "Hindi ko kayang gawin yan."
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...