Kabanata 17

412 16 2
                                    

Chapter 17 | Mahal ko siya

Madali lang ang midterms para sa akin. Hindi ako nahirapan. Ako ang naunang natapos. After ng linggong ito, may break kami dahil Christmas na.

"Anu plano niyo?" tanung ni Gino pagka upo sa lamesa namin. Wala akong ganang kumain.

"Plano saan?" pabalik na tanung ni Marlo.

"Ngayong, Christmas break."

"Well,our family is planning a trip. Magkasama ang family namin ni Marlo." masayang utas ni Janella. Tumingin sa akin si Gino. Nag hihintay ng sagot.

"Baka sa dorm lang ako." simpleng sagot ko.

"Tapos na midterms. Wag ka na magpaka emo dyan." sabi ni Janella. Ngumiti lang ako. Kita ko ang pag aalala sa mata ni Gino.

"Ui! Jeremy !"

Nanigas ako sa sigaw ni Janella. Hindi niya alam yung nangyari nung gabing iyon. Agad naman lumingon si Jeremy sa amin. Nag tama ang mga mata namin.

Napakagat ako sa labi ko. Gusto ko siyang paupuin dito sa bakanteng upuan sa tabi ko. Gusto ko siyang pigilan sa pag punta sa amin. Gusto ko siyang hilahin palapit. Gusto ko din siyang ipagtulakan.

Pesteng buhay to ! Nalilito ako.

Pero paghakbang pa lang niya palapit sa amin ay tinawag na siya ng isang pamilyar na boses.

"Jeremy ! Dito ka na kumain."

Nakisabay pa ang mga kaibigan ni Ligaya. Nag kakabuhol na ang mga dragon sa tyan ko. Tinutulak nila akong pigilan si Jeremy. Pero masyado akong mapride kaya yumuko na lang ako.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin niya sa akin. Napa iling na lang siya at lumapit dun sa lamesa nila Ligaya. Masakit ang ipagtabuyan siya. Pero yun ang kailangan.

"Chichay, sigurado ka bang okay ka lang?" tanung ni Janella sa cellphone. "Pwede naman kitang isama sa trip. Payag sila mommy."

Sinuklay ko ang buhok ko. "I'm fine. Kaya ko sarili ko."

Inaya kasi ako ni Gino na umattend ng christmas party. Dahil wala naman akong gagawin okay lang sa akin. Simula na kasi ng break namin. Simula December 15-Jan 04. Marami ang nag papa extend dahil mag aout of the country daw sila. Well, they can afford it.

"Sige. Basta pag nag bago isip mo tawagan mo ako ah. Bukas pa naman ng gabi ang alis namin." sabi ni Janella. Naririnig ko sa background si Marlo. Sinasabi na pilitin daw ako. Natatawa na lang ako. "Sssshhh ! Mag pack ka na lang dyan." pinagalitan siya ni Janella.

"Mag aayos pa ako dito. Tawagan na lang kita bukas." sabi ko sa kaniya.

"Okie dokie !"

Binaba na niya ang linya. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang itsua. Tinaas ko ang bangs ko dahil gusto ko mag mukhang formal dahil alam ko na hindi yun basta-basta party lang. Naka light pink dress ako at white doll shoes. Bihira ako mag suot ng ganito.

Hindi lang naman ngayon ang first time na inaya ako ni Gino. Nung nakaraang araw ay nag mall kami ng ilang beses. Masaya siya kasama. Makulit at komportable ako. Yun siguro ang dahilan kung bakit madami ang nag kakagusto sa kaniya. Madali ka kasi magkaka gusto sa kaniya dahil maligalig siyang tao. Si Jeremy ay medyo mahiyain pa. Kailangan mo pa talaga siyang hukayin ng malalim para mailabas ang ganung side.

Magkaiba sila ni Gino. Dun ko lang talaga napag tanto ang pagkakaiba nila. May pagka misteryosong tao kasi si Jeremy samantalang open book naman si Gino. At siguro dahil gusto ko ng challenge, si Jeremy ang nagustuhan ko.

My girlfriend is a fangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon