This special chapter will start from the beginning upto the end :) !
Want to see the story description of my new KQ story Parating Napapansin ? Message me on FB (dapat friends tayo para masaya) between Aug 26-28 :) ! I will send it to you !
Enjoy and once again, thank you for the support :* !
-----
My girlfriend is a fangirl - Jeremy's POV
Being an actor is hard. Pakiramdam mo ay para kang isang goldfish na nakakulong. Lahat ng galaw mo ay pinapanuod. Kahit saan ka mag punta ay naka sunod ang kanilang tingin. Wala kang kalayaan.
I have always wanted a girlfriend. Mapa showbiz man o hindi, okay lang. Basta handa akong mahalin, okay na. Tanggap niya ang buong pagkatao ko, sapat na.
Kumain ako sa labas. Halos madaling araw na din. Nag crave kasi ako ng fries kaya nag punta ako sa pinaka malapit na mcdo. Nag suot ako ng cap para hindi ako makilala.
Makaraan ng ilang minuto, may pumasok na isang grupo. Nag bubulungan sila kaya tumayo ako at kinuha ang isang jacket na nasa upuan.
"Hoy !" sigaw nung isang babae.
Hindi ko na siya pinansin at tumakbo ako na ako palabas. Dala ko ang jacket niya. Masikip ito sa akin pero kumportable naman ako. Nilagay ko ang hood. Hindi ko napansin ang malalim na butas kaya nadapa ako.
Shit ! Naramdaman ko na may sumabunot sa akin kaya napatayo ako.
"Hubarin mo yan !! Akin yan."
Hinihila nung babae ang jacket na suot ko. Humarap ako at nang hila pa rin siya kaya nalaglag ako sa ibabaw niya. Pinatong ko ang kamay ko sa semento para hindi ako tumama sa mukha niya. Nagka dikit ang ilong namin.
Maganda ang kaniyang mata. May naramdaman akong kakaiba sa puso ko.
"Jeremy !! Tara na !!" narinig kong tinawag ako ng assistant ko. Tumayo kaming dalawa. Inalalayan ko siya. Nakita ko na parating na ang mga humahabol sa akin
"I-I'm sorry..." sabi ko. Hinihingal ako at tumakbo na papunta sa van.
Hindi maalis sa isipan ko ang babaeng may ari nung jacket. Dalawang linggo na ang nag daan. Nasa isipan ko pa din siya.
"Tulala ka dyan..." hinampas ako ni Gino. Nalaman ko na naka enroll na siya. Habang ako naka tanga pa rin.
"May iniisip lang." sagot ko.
Naririnig ko ang nag sisigawan na fans sa labas ng tent namin. Si Gino naman ang habol nila, hindi ako.
Nag pack-up na kami kaya lumabas ako. Tumayo ako sa gilid ng isang babae na mukhang bored.
"Sino ba ang idolo mo ?" tanung ko sa kaniya. Sabi niya kasi hindi daw si Jeremy.
Naka halukipkip ako at naka tingin sa kaniya. Si jacket girl pala ito. Kita ko sa mukha niya ang pagka bigla.
Hindi siya makapag salita. Nauutal siya. Narinig kong tinawag na ako. Sinenyasan ko siya at tumingin ulit dun sa babae.
"Sagutin mo yan next time." sabi ko sa kaniya at tsaka umalis.
Pinakita sa akin ni Gino ang university na papasukan niya. Mukhang maganda at mayayaman ang nag aaral. Hindi ako masyadong mapapansin dito.
Nag enrol ako. Tinapos ko muna ang mga projects ko. Nag post ako sa instagram para may balita ang mga fans ko.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...