Chapter 24 | Ako at ikaw
Hindi maipinta ang mukha ng dalawa. Kung ganun ang itsura nila, what more ako?!
"T-that's great..." sabi ni Ligaya. Hindi maalis ang tingin niya sa kamay ni Jeremy na naka akbay sa akin.
"Sigurado ka na ba diyan Chichay?" mabilis na tanung ni Gino. Kanina lang ang lamig ng pakikitungo niya tapos ngayon, ganito na. "Di ba hindi ka mahilig sa mga ganito?"
Bumaba ang kamay ni Jeremy. Patay !
"Paano mo naman nasabi yun, Gino?" tanung ni Jeremy. Para siyang may pag dududa.
"Kasi ibang klaseng babae si Chichay. Kita naman sa kaniya na hindi siya mahilig sa ganito."
"Ganun mo ba siya kakilala?"
Shete naman oh ! Mukhang mag aaway pa ata.
"Oo. Mas nauna ko siyang nakilala kesa sa'yo, Jeremy." matigas ang pagkakasabi ni Gino sa pangalan ng my loves ko.
"Anu naman kung ganun?! Hindi mo ba alam na ---"
"Hep ! Hep !!" pinutol ko na si Jeremy. Alam ko kung anu ang sasabihin niya. Ayokong ituloy niya dahil nandyan si Ligaya. Tumayo ako sa gitna nila. "Jeremy tara na ! Nagugutom na ako." sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya.
"Di ba kakatapos lang natin ---"
"Kailangan kong mag cr !!" hinila ko siya palabas ng office. Sa parking lot ko siya dinala, hindi sa cr.
"Akala ko ba na ccr ka?" tanung ni Jeremy. Ako hingal na hingal tapos siya wala lang. Naka tayo lang siya dun at naka tingin sa akin.
"Nag bago isip ng tyan ko." nag hahabol ako ng hininga. Dumating sila Janella na malaki ang ngiti sa mukha.
"Na post na nila !!!" masaya niyang sinabi sa akin. Pumalakpak pa siya.
"Post ang alin?" tanung ni Jeremy. Naka tayo na ako ng diretso.
"Yung list ng mga ilalaban sa Mr. & Ms. University."
Nalaglag ang panga ko. Mygahd !! Bulgar na ang maganda kong pangalan. Mukhang mapapa banyo na nga ako ng wala sa oras.
Mabilis kumalat ang balita. Pinag titinginan ako ng mga kaklase ko pagka pasok ko. Wala na naman si Janella. This is torture for me !! Too much torture.
"Bakit siya ang ilalaban?" narinig kong tanung nung isang freshman.
"Ewan ko. Siguro wala na talaga sila makuha."
Tiningnan ko ng masama yung dalawang babae. Agad naman sila yumuko. Mga kunwaring nag babasa.
"Ikaw ba talaga ang ilalaban para sa course natin?" biglang tanung nung isang babae. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman niya ako kinakausap. This is the first time.
"Uhhh..." sasagot pa lang ako kaso may kasunod na siyang tanung.
"Bakit ikaw?"
Para akong sinuntok sa tanung niya. Kumuyom ang panga ko.
Bakit ikaw?!
Yan ang isinisigaw ng mga tingin nila sa akin. Halos lahat na sila ay nakatingin sa akin at dun sa babae.
Bakit nga ba ako?
"Ganun ka ba kadesperada na makalapit kay Jeremy?" dagdag niyang tanung.
Yumuko na lang ako. Gusto kong lumaban. Gusto kong sumagot. Pero walang lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko nasa ibang planeta ako na puno ng Aliens. Ako yung tao sila yung Alien. Ako yung maayos ang mukha pero dahil mag kakamukha sila, ako ang kakaiba. Ako ang alien sa paningin nila.
BINABASA MO ANG
My girlfriend is a fangirl
Teen FictionSa buhay, may mga bagay tayong laging ipinagdarasal. Halimbawa ay ang maka pasa sa board exam, o di kaya naman ay manalo sa lotto, o kaya minsan pag inumaga ka na ng uwi ay sana wag kang pagalitan ng iyong magulang. Pero si Chichay ay hindi tulad ng...